Kabanata 3: Porselas

2009 Words
"Ma, nagpapasama si Naja sa kabilang Bayan," bungad ko kay Mama nang maabutan kong nanood ng teleserye sa TV. Nilapag ko lahat ng aming nabili sa lamesa at isa-isang tinanggal 'yon sa eco bag. Si Naja naman ay tumulong na rin. "Ano ba ang gagawin n'yo roon, mga iha?" Tanong ni Mama. Hinayaan ko s'yang tulungan ako sa paglabas ng mga rekados na nabili ko. Si Naja naman ay maayos na tinutupi ang eco bag. "Magbabayad po ng bill sa tubig," ani ko. Hinanap ng paningin ko si Papa sa paligid kung naririto na ba s'ya. Pero maaga pa naman kaya wala pa. "Napaaga naman ata ang pagbabayad niyo, Naja? Ano'ng nangyari?" kuryosong tanong ni Mama. Lumapit na siya sa kusina at isa-isang hinanda ang mga gagamitin sa pagluluto. Kinailangan pang hugasan ang mga sandok at kawali dahil madumi pa ito. Sana pala ay bago ako umalis kanina, naghugas na ako. "Oo nga po, e." Kamot ulo na sagot ni Naja. Pumayag naman si Mama kaya wala itong problema sa akin. Pinaupo ko muna si Naja sa sala dahil medyo nadumihan ang damit ko dahil sa pakikipagsiksikan sa mga tao sa palengke. Minsan kasi ay hindi ko naiiwas ang damit kaya tumatama kung saan-saan. "Saglit lang ako, magbibihis lang." Tumango naman siya sa sa sinabi ko at tuluyan nang naupo. Pag-akyat ko sa taas ng aming bahay, binuksan ko na agad ang pinto ng kwarto ko. Hindi naman kalakihan ang aking silid. Ang kama ko ay mababa lang, maliit din ang espasyo nito pero ayos lang basta ang mahalaga ay may natutulugan. Pagkapili ko ng karaniwang isinusuot kong bestida, inayos ko na kaagad ang aking buhok. Pakiramdam ko kasi ay mas presko ang aking katawan kung bestida ang lagi kong sinusuot dahil pumapasok kaagad ang hangin. Naabutan ko naman si Mama sa kusina na patuloy pa ring nagluluto kaya hindi ko na rin inabala at nagpaalam na kami ni Naja na tutulak na. "Mag-ingat kayo, huh? Naja, 'wag mo itong hahayaan si Elira na makapunta roon sa pwesto ng mga manyak," bilin ni Mama sa kasama ko. "Opo." Pagkalabas namin ng bakuran, naglakad-lakad pa kami palayo dahil madalang lang na may nagpapasakay na tricycle sa tirahan namin. Kadalasan kasi ay napupuno agad. "Wala akong pamasahe, ah. Libre mo na lang ako," saad ko sa kaniya. Hindi na kasi ako humingi kay Mama ng gagamitin kong pamasahe dahil nasanay na rin iyon na nililibre ako ni Naja kapag inaaya ako. Malayo-layo rin kasi ang kabilang Bayan, at hindi ito kayang lakarin kaya wala talagang mapipili kun'di ang mamasahe. "Ano pa ba ang bago?" natatawang sabi nito. Muli niyang nilagay ang kaniyang kamay sa aking braso sa akin na para bang sumasabit kagaya ng lagi n'yang ginagawa. Pagkasakay namin sa tricycle, roon ako sa likod pumwesto. Si Naja naman ay sa loob. Nasasanay na rin ang ilang driver kapag nadadaanan ako at pinapasakay. Alam kasi nilang gustong-gusto ko ang pwesto sa likod dahil mahangin kapag umaandar na. Minsan pa nga ay kahit na may nakasakay at nauna na sa likod, pinapalipat pa ng driver. Pagbaba namin ng tricycle, agad ko nang iginala ang aking paningin. Wala namang bago at marami pa ring nagkakalat na tao. Bukod kasi sa mas malawak ang palengke ng Bayang ito, mas marami pa ang magagandang produkto na binebenta. Kung sana ay malapit lang ito sa bahay ay rito na lang din ako mamamalengke. "Singkwenta na lang, Kuya!" tawad ni Naja sa driver. Sinanggi-sanggi ko siya senyas na tumigil na kakatawad, pero hindi pa rin nagpapatinag. "Parang bente lang naman ang tawad. Bili na Kuya! Magbabayad pa ako ng tubig, hindi ka po ba naaawa?" Umakto pang nagpapaawa itong kaibigan ko. Hindi ko alam kung saan niya nakakakuha ang lakas ng loob na makahingi ng tawad. Ako kasi ay kahit sa pagsakay sa Jeep, hindi ko na mahingi sa driver ang sukli. "Sitenta talaga, Ineng." Kamot ulo na sagot ng driver. Nakita ko namang napairap si Naja na para bang hindi siya titigil kung hindi talaga s'ya makakatawad. "Bahala ka, Kuya. Kapag nadaanan kami namin hindi na ikaw ang sasakyan ko. Kahit sa pila