MABILIS NA pinigilan ni Angelica Soriano ang mga kalalakihan na bigla na lang pumasok sa bahay niya at walang pasabing naglalagay ng price tag sa mga gamit niya roon na ipinundar pa ng kaniyang Ina na na si Josie, na namayapa na, limang taon ang nakararan dahil sa sakit sa puso.
"Tama na, please! Wala naman kayong mapapala sa mga gamit ko sa bahay, eh, wala nang halaga ang mga 'yan. Marurupok na 'yan at marami pang daga," maingay na sabi niya, umaasang pakikinggan siya. Hindi pwedeng mawala ang mga gamit niya roon, aalala iyon ng yumao niyang ama.
Humarang siya sa malaking aparador na bata pa lang siya ay naroon na.
"Tabi riyan, Miss." Hinawi siya ng matabang lalaki. "Ang utos sa amin, lahat ng gamit dito ay lagyan ng price tag. Baka gusto mo pati ikaw lagyan ko ng price tag?" Nagulat siya nang lagyan nga siya nito ng tag sa noo. Napangiwi siya.
"Tama na, please! Sabihin niyo sa amo niyo, magbabayad naman ako sa utang ng Papa ko, eh. Hindi ngayon, pero magbabayad ako," pagmamakaawa niya habang malungkot ang mukha.
"I'm sorry, Miss pero napag-utusan lang kami," sagot ng lalaking medyo payat. "Kausapin niyo lang po si Mr. Cordalez." Matapos niyo'y sabay-sabay na nagsialisan ang tatlong lalaking iyon.
Naiwang gusot ang mukha ni Angelica habang tinitingnan ang paligid ng bahay niya. Nanlumo siya nang makita ang yellow tag sa bawat gamit niya.
Laylay ang balikat na napaupo siya sa sofa. Gusto niyang maiyak pero walang luhang pumapatak sa mga mata niya. Bakit kailangan iwanan siya ng kaniyang ama ng ganoong kalaking utang? Halos makuba na siya sa pagtatrabaho ng iba't ibang part time para lang mabayaran iyon, pero sobrang laki ng isang milyong peso na hindi naman niya alam kung saan ginamit ng kaniyang ama. Hindi na rin niya ito mahanap kung nasaan.
Tumayo si Angelica mula sa pagkakaupo at nilapitan ang malaking aparador na minana pa ata niya sa mga ninuno ng kaniyang mga magulang dahol sa sobrang tagal na niyon. Gawa iyon sa kahoy na matibay, kulay brown iyon na lagayan nga mga stuff toys, mga damit at patungan ng Television sa taas.
Marahan niyang hinaplos ang aparador at nang mahawakan niya ang price tag doon, inalis niya iyon at tiningnan ang presyo.
"Five hundred? Sa tingin nila libang daan lang ang halaga nito, eh, mas matanda pa 'to sa kanila," inis na reklamo niya. Binalingan niya ang mga gamit sa paligid at pinagtatanggal niya lahat ng price tag sa lahat ng mga gamit. Hindi siya papayag na makuha ng mga ito ang lahat ng gamit niya. Ipaglalaban niya iyon.
Laylay ang mga balikat na umupo siya sa sofa na naroon sa sala at malungkot na binalingan ang kabuuan ng bahay na minana pa niya sa kaniyang magulang. Hindi lang iyon bahay na hindi niya kayang bitawan, bahay iyon na pinuno ng magagandang alaala kasama ang kaniyang Ina, tahanan ng buhay niya na hindi niya magagawang i-give up.
Ilang saglit siyang nanatili sa ganoong posisyon nang dumating ang kaibigan niya na si Mhariel na gulat na dinaluhan siya. "Ano'ng nangyari?" puno ng pag-aalalang tanong nito. Matalik niyang kaibigan si Mhariel simula pa no'ng elementary siya. Mukha itong chinese dahil sa singkit ng mga mata nito.
Malungkot na binalingan ni Angelica ang kaibigan na bakas ang lungkot sa mukha niya. Nagsimula siyang ikwento ang nangyari at ang sinabi ng mga lalaking iyon tungkol sa utang niya sa amo ng mga ito.
"Huh? Ginigipit ka na ng pinagkakautangan ng Papa mo?" gulat na tanong ni Mhariel na hindi lingin sa kaalaman nito ang naging utang ng kaniyang ama sa isang businessman at pagkatapos ay tinakasan nito.
"Binigyan nila ako ng isang linggong palugit para makabayad sa utang ni Papa at kung hindi ako makababayad, simulan ko na raw mag-empake ng mga gamit ko.
"Madali lang ang solusyon diyan, Angel, kailangan mo lang magbayad ng utang mo sa kanila."
Napasimangot si Angelica sa sinabi ng kaibigan. Napanguso pa siya. "Seryoso ka, Mhariel? Wala ka bang bagong ideya, kasi alam ko na 'yong ideya mo, eh, kaya lang wala akong pambayad na kalahating milyon," pagtatapat ko.
Napakamot sa noo si Mhariel at alangang ngumiti sa kaniya. "Oo nga pala, alam mo na nga pala iyon. Ito, mangutang ka tapos ibayad mo sa kanila."
Mas lalo lang gumulo ang lahat para kay Angelica dahil sa mga ideya ng kaibigan niya. "Bakit nga ba sa iyo ako nagtatanong, alam ko namang walang kwenta mga ideya mo," naiiling niyang sambit habang nangingiti dahil alam niyang nagbibiro lang ito.
"Joke lang," nakangiting anito. "I don't know what to say, Angel kasi wala rin akong perang ganoon kalaki para tulungan ka," malungkot na pagtatapat nito.
"Alam ko 'yon, Mhariel at ayaw ko rin namang mangutang para lang ipambayad sa utang ni Papa. Marami na rin akong utang na loob sa iyo." Bumuntong-hininga si Angelica. "Hindi ko pwedeng ibigay ang bahay na 'to sa kung sino man ang kinauutangan ni Papa. I can't, Mhariel dahil kalahati ng buhay ko nandito at hindi ko kayang iwanan iyon. Gagawin ko ang lahat para lang hindi ito makuha, kahit pa lumuhod ako sa harap ng lalaking iyon, gagawin ko," puno ng determinasyong sambit niya.
Malungkot na tinitigan ni Mhariel na bakas doon ang awa at simpatiya sa kaniya. "Susubukan kong tumulong, Angel sa abot ng kaya ko."
"Thank you, Mhariel pero nahihiya na ako sa mga tulong mo sa akin na hindi ko naibabalik."
"Ano ka ba, Angel paano pa at naging magkaibigan tayo? Angel, I'm always here para tulungan ko at alam kong kapag naman ako ang nasa sitwasyon mo, tutulungan mo rin ako," nakangiting wika nito at tumango sa kaniya.
Sa kabila ng mga nangyari sa buhay ni Angelica, nanatiling nandiyan ang kaibigan niya para tulungan at pagaanin ang loob niya.
—
MAAGANG nagising si Angelica Soriano dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ng bahay niya. Pupungos-pungos pa ang mga mata niya dahil sa antok. Mariin siyang napakamot sa buhok na mas nagulo pa iyon.
"Ano ba 'yan? Ang aga naman, sino ba 'yon?" bulong niya. Marahas siyang umupo sa kama at gusumot ang mukha na yumuko. Pipikit pa sana ang mga mata niya pero muli na namang kumatok ang kung sino man ang nasa labas ng bahay niya.
Padabog na bumaba siya sa kama at lumabas ng kaniyang silid. Dumeretso siya sa main doon ng bahay at marahas na binuksan iyon.
"Bakit ba katok ka nang katok? Sino ka—" Parang nasilaw si Angelica nang tumambad sa kaniya ang isang gwapong lalaki. Natahimik siya at napatitig sa binata. Para itong anghel na bumaba sa liwanag.
"Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo? Can you please close your mouth, hindi maganda ang amoy."
Napakurap si Angelica at mabilis na isinara ang bibig niya. Umiwas siya ng tingin sa binata at kinalma ang sarili. Sino ba namang hindi magugulat kung pagkagising mo, isang gwapong lalaki ang bubungad sa iyo?
"Sino ka ba? Ang aga-aga mong mang-istorbo," masungit na tanong niya.
Nagusot ang mukha ng lalaki sa harap niya. "I smell polluted air here." Tinakpan pa nito ang ang ilong at bahagyang inatras ang ulo.
Kumunot ang noo niya at itinaas ang palad, saka hiningan iyon para amuyin ang sariling hininga. "Hindi naman, ah? 'Yon siguro 'yong mga kanal diyan sa paligid," palusot niya kahit siya'y nahilo sa hininga niya. "So, sino ka nga? Baka maling bahay ang napuntahan mo kasi hindi kita kilala."
"No, you're the reason why I'm here."
"Huh? Ako, eh, hindi nga kita kilala? Naku, Kuya kung nang go-good time ka, huwag ako. Sabi nga nila, biruin mo na ang lasing huwag lang ang bagong gising. Sige, bye, tulog pa ako." Nang akmang tatalikod na siya nang biglang pumasok sa loob ng bahay ang lalaki habang tinitingnan ang paligid. Nanlaki ang mga mata niya. "Hoy! Ano'ng ginagawa mo? L-lumabas ka rito. Sino ka ba at bakit ka pumapasok na lang sa bahay nang may bahay, huh?" sunod-sunod na sambit niya.
"Sa pagkakaalam ko, I have a right to this house, Miss Soriano," kaswal na sabi ng lalaki.
"Huh? Ano bang sinasabi mo, huh? Sige, 'pag hindi ka lumabas, tatawag ako ng pulis at irereklamo kita ng trespassing," pananakot ni Angel pero mukhang hindi iyon tumalab sa binata.
Tumango-tango ang lalaki. "It's to old but nice for a living. I like the old feels," komento nito.
"Sorry, Sir pero hindi ko po ipinagbibili ang bahay na ito," agad na paliwanag niya.
Humarap sa kaniya ang gwapong binata na seryoso lang ang mukha. "Sino bang nagsabi ipinagbibili mo ito? As far as I know, you don't have a right to sell this house because I own this," direktang anito.
Hindi agad nakasagot si Angel sa narinig mula rito. Napaisip siya at sa huli'y napagtanto ang mga sinabi ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya at napuno ng kaba. "I-ibig mong sabihin, ikaw ang pinagkautangan ng Papa ko?"
Ngumiti ang binata sa kaniya, saka umupo sa sofa na naroon. Dume-kwatro ito at idinipa ang braso roon. "You're right, Miss Soriano. I'm Zero Cordalez and I'm now the new owner of this house," pagtatapat nito.
Zero Cordalez? Pakiramdam niya'y matutumba siya sa mga sinabi nito. Kumurap siya at lumunok. Sarkastiko siyang tumawa. "May-ari? Mawalang galang na po, huh, Mr. Cordalez dahil sa pagkakaalam ko, may utang ang Papa ko pero hindi niya ibenenta ang bahay na 't, so it means, the owner of this house is still no other than me," madiing sabi niya.
Kumiling ng bahagya si Zero at ngumiti. "Binigyan ko ng two months na palugit ang Papa mo para bayaran ang utang niya and yet he still didn't pay me. According to the paper that he was signed, if he didn't pay me for half a million pesos for two months, his house will be the payment for his debt," paliwanag nito.
Napasinghap si Angelica. "No, hindi ako maniniwala sa 'yo. Sige, ipakita mo sa akin ang paper na sinasabi mong pinirmahan ng Papa ko. Magbabayad ako sa utang niya pero hindi sa pamamagitan ng bahay na ito, hindi ako papayag," matigas na balik niya para ipakita ang paninindigan niya.
Ngumiti lang ng kaswal ang lalaki, saka tumayo mula sa pagkakaupo. "Ok, fine, I'll show you what you're looking for, Miss Soriano at sa pagbabalik ko at hindi mo pa rin nababayaran ang utang ng Papa mo, you need to leave this house whether you like it or not," hamon nito. Tumalikod si Zero at naglakad palabas ng bahay. Naiwan siyang matalim ang mga tingin at puno ng inis sa binata. Hindi siya papayag sa gusto nitong kunin ang bahay niya.