"HINDI NA siya darating. Ubos na ang bampira rito sa Asia. Kailangan nating bumalik sa England para makausap si King Socorro. Kailangan nating hintayin ang susunod na misyon." nagtitimping saad ni Malakai kay Lucian. Hindi siya kumibo. He just stared at the dark forest. He was hoping that any minute, Sonja would appear. Damn he missed her so much. Naturete siya noong unang niyang malaman na wala na ito sa barko. Agad niya itong hinanap. Halos malibot na niya ang buong Japan hanggang sa tuluyang nag-sink in sa kanya na umalis ito. Mukhang nag-teleport ito. Anuman ang ginamit na hakbang, hindi magbabago ng katotohanang iniwanan na siya nito. Her scent disappeared. He couldn't feel her presence too. Katunayan na wala na ito sa Japan. Nababaliw na siya kakahanap dito. Dahil doon ay hindi mak