pa!" pananakot ni Naja. Kapag kasi umaalis at nag-iintay kami ng masasakyan na tricycle, lagi naming naabutan si Manong. Ganoon din naman sa pila, kaya s'ya rin ang lagi naming nasasakyan. "Ang dami mo na ngang pera, Kuya. Tapos ikaw pa lagi naming nasasakyan," patuloy ni Naja. Mukha namang epektibo ang kaniyang pananakot dahil pumayag 'yong driver. Ngiting-ngiti namang inabot ni Naja ang oara na ipangbabayad. "Salamat po!" Umiling na lang ako sa ginawa niya. Sa pangalawang pagkakataon, nilibot ko ulit ang aking paningin sa kabuuan ng palengke. Marami pa rin ang mga batang naghahabulan at ang ilan pa ay mga turista. "Saan ka pupunta? Dito ang bayaran ng bill." Hila ko kay Naja nang pasalungat siyang naglakad sa akin. Marami naman talagang pwesto kung saan pwedeng magbayad ng bills. Pero ang lagi ko kasing pinupuntahan, iyong mas malapit lang palabas ng palengke para naman hindi na magtagal sa pakikipagsiksikan sa mga tao. "Ayoko riyan, mas gwapo 'yung cashier doon sa kabila!" Wala akong nagawa kun'di ang magpahila na lang. Sa aming dalawa, ako ang sunod-sunuran. Nang matanaw na namin ang pwesto ng bayaran, madaming nakapili kaysa sa kabila. Siguro dagdag na rin na may itsura ang cashier dito. May ilang nakapila pero may ilang ding nakaupo sa mga upuan habang nag-iintay. "Madaming pila, ikaw na lang. Hintayin na lang kita sa kabila," uto ko kay Naja. Hindi naman kasi ako magbabayad kaya walang kabuluhan kung pati ako ay makikipila. Tinignan ko ang pwesto ng mga tindahan ng isang babae na nagbebenta ng mga bracelet, necklace, anklet, at iba pa. Bukas naman 'yon kaya siguro ay doon na lang ako mag-iintay. Gusto ko rin kasing tumingin. "Okay, bahala ka. Basta 'wag kang lalayo, ah! Lagot ako kay Tita Lucy!" Hinayaan ko na siyang pumila bago ako pumunta sa pwesto ng Ateng tindera. Noong isang araw kasi ay may nakita akong magadang disenyo ng anklet. Gusto ko sanang bilhin. Luminga linga pa ako sa daan at baka may sasakyan. Nang nasiguro ko namang wala, nagpatuloy na ako. Nakaipon na naman ako ng sapat na pera pangbili ng gusto ko. Hindi naman siguro masamang magwaldas ng pera sa kaunting halaga ng gusto ko. Mayroon ding mangilan-ngilang Souvenir Shop gawa ng may malapit na Beach resort dito. Ang ibang taong nagkalat naman ay turista. "Singkwenta lang 'yan, Miss." Ngiting bungad sa akin ng tindera. Siya rin ang kadalasang nakikita kong nagbabantay sa tuwing napapadpad ako rito. Hinalo-halo ko pa ang ibang produkto. Gusto ko kasing mahanap 'yong anklet na nag-iisa noong nakaraan. Sabi kasi ng tindera, mahirap daw makahanap ng beads na ginamit sa gano'n lalo na't maganda talaga ang disensyo. Nagliwanag ang mukha ko ng sa wakas ay nahanap ko ito. Natabunan kasi ng ilan pang anklet kaya rin siguro walang nakabili. Buko kasi sa maganda ito, mabilis ding mabili at maibenta gawa nga ng maganda ang pagkakagawa. Ang problema nga lang ay mahirap mahanap ng mga beads na ginamit doon. "Magkano po ba rito?" tanong ko. Pinakita ko sa kaniya ang anklet na nahanap ko. "Nobenta, Miss." Binuksan ko ang wallet na dala ko at naghanap ng mga barya. Nang wala akong mahanap, iyong isang daan na lang ang ibinigay ko. Minsan, napapaisip ako kung nangdadaya ba itong tindera sa presyo at masyadong over price. Pero siguro rin ay ganoon talaga gawa ng magaganda ang mga produktong kaniyang binebenta. Dadgdag pa na hand made lahat ng ito. Napabaling ako sa mga babaeng nagkukuwentuhan tungkol daw sa lalaking magarang turista. Ang ilan pa ay nagsabing gwapo raw. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin dahil wala naman akong interes. "Salamat po—" naudlot ang pasasalamat at pagkuha ko ng sukli ng may nakasanggi sa aking isang tao na s'yang dahilan kung bakit nagkatapon-tapon at nagkalat ang mga produkto. "Fvck!" Bulyaw ng isang lalaki. Nanlaki ang mata ko nang halos ata lahat ng bracelet, necklace, at anklet ay naitapon. Ang mas malala pa ay nakita ko kung paano nalaglag at nagkasira-sira. Hindi ko alam ang gagawin sa sobrang kaba ko na ako ang pagbayarin, hinarap ko ang lalaking nakasanggi sa akin. Natumba ako mula sa pagkakatayo pero may matandang lalaki naman ang nagmagandang loob para tulungan ko. "Pvta naman, Miss. Nasira na ang mga gawa ko!" Galit na galit na sigaw sa akin ng tindera. Dahil sa lakas ng kaniyang boses ay hindi maiwasan na mapabaling ang mga tao sa amin. Kinakabahan akong tumingin sa tindera. Matalim ang titig niya sa akin na para bang ako talaga ang may kasalanan kung bakit natapon ang lahat ng ito. Pero hindi naman ako ang may kasalanan, ah? Nasanggi lang ako! "P-Pasensya na po—" "Ano'ng magagawa ng pasensya mo, huh?" mahinahon pero galit ang tono ang boses n'ya. Nalipat ang paningi sa lalaking nakasanggi sa akin. Basa ang kaniyang polo na mukhang natapunan ata ng ng inumin. Siguro ay may nakasanggi sa kaniya tapos ay natapunan siya kaya rin ako nasanggi. "P-Pero nasanggi lang po ako ng lalaking 'to!" Tinuro ko ang katabi kong lalaking wala man lang balak magsalita at magsabing wala akong kasalanan dahil nasanggi lang din ako. Bumaling ang tindera sa katabi ko at biglang nagbago ang ekspresyon mula sa pagkakainis hanggang sa mahinahon ng makita ang lalaki. Bumaling ulit siya sa akin ng bakas na naman ang pagka-inis. Oh, bakit sa akin lang s'ya galit? Dapat ay pati sa lalaki! "Ikaw ang nakasanggi nito, Miss. 'Wag ka nang magkaila, ano ang gusto mo? Si Pogi pa ang pagbayarin mo? Aba, mahiya ka naman!" Bulyaw niya sa akin. Matalim kong tinignan ang lalaki sa aking tabi. May suot s'yang black shades kaya hindi ko masyadong makita ang kabuuan ng mukha n'ya pero nasisiguro kong may itsura ito. Kaya naman pala dinidiin ako ng tindera dahil gwapo ito. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi na parang natutuwa sa nangyari. Hindi naman ako ang may kasalanan, bakit ako pa ang mukhang dehado? "Kung hindi mo ito babayaran, ipapa-Barangay kita, Miss." Napalunok ako sa saad ng tindera. Nag-iinit ang ulo ko sa mga nangyayari! Ano ang ipangbabayad ko, eh wala naman akong malaking pera. "M-Magkano po ba?" Napapikit ako nang tinignan niya ang mga nagkalat na produkto sa sahig. Marami ito kaya nasisiguro kong mabubutas ang aking bulsa. Ang ibang nagkalat na necklace ay napagsisipa ng mga taong nadaan kaya mas lalo itong nagpainit ng ulo ng tindera. "Seven hundred lahat ng 'yan. Mababa pa ang presyong binigay ko sa'yo dahil kung tutuusin aabot 'yan ng mahigit isang libo." Napalunok ako sa presyo. Saan naman ako kukuha ng pangbayad sa ganoong kalaking halaga? Sa Lunes pa ang pasukan kaya naman wala pa akong kita mula sa pagtulong ko sa guro kaya hindi ko na talaga alam ang gagawin. Kinapa-kapa ko ang wallet ko sa suot kong bistida kahit malabo namang may makapa ako. Wala naman itong bulsa kaya imposible talaga. Iginala ko ang paningin ko sa lapag kasama ang mga produktong nagkalat at nagbabakasaling nahulog lang. Pero wala pa rin. Nasaan na 'yon? Kanina hawak ko lang 'yon, ah? Napasapo ako sa noo ng maalala na may tumulong nga pala sa aking matandang lalaki. Baka nahulog 'yon sa pagkakahawak ko kaya posibleng nakuha n'ya! Ano ang gagawin ko? "S-Seven hundred po? A-Ate, wala po akong ganoong halagang pera." Naiiyak kong pagmamakaawa. Kung hindi lang sana ako nasanggi nitong lalaki, hindi na sana ako malalagay sa sitwasyong ganito! "I-Ikaw! I-Ikaw naman ang may kasalanan, 'di ba? Tutal ay ikaw naman ang nakasanggi sa'kin." Hinintay kong magpresinta s'ya na magbayad at akuhin na lang ang babayaran, pero nanatili lang s'yang nakatitig sa akin. Kahit na may shades siyang suot, halatang-halata naman kung saan siya nakatingin. Bakit hindi ba nagsasalita ang lalaking 'to? Pipi ba 'to? Sumasakit na talaga ang ulo ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Saan naman ako kukuha ng seven hundred? Mukhang isang buwan ko pang pagtatrabuhan ang ganoon kalaking halaga, ah. Tapos mawawala lang sa saglit na oras. Diyos ko po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD