Matapos kong pakalmahin ang sarili ko sa kwarto, bumaba ako at inaya si Mona na magtiktok. Halatang naweirduhan ito sa naging akto ko, siguro dahil sa nangyari kanina. Iniisip siguro nitong iiyak o magagalit ako pero heto ako ngayon.
“Matigas po talaga ang katawan ko. Saka nahihiya ako. Baka makita nila nanay yan.”
I laughed.
“Ano ka ba, okay lang yan. Saka kokonti pa lang naman yung followers ko.”
Napakamot si Mona. “Ikukuha na lang muna kita ng maiinom.”
“Okay. Salamat Mona.” I saved our draft, ieedit ko yun mamaya. Lalagyan ko ng transition at iba pa.
Ibinalik ko sa pagkakapatong malapit sa bintana ang phone ko saka isinet ang timer bago pinindot ang play button. The music started, I move my body and do the dance steps.
Nakakadalawang subok ako bago ko napansin sa screen ng phone ko na nakatayo pala at nanonood si Kaius sa likod. Gulat na nilingon ko siya. Nakasandal ang balikat nito sa pader habang naka krus ang braso sa dibdib at mariing nakatutok sa akin.
“Love!”
“Anong ginagawa mo?” he questioned me.
I blinked and turn my head to my phone. The recording ended. Kinuha ko iyon at isinave.
“Nagti-t****k. Nakauwi ka na pala.”
“I've been calling you earlier. You didn't even text back to my messages. Nasa harap mo lang naman ang phone mo.”
“Uh, this...” kinuha ko iyon at alanganing itinaas.
Tinaasan niya ako ng kilay. Naglakad ako palapit sa kaniya at malambing na niyakap ang braso niya. “Nakalimutan kong magreply. Sorry love.” I lied.
Nakatitig lang siya sa akin na tila binabasa ang mukha ko. Mas nilakihan ko ang ngiti ko.
“Kanino ka nakipagkita?”
“Kay Artemis.”
“I told you to wait for me. We were wrapping up that time.”
“Nagmamadali kasi si Artemis. Saka ayokong magkasama kayong dalawa no. Baka mamaya maissue na naman kayo.”
“That will not happen again.” tila siguradong sigurado na sabi nito.
“Ah basta. Mas okay na yung naniniguro lang.”
Nagpunta kaming sala, saktong lumabas naman si Mona bitbit ang dalawang juice mula sa kusina. Ibinaba nito iyon sa mesa at tumalikod. Kaius leaned back and put his head at the armrest. He looks tired.
“You look tired.”
“Yes, I am. You made me exhausted thinking where did you go earlier. Kakaalis ko lang dito saka ka naman dumating.”
Napangiti ako. Lumapit ako sa kaniya at ipinatong ang baba sa balikat niya. “Sorry na nga. Promise magrereply na ako next time.”
Gumalaw ang ulo nito pabaling sa direksyon ko. “Why do you sounds like that?”
“Ha?”
He shook his head. “What did you and Artemis talked about?”
“Wala lang. Nagkumustahan lang kami. Kagagaling niya lang ng new york e.”
Tumango ito.
“Ah! Naalala ko nga pala, kelan mo ako ibibili nung unan? Bumili na rin tayo ng ibang mga gamit dito sa bahay. Let's change the curtains and other things here. Medyo malayo kasi siya sa style ko.”
Sandali itong hindi nakasagot.
“Okay lang naman diba?”
“It's fine, pero tingin ko okay naman na tong mga furnitures na nandito. May hindi ka ba nagugustuhan?” umikot ang mga mata nito sa paligid.
“Dito na ba talaga tayo titira pag ikinasal tayo? Wala ka na bang bahay na iba?”
Umupo ito ng maayos at nagsalubong ang kilay.
“Why? Ayaw mo dito?”
Medyo nagulat ako sa tanong niya pero hindi ako nagpahalata.
“Hindi naman. I actually love this place. Hindi man lang ako namamahay. It feel so homey!” ang saya saya ng pagkakasabi ko nun pero yung mata ko umikot ng three hundred sixty degrees.
Bumuntung-hininga ito. “Kung gusto mo talaga, we can go shop later. Just let me rest for a while.” pumikit ito.
“Okay!” mukha namang hindi big deal sa kaniya.
Nagtiktok na lang ako sa tabi niya ng wag kang mag-alala makukuha din kita. Sinasama ko siya sa background. Wala naman ata siyang pakialam at mukhang pagod nga. Natatawa kong inupload yung mga videos na background ko siya pati na yung kanina nung mahuli niya akong nagsasayaw.
I saved those and post it on my Social media account. I even tagged him. Nang magsimulang tumunog ang notification ko ay pinatay ko na ang wifi at ang phone ko. Sinandal ko ang ulo sa couch at patagilid na tinitigan ang lalaki. Naka-awang ng konti ang mapulang labi nito. His lashes were thick and long. If we'll gonna have a child in the future, I want him/her to look like him. I hold his hand and played with his fingers. Hindi naman siya gumalaw o nagising.
Bakit ko ba sinasayang ang oras ko kakaisip sa babaeng wala naman dito? I don't care if that woman still love him or not, it's been years. Tapos na yung taong naging sila, ako na yung nandito. Ako na yung magmamahal sa kaniya. Ako naman.
Sa kakaisip ko hindi ko namalayang nakaidlip na rin pala ako. Ginising ako ni Kaius para mag-ayos dahil lalabas na nga kami. Nagmamadali ako ng makita siyang nakabihis na at preskong presko sa suot na folded white long sleeve and brown short habang ako ay bagong gising pa at gulong gulo pa sa oras na iyon. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kama, siguro binuhat niya ako.
“Wow ha. Sana ginising mo ako nung nakastart na ang kotse.”
Tumaas ang sulok ng labi nito.
“Antayin kita sa baba. Take your time.”
Take your time daw. Makakaya ko bang pag-antayin siya doon? Siyempre hindi. Nagmadali na lang akong mag-ayos at magbihis. Ginamit namin ang jeep niya.
“Kaius.”
“Hmm?”
“Aside sa mga naka-flings mo, did you have a serious relationship before?” ang mga mata ko ay nasa labas ng bintana. Sa gilid ng mga mata ko ay kita ko ang pagsulyap niya sa akin.
“Where did that question come from?”
I tore my eyes off the road and look at him. “Gusto ko lang malaman. This is part of getting to know you more. So, have you?”
“Yes of course.”
Proud na proud?
“Ilan?”
“Ito na ba yung magiging unang away natin?”
“Ano?”
“Tumataas na naman kasi ang kilay mo.” napasulyap ako sa salamin. And he's right. Hindi ko man lang namalayan.
“I don't know if it was women nature but one thing is for sure, pagkatapos niyo tanungin to pagseselosan niyo na yung mga ex namin. Aaway-awayin niyo na kami tungkol diyan. Tatanungin niyo kami kung mahal pa ba namin o ano. Like seriously? Bakit kayo ganiyan?”
Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Ang advance ng lalaking to!
“I was just asking. Tapos kung saan saan ka na umabot.”
“Just stating the fact.”
“Hindi ako ganiyan okay. Wag ka ngang mag generalize diyan. Nagmumukha kang guilty.”
“Talaga?” taas nito ng kilay.
“So ilan nga?”
Bumuntung-hininga ito at napipilitang sumagot.
“Dalawa. Pinakahaba yung huli.”
At iyon yung relasyon nila ni Yngrid diba?
“How long? For sure umabt ng years yun.”
He put the back of his hand on his lips, habang ang isa ay nasa manibela. “I don't wanna talk about it.”
“At bakit? Hindi ka parin nakakamove on?” panghuhuli ko.
“Here we comes.” bulong nito.
“Okay. Wag mo na sagutin. It was past. Nakamove on ka naman na siguro.” he didn't said anything.
“How about you?” maya-maya ay tanong din nito.
Itinuro ko ang sarili.
“Ako? Wala na akong paki sa kanila. Ikaw lang ang gusto kong seryosohin ngayon.” banat ko.
Nangingiting napailing ito sa sinabi ko. Huminto ang sasakyan at bumaba ang lalaki. I unbuckled my seatbelt and went out of the car. Tumakbo ako pahabol sa kaniya at pinagsalikop ang mga kamay namin. His hand were soft and warm. Napahinto siya at napatingin sa magkahugpong naming mga kamay. Umangat ang tingin niya sa mukha ko. I smiled cutely.
“Baka mawala ako. Let me hold your hand.”
“Ang liit lang ng lugar na to para mawala ka.”
Bumusangot ang mukha ko. Buong akala ko tatanggalin niya iyon pero hindi iyon nangyari. Instead, nagpatuloy ito sa paglalakad hila ako habang nakapamulsa.
Ang ending magka-holding hands kaming pumasok sa building. Kinikilig na humabol naman ako sa kaniya.
Edi ikaw yung hahawakan ko para hindi ka mawala sa akin.
“May napili ka na?”
Umiling ako. “Ayoko na pala. Ibang hotdog na ata yung gusto ko.” I winked.
He smirked. Iisang signal lang kami ng pag-iisip kaya naintindihan agad nito ang sinabi ko. Umikot ang mata nito sa paligid.
“Hindi ka pa makaka-avail nun. You need to submit your diploma.”
“Ang dami namang requirements. Worth it ba yan?”
Iniinis ko lang naman siya. Tumaas ang kilay nito sa tanong ko. Lumapit siya sa akin at kinorner ako sa isang tabi. Hindi ako umatras at nakipagtitigan sa kaniya. His left hand caressed and slightly pulled my waist. My abdomen crushed into his bulge.
“Wanna rate it?”
Nanlaki ang mga mata ko. Tinulak ko siya at agad na lumayo. Napatingin kasi sa amin yung nagbabantay.
“Ang lakas ng loob manglandi pag nasa labas pero pag nasa bahay pabebe ka. Ikaw na.”
His lips curved for a smile. Pumili na lamang ako ng isa doon saka dinala na sa counter para bayaran. Umalis din kami pagkatapos dahil kikitain pa daw nito ang mga pinsang lalaki sa Ruins. So I just said yes kahit na hindi ko alam kung saan yung lupalop ng lugar iyon. But it turns out that it was located inside their ranch. Nasa left side iyon ng lupain ng mga ito kung saan pwedeng maghorseback riding. There's a lot of animals there.
“Gusto mo pa ba?”
Nalipat ang atensyon ko kay Azul na siyang inaalok ako ng cake ngayon. Her baby bump is visible in my eyes even though she's wearing a dress. Pinakilala siya ni Kaius sa akin kanina. Siya pala yung fiancee ni Nyxx. She's simple and beautiful. Nyxx and Huge was there too, nag-uusap ang tatlo sa dulo.
“Hindi na. Busog na ako Azul.”
“Hindi ba masarap?”
Nagtinginan kami ni Mowi at medyo nataranta nang mapansing bumagsak ang balikat ng babae. Dala siguro iyon ng pagbubuntis nito.
“No, it was delicious! Baka kasi hindi na ako makakain mamaya ng dinner pag umisa pa ako niyan.”
“Oo nga Azul. Mukhang masarap pa naman ang dinner mamaya.”
“Pero sayang naman to.”
Hinila ni Mowi ang cake sa babae. “Don't worry, iuuwi ko yan mamaya. Wala din kasi akong pagkain sa kubo.” sabi naman ni Mowi. “Ang damot ng kasama ko.”
Mowi told us earlier that she's living near the border where Huge was staying. Nakikitira lang daw ito doon dahil sa personal na rason. Hindi ko alam ang set up ng dalawa dahil mukhang close naman ang ang mga ito. Yun nga lang, inuutos utusan ito ni Huge. Wala namang reklamo ang babae at sinusunod ito. The way she moves, ang hinhin niya. She's a soft spoken too. Ito nga pala ang unang beses na nagkakilalala silang tatlo pero nakasundo ko agad sila.
“Ano kayang pinag-uusapan nila at talagang lumayo pa sa atin?”
Nakuryuso din ako dahil kanina pa ang mga ito nag-uusap ng seryoso sa labas. Ngayong magkasama ang tatlo ay nakita ko ang pagkakaiba nila. Si Nyxx mukhang seryoso tipong pang boss talaga ang datingan. Ngingiti lang minsan at nagiging sweet pag nandiyan si Azul. Medyo may pagkakatulad sila ng vibe ni Kaius pag ngingisi. Si Kaius naman tahimik pero nag-uumapaw ang s*x appeal hindi ko alam kung sa akin lang iyon pero ganoon talaga ang nakikita ko. Si Huge naman palangisi tipong maapproach mo agad. Hindi na ako magtataka kung bakit pumayag agad siyang manatili si Mowi sa Border kahit hindi pa nito gaanong kilala ang babae.
“Hindi ko rin alam pero hayaan na natin sila. Mas okay nga at nakakasawa din silang kasama minsan.”
Natawa kami sa sinabi ni Azul. “Saka dahil abala sila ay magagawa natin to.” may sinenyasan itong tauhan na nasa isang tabi. Tumango ito nang makitang sumenyas si Azul.
Tumayo ito at binuksan ang alak na dala ni Nyxx kanina. “Buksan natin to. Umiinom naman kayo diba?”
I nodded.
“Pero hindi ka pwede niyan diba?” tanong ko.
“Hindi nga. Kaya nga magju-juice na lang ako. Para to sa inyong dalawa.”
“Pero hindi ako umiinom.” alanganing sabi ni Mowi. Gulat kaming napatingin sa kaniya.
“Talaga?”
Well, she actually looks like a school and house girl.
“Oo. Pero gusto kong subukan.”
Azul grinned and then winked at me. Mukhang nagustuhan nito ang sagot ng babae.
“Bibinyagan ka namin kung ganun. Magkaiba yung hindi umiinom sa hindi pa umiinom.” sabi nito saka kinuha ang binigay na baso ng tauhan. She gave us each glass of alcohol.
“Go!”
Pinanood ko kung paano inumin ni Mowi ang alak ng diretso. Agad na ngumiwi ito at inilabas ang dila ng malasahan iyon. “Ang pangit ng lasa! Saka parang nasusunog ang lalamunan ko.”
Pumalakpak si Azul. “Natural lang yan. Sige inom ka pa.” napailing ako ng muling lagyan nito ang baso ng isa.
We were talking about Azul and Nyxx relationship when Mowi suddenly asked me.
“Kayo Thea, matagal na ba kayo ni Kaius? Bagay na bagay kayo e.”
“Hindi naging kami.”
Rumihistro ang pagtataka sa mukha ni Mowi. “Huh? How come you're not —”
“We were arranged, for businesses.”
Nanlaki ang mga mata nito at tinakpan ang bibig. “Sorry. Hindi ko alam. Nasa border lang kasi ako araw-araw. Walang tv o ano doon. Saka uso pa pala yun dito.”
I chuckled. “Okay lang.”
“Naku. Si Nyxx muntikan na rin. Buti nga at hindi natuloy. Naisip niya sigurong ang laki ng kawalan ko sa kaniya.” hagikgik ni Azul.
Mga isang oras siguro ang nakalipas bago bumalik sa mesa namin yung mga lalaki. Napansin siguro nilang ang ingay namin tatlo especially Mowi. Mukhang nalasing agad ito. Nakadukdok na ang mukha nito sa mesa at kanina pa namumula.
“Anak ng!” napasabunot sa buhok si Huge ng makita ang sitwasyon ng babae. Sinimulan niya itong gisingin. “Hoy, babae!”
“Did you also drink?” rinig kong tanong ni Nyxx.
“Siyempre hindi! Nag juice lang ako.” tinuro ni Azul ang baso ngunit ang mga mata ni Nyxx ay hindi inaalis sa babae.
“Wala nga sabi! Promise. You can ask Thea. Kung ayaw mo parin maniwala amuyin mo hininga ko o.”
Iniwas ko ang tingin sa kanila at hinanap si Kaius. I found him watching my face. “What? I'm not weak.” hindi ako nalalasing agad sa kaunting alak na yan.
He chuckled after hearing what I said. Sinabit niya ang nahuhulog na buhok sa tenga ko at tinitigan ako. “I know.”
“Tangina, paano ko iuuwi ang babaeng to?” namomroblemang tanong ni Huge.
“Stay away from me!”
Natigilan kami ng marinig si Mowi na mag english.
“Sira. Wag mo kong ini-english english diyan. Gusto mong iwan kita dito?”
“Just do whatever you want. Lagi mo naman akong pinapahirapan.” Mowi started to cry. Mukhang papatulan pa sana ito ni Huge nang pigilan ito ni Azul.
“Ako ng magpapakalma sa kaniya. Pakiprepare na lang nung dinner. Gutom na kami ng baby ko.” baling nito kay Nyxx.
“Alright.”
“Inaantok na ako.”
Humikab ako at nagpasalamat nang makitang nasa bahay na kami. I didn't wait for him to open the door. Lumabas agad ako dahil hinahanap na ng katawan ko ang kama.
Mag-aalas nwebe na ata sila nakauwi. Mas maaga sa iniexpect niya dahil kelangang umuwi nila Nyxx at Azul ng maaga dahil sa pagbubuntis nito. Huge has something to do too so we all decided to go home. Bagsak parin si Mowi kaya hinayaan na lang namin siyang tulog.
“Mauna na ako sa loob.” hawak ko sa isang kamay ang unan na binili niya.
“Hey, wait.”
Napatigil ako at nilingon si Kaius.
“Bakit?”
“I have something for you.”
Lumapit siya sa akin at nagtaka nang abutin niya ang kaliwang kamay ko. Kahit madilim at pagod na ang mga mata ko, hindi nakaligtas sa akin ang kumikinang na bagay na isinuot niya sa daliri ko.
“There. Pwede ka nang matulog.” anito saka iniwan ako doon na nakatanga.
“What the hell.” I blurted out while staring at the thing. I was completely speechless and don't know how to react.
Totoo ba to? There's an engagement ring in my finger! It was a big and heavy stone. Kumikinang ito tuwing tinatamaan ng ilaw. Ipinilig ko ang ulo dahil baka nananaginip ako.
“It was real!” rinig kong sabi ni Kaius mula sa loob ng bahay. Like he know I will act that way.
Napangiti ako ng malaki ngunit ng maalala kung paano nito ibigay sa akin iyon ay nagusot ang mukha ko.
“Really? Wala ka bang karoma-romantic sa katawan?” naabutan ko siyang paakyat ng hagdan. Sinubukan kong magmukhang naiinis pero hindi ko magawa kasi kinikilig parin ako ngayon.
“Hindi ba romantic ang ginawa ko?”
“Romantic na yun sayo? Sana ginawa mo na lang kanina nung nasa Ruins tayo. May witness sana nandoon ang mga pinan mo.” angal ko.
“Wag kang mag-alala, hindi pa natin sila kailangan ngayon. They will soon witness our marriage. But for now,” yumukod ito. “I only need you and that ring.”
Those words lifted the corner of my lips and woke up the butterflies on my stomach. Iniwas ko ang mukha ko para hindi niya makita na kinikilig ako.