Nang ianunsyo ni Mona na luto na ang pagkain ay inutusan ko siyang iakyat iyon sa kwarto namin. Buhat buhat ko pa rin si Echo na luckily hindi naman umiyak mula kanina. Agad na naitabi ni Kaius ang nakakalat na gamit ng makita ang dala ni Mona. "Akin na po si Echo." Pero umingos si Echo. Ayaw talagang umalis sa akin. "Okay lang Mona. Nakakain naman na to siya diba?" "Oo pero..." Sumulyap ang babae kay Kaius. "Let her." Noon pa lang tumango ang babae saka nagpaalam na aalis na. "Hey, kiddo." ginulo nito ang buhok ni Echo at aliw na nginitian. Ang bata naman ay itinaas ang kamay at mukhang gustong magpabuhat sa lalaki kaya hinayaan ko na lang. Kinakausap nito si Echo na parang nagkakaintindihan sila pareho. Inabot ko ang plato at nilagay iyon sa harap niya. Hindi ako nagsasalita.

