Chapter 8

3362 Words
“Who's the guy, Thea?” Napahinto siya sa pag-akyat ng hagdan nila ng marinig ang tanong ng papa niya. Sabi na nga ba hindi nito iyon palalagpasin. Nilingon niya ito. Her mom is helping him take off his coat and tie. “It's a secret dad. Baka mamaya kausapin niyo.” “Just tell me his name, thea.” “Or his surname.” dagdag ng mama niya. “His family is well off and he's handsome, don't worry.” imbes na sagutin ang tanong ay iyon ang sinagot niya dito. Bumuntung-hininga ang papa niya. He knows she wouldn't say a thing. “You're still a girl. Don't chase him. It should be the other way around.” “I know, I know.” pagtango niya. “Can we just call it a night? I'm kinda tired.” maktol niya. “Fine. Go and rest.” pagsuko nito. Ngumiti siya sa dalawa bago nagpatuloy sa pag-akyat. Pagkarating sa kwarto ay mabilis na hinubad niya ang damit. Kanina pa siya nangangati at naiinitan doon. Dumiretso siya sa bathroom at nagbabad sa bath tub. Pumikit siya at ninamnam ang tubig sa balat. Napamulat siya nang tumunog ang phone niya na nasa tabi lang. Bumangon siya para abutin at tingnan kung sino ang nagtext. From Ox: Home? Naalala niyang sinave na niya ang number nito kanina nang papauwi na sila. Muli kasi iyong pinaalala ng lalaki sa kaniya habang papasok ng sasakyan kanina. To Ox: Yup! What are you doing now? Nang maisend sa lalaki ang reply ay kinansel niya iyon. Sandali siyang natigilan ng makita ang kasunod na pangalan sa inbox niya. It was Kaius. Napangiti siya ng maalala ang ginawang paghalik nito sa kaniya sa hotel. Wala sa sariling napahawak siya sa labi. Pinindot niya ang pangalan ng lalaki at muling binasa ang huling mensahe nito. There's nothing special in his text but she found herself smiling. Binuksan niya ang camera ng phone niya at itinutok sa sarili. She captured a photo of her in a bathtub. Her chest is covered with bubbles, and looking so hot. It looks like she's inviting him for a one hot tub. She giggled and send it to him. What would be his reaction? Nilunod niya ang kalahating mukha nang maramdaman ang pag-iinit nun. Kahit kailan hindi niya ginawa yun sa mga fling niya o kay Alex. She never send pictures like that. Ang pokpok kasi ng dating. Pero heto at nilabag niya iyon. Ibig sabihin ba handa siyang magpakapokpok para sa lalake? “Hay. Ang hirap maging maganda.” Her phone beeped. Muling inabot niya iyon at binuksan ang mensahe ni Kaius. From Kaius: You really wouldn't stop? Natawa siya. She wanna see his reaction. To Kaius: Hmm, no. Ngayon pa ba ako titigil? You kissed me, kelangan mo yung panagutan. Dumating ang mensahe ni Ox. From Ox: Chillin with him. Ikaw ba? Hindi ka pa matutulog? He sent a photo. Sa litrato ay may bote ng inumin sa counter. Next to it was Kaius who's looking at his phone with his brows forrowed. She zoomed it and stared at him for a minute. Baliw na ata siya. Again, she took a photo of her legs in the tub and send it to Ox. She save the photo that Ox sent and forward it to Kaius. Ilang minuto siyang nag-antay ng reply ng dalawa pero walang dumating. Nakabihis na lang siya ay wala parin. Anong nangyari? Imposibleng nagkataon lang. When ten minutes had passed and there's still nothing, she climb up to her bed and decided to sleep. Ghosting din tong magkapatid na ito e no? ??? “Thea, congrats!” She stop sipping her drinks and look at her two classmates who stop infront of their table. Nasa student center sila ngayon, nagme-meryenda. “Congrats? Para saan?” tanong ni Ica sa mga ito. Pati ang mga kaibigan niya ay napahinto rin sa pag-uusap at nagtatakang pinanood sila. “May sinalihan ka bang contest sis?” Quin asked. Pinilig niya ang ulo. “Anong pinagsasabi niyo?” aniya sa dalawa. “I heard the news about Artemis marriage. Ikaw ha, hindi ka man lang nagsasabi.” Tinaasan niya ito ng kilay. “Arrange marriage.” she corrected. “At bakit ko naman sasabihin sayo? We're not even close.” Halatang napahiya ang babae. Namula ang mukha nito at tagilid na ang ngiti. Hindi na siya magtataka kung kumalat agad iyon. The Monteagudos already announced about the merging of both companies and the news about her sister arrange marriage last night. “And you shouldn't congratulate me. I'm not Artemis.” Isa pa, parang insulto ang dating nun sa kaniya. “Pero kapatid ka niya kaya —” “And so?” Kita niya ang paghila ng isa nitong kasama sa damit ng kaklase niya. “Okay, sorry.” taas nito ng kamay. Inirapan niya ito. Nagmamadaling umalis ang mga ito sa harap niya. “Ang init ng ulo natin ah?” “Ang bobo kasi.” “Ay, grabe siya.” “Hindi naman masakit.” Kaniya kaniyang react ng mga kaibigan niya. “Pero hindi ka nagku-kwento tungkol sa nangyari kagabi.” “Kumain nga lang kami saka nag-usap.” Gustong gusto niyang ikwento sa mga ito ang nangyari pero napaka personal naman ata iyong nangyari sa kaniya kaya wala siyang nilabas ni isa. “Ano yung reaksyon niya nung makita ang ayos mo?” “Uhh... I don't know. Hindi ko din napansin e. But my parents liked it.” Ngumiwi si Quin. “Seriously? Hindi naman sila ang pinapa-impress mo.” She laughed. “And oh! I met his brother. He's cool and nice. Mukhang masaya kasama.” “Gwapo ba?!” “Wala naman atang pangit sa lahi nila.” “Hmm. Oo nga naman.” ??? Nagsalubong ang kilay niya nang may huminto sa harap nilang itim na Jeep wrangler nang makalabas sila ng gate. Napunta ang lahat ng mata nila sa sasakyan. Halatang bago at mamahalin. “Damn!” “I can't believe I'm seeing this car right now!” bulaslas nila Troy na kulang na lang kuminang ang mata nito habang hindi inaalis ang tingin doon. “It's not your car?” “I f*****g wish! I need millions to buy this. I need to work my ass off to our family business so I can have one.” “Kung ganun kanino yan?” “And it stopped right infont of us.” Nagsitinginan sila at sabay na nagkibit balikat. “Alex, your silent! Baka naman sa iyo to ha?” “No. If that's mine, I don't need a freaking driver.” Tama nga naman. Lahat sila inantay ang pagbaba ng bintana ng sasakyan. They're all excited to know who's driving it. The window rolled down, at napaawang ang bibig niya ng makilala ang nasa driver's seat. He look sideway, kung nasaan sila. Kuminang ang piercing nito sa gilid ng labi. “Ox?” she called. “Hey!” ngisi nito. It was no other that Oxblood f*****g Monteagudo. “It's your ride.” Alex flatly said. “Oh my God! Sinasabi ko na nga ba.” rinig niyang bulong ni Quin sa kaniya na sinundan ng pagkurot. “You really need to tell me everything!” Quin muttered. Sandaling umikot ang tingin ni Ox sa mga kasama niya bago muling bumalik sa kaniya. “Anong ginagawa mo dito?” Hinanap niya ang phone sa bag at tiningnan kung may mensahe ang lalake pero wala naman. Nagtatakang tiningnan niya ito. “You didn't text me that you are coming.” aniya. He opened the jeep's door and come down. “Nasira ang phone ko kagabi.” “Oh!” “Your friends?” baling nito sa kasama niya. “O-Oo.” pinakilala niya ang mga kaibigan dito. Medyo natawa pa siya ng makita kung paano hagudin ng tingin ng mga ito ang lalaki. “Si Ox, kapatid ni Kaius.” “Hi.” ngumiti ang mga babae dito bakas sa mga mata ang pagkamangha habang ang mga lalaki naman ay tumango lang. Her friends are good looking too. Pero dahil may lahi tong isang to, mas angat ang kagwapuhan ni Ox. “Nice Jeep!” sabi ni Troy na ang mga mata ay nasa sasakyan parin. Nilingon ng bahagya ni Ox ang itim na Jeep. “Uh, thanks! Sa kapatid ko.” “Oh... I see.” tango ng kaibigan. “Kay Kaius?” Ox nodded. “Yup. I'll tell you later. For now, let's go. I'll drive you home.” he tilted his head mitioning the car. “Sige.” He bowed to her friends before turning his back. “Uh, uuwi na ako. Kayo na lang muna ngayon.” “Sure! Enjoy kayo. Basta text mo kami mamaya, standby kami sa gc.” “Sige.” Nang madako ang tingin niya sa pwesto ng mga lalaki ay hindi nakaligtas sa kaniya ang mariing tingin na binibigay ni Alex ngayon sa kaniya. But she shrugged it off and followed Ox. Pinagbuksan siya ng lalaki ng pintuan. “Seatbelt.” he reminded before closing the door beside her. Hindi niya napigilang pasadahan ng tingin ang loob. Malinis ang loob, the scent is very manly. He said it was Kaius car. How many cars does he have? This looks expensive. “Tapos na ang klase mo?” Sinilip nito ang pambisig na relo. “At this time, maybe.” Kinunotan niya ito ng kilay. “Maybe? Bakit ganiyan ang sagot mo?” “Kasi absent ako.” parang wala lang na pahayag nito. “You're asking about my class so, maybe.” tawa nito She rolled her eyes. “Funny.” He chuckled. Pinaglaruan ng daliri nito ang labi habang ang isa ay nakahawak sa manibela. “So...” sandaling inalis nito ang tingin sa daan at humarap sa kaniya. “How do I look with my piercing?” Gusto ata nito ng papuri. She pursed her lips. “Pwede na.” “What?” halakhak nito. “Ang bilis ng balik ah?” Natawa na rin siya. “Kidding. Bagay nga sayo. Picture tayo mamaya. Remembrance.” He laughed. “Remembrance huh?” “Tungkol sa phone mo. Ano bang nangyari? Magkatext lang tayo kagabi ah?” “Oh, about that. I dont exactly know what happened. Iniwan ko lang sandali yun sa counter kasi nagpunta akong kusina para kumuha ng yelo. Then yun nga, pagbalik ko basag na.” “Huh? Sinong nakabasag?” “Kaius.” “B-bakit niya naman nagawa yun?” “I donno. He looked irritated when I comeback and said he'll just buy me a new one. Then left.” Kumunot ang noo niya. “Does he perhaps know that you're texting me that time?” “Hmm...” umiling ito. “No, why?” Bumagsak ang balikat niya. “Wala naman. Natanong ko lang” “Thanks!” Nginitian niya ang lalaki nang pinagbuksan siya nito ng pintuan. “Oh!” Ox stopped walking kaya napahinto rin siya. “May problema ba?” “It's my brother's car.” Sinundan niya ang tingin nito. Napunta iyon sa hindi pamilyar na kotseng nakaparada sa harap ng bahay nila. “Kay Kaius?” pero ang alam niya pula yung kotse nito. “Yes. Base on the plate number, its really his car.” Agad na dumapo ang tingin niya sa front door ng bahay nila. So, he's here. “Great timing! Baka dinalaw niya si Artemis. Come on, puntahan natin.” Pinaikot niya ang kamay sa braso nito at saka hinila papasok ang lalaki. Walang tao sa sala nila ng makapasok. A maid saw them entered. Bumati ito at lumapit sa kanila, pasulyap sulyap sa katabi niya. “No, it's fine.” sabi niya at iniwas ang bag na kukunin sana ng katulong. “Nasaan sila Artemis?” “Nasa kusina po kasama ni seniirito Kaius.” Nagtinginan sila ni Ox. He shrugged. Tinanguhan niya ang babae at nilagpasan. “Come on.” Nakapamulsang sumunod naman ang lalaki sa kaniya. Malayo pa lang ay dinig na nila ang halakhak ni Kaius. “Stop! Nakakainis ka.” “Hmm. Okay parin naman ah? Masarap.” Anong ginagawa nila? Iritang kumawala siya kay Ox at nagmamadaling tinungo ang kusina nila. “Tama na nga! Isa! Akin na.” Bumungad sa kaniya ang magkalapit na kapatid at Kaius. Nakaupo ang lalaki sa stool hawak ang bewang ng kapatid na siyang nakatayo sa gitna ng nakaparteng paa ng lalaki. Nakayuko ito sa lalaki na siyang nakatingala naman. She's holding his jaw. Hindi niya makita kung anong ginagawa ng dalawa dahil nakatalikod si Kaius sa kaniya. “Dalawa!” “Ah! See? Wala na.” he mobmve his head. Sumimangot si Artemis. “Bahala ka. Pag sumakit ang tiyan mo wag mo kong sisihin.” Tumalikod ito at akmang lalayo pero muli itong hinila ng lalaki sa bewang. “Kaius!” tili ni Artemis. Hindi na niya kayang panoorin pa ang eksenang yun. Kay tumikhim siya ng pagkalakas lakas. “Hi!” nakangiting bati niya. Sabay na lumingon ang dalawa sa kaniya. Artemis eyes widened when she saw her. Kumawala ito sa pagkakayakap ni Kaius. Her cheeks are burning. “Thea! Nakauwi ka na pala.” “Yeah. Nandito pala kayo. Nakadisturbo ba kami?” She glance at Kaius but he isn't looking at her. Abala ang mata nito sa cookies na nasa bowl. When she look at Artemis, ngayon lang niya napansin ang apron nitong suot. There were starch ang eggs in the table. So, she's baking for him. “Kami?” “Hey.” Muntik na niyang makalimutan si Ox. Gulat ang mukha ni Artemis ng makita ang nakasunod sa kaniyang lalaki. “Ox! You two...?” nagpalipat lipat nag tingin nito. She nodded. “Yup, magkasama kami. Sinundo niya ako sa school.” kinawayan niya si Ox at itinuro ang stool na katabi. “Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba may plano ka?” salubong ang kilay na tanong ni Kaius sa kapatid. Ox touch his nape and glance at her. “Siya nga yung plano ko. Hindi ko naman alam na nandito ka rin pala.” Kaius stared at him blankly. “This is my fiancee house.” mariin nitong sabi. “I know.” “So wha—” “Kaibigan ko siya, I invited him here so he's welcome here.” aniya. Nginitian niya si Ox bago balingan si Artemis. “You have time to bake a cookies. Wala ka bang trabaho kanina?” “Halfday lang. Ang kulit kasi ng mga sumusunod na reporters.” Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Napatingin siya sa cookies na nakahain sa mesa, sunog iyon. Some are brown but most of them are burned. And Kaius is still eating it. Tumaas ang kilay niya. “You're letting him eat that?” Artemis gasped at tarantang kinuha iyon sa harap ng lalaki. “I told you not to eat this!” “Nagpa-practice ka na? Wifely duties?” tukso ni Ox. “H-huh? Hindi.” Artemis stuttered and place the cookies in the sink. “Yes you are. Sabi mo kanina sakin.” nakangising sabi ni Kaius. “What?! I didn't said that!” namumula na ang kapatid niya. “You did.” She rolled her eyes. “They will be a perfect pair.” komento ni Ox. Sinimangutan niya ito. “There's no perfect pair.” Pag naging sila ni Kaius, baka magkaroon na. “Kita mo naman Kaius, hindi magaling si Artemis sa kusina. Look, she can't even bake a cookies. Are you fine with that?” Sinabi niya iyon na parang biro lang. Napatingin si Artemis sa lalaki, waiting for his answer. “Bakit ikaw ba marunong?” Binalingan niya si Ox na ngayon ay may mapang-asar na ngiti. “Of course.” Totoo naman kasi. Nung nasa high school pa lang siya, every weekend she spent most of her time in the kitchen. Helping the maid, utos na rin ng mama niya. Ayaw nitong naglalakwatsa siya. Habang si Artemis naman ay laging nasa training. Kaya wala talaga itong alam sa ganun. “I am a wife material. I can do anything.” pasikat niya. Pilit niyang hinuhuli ang tingin ni Kaius pero ayaw dumapo nun sa kaniya. He reach for Artemis hand and caressed it. “If she can't, I can do it for her.” Ox whisled. “Cringe.” he then mumbled. She gritted her teeth. How could he flirt all the f*****g day habang heto siya iniisip parin ang nangyari sa kagabi sa kanila at ang rason bakit hindi ito nagreply kagabi sa kaniya. “I can teach her too.” “Wow. How nice of you.” she sarcastically said. “I hope she wouldn't burn your house.” “Thea.” sumimangot si Artemis sa kaniya. Iritableng inabot niya ang baso at naglagay ng juice. She then gave it to Ox. “You and Artemis, are you two close?” Naalis ang mata niya kina Kaius at Artemis na nasa harap ng oven at nagbe-bake ulit ng panibagong cookies para sa kanila ni Ox. “No.” Pumangalumbaba ito. “Really?” “Bakit?” “You look like a jelous sister earlier. Hindi mo ba gusto ang kapatid ko para sa kaniya?” She scoffed. Of course not! “Sinasabi ko lang yung mga flaws ng ate ko habang maaga pa. Kasi kung turn off yun kay Kaius then he can still change his mind. He can call off the wedding and stay away with my sister.” “I don't think he will do that. Just look at them. And it's for the sake of our family business.” E kung sabihin niya dito ang ginawang paghalik sa kaniya ng lalaki kagabi? “Well, everyone has a monster inside.” Tumaas ang kilay nito. “Anong ibig mong sabihin?” She exaggerately sighed. “Nevermind.” nagpalinga linga siya. “Nakakaumay dito. Come on, I'll show you something.” Umalis siya sa stool at hinila ang lalaki. “Thea? Saan kayo?” “Sa kwarto ko. I'll just show my room to Ox.” Dahil sa sinabi ay napatigil si Ox. Nilingon niya ito. “May problema ba?” He touch his nape. “I don't think it was a great idea.” “Oo nga Thea. Doon na lang kayo sa sala.” “Your sister is right.” nakangiwing sabi nito. “Tsk. Tara na kasi. May ipapakita ako sayo.” “You'll let a guy inside your room?” Lihim na napangisi siya ng marinig ang sinabi ni Kaius. “Yup. He's my friend and your brother. Wala namang masama.” “But—” Pinanliitan niya ng mga mata si Ox na mukhang magre-react pa sana. “I'll scream when he does something bad to me.” “W-what?!” Natawa siya ng makitang namula si Ox. “No more buts!” tinulak niya ito palabas ng kusina. “Ox.” Kaius called with his stern voice that made his brother stop. “I know! I'll behave.” She giggled and push him more. “Tawagin niyo na lang kami pag luto na ang cookies.” Halatang tutol si Ox sa gusto niyang mangyari. Parang constipated ang reaksyon ng mukha nito ngayon habang papaakyat sila ng hagdan. She chuckled. “You're evil.” “Kalma lang. Wala akong gagawin sayo.” He massage the bridge of his nose. Sandali siyang natigilan, Kaius always do that. He looks like him for a second. Napahinto sila ng magring ang phone ng lalaki na nasa bulsa nito. His face lightened and let it out. He mumbled something but she couldn't understand it. Malaki ang ngiti nitong hinarap siya. “My father is calling. I need to go.” Winagayway nito ang phone sa kaniya. “Huh? Pero—” “Next time na lang. Bye!” Saka ito nagmamadaling bumaba at diretso front door nila na tila wala na itong balak magpapigil pa. Ni hindi ito nakapagpaalam sa dalawa na nasa kusina. Natawa siya ng malakas. Ox and his alibi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD