17. CONFUSED

732 Words
"They escaped." pinal na balita ni Vladimir kay Lucian. Napabuntong hininga ang lalaki at pasimpleng tiningnan si Sonja. Oh, she was still mad. Buwisit talaga sina Tanya at Silas. Alam niyang sinundan ito ng mga bampira. Malaking porsyento ng mga bampira ang namatay pero hindi pa rin kuntento si Sonja. She wants those two! Lalong tumitindi ang masidhing kagustuhan niyang maparusahan ang dalawa dahil sa huling nakita. "Halughugin ninyo ang buong lugar. Look for clues or anything that may help us locate them. Baka may mga nakalimutan din silang makakapagturo kung ano ang pinaplano nila," utos ni Lucian. Agad tumalima ang mga lycans. "Are you okay?" seryosong tanong ni Lucian kay Sonja. Napaigtad siya. Agad niyang kinalma ang sarili. Tama na ang pagiyak para sa dalawang walang kwentang bampira. Ang mahalaga ngayon ay mahanap nila ang mga ito. Lumuhod siya sa damuhan at nagukit ng simbulo roon. "I'm okay. Wait. I will summon my crow to find them." aniya at ginamit na ang summoning spell. Ramdam niya ang pagtagas ng ilang itim na enerhiya sa katawan hanggang sa tuluyang nakapagpakawala ng ibon. "We find this." ani Vladimir at iniabot ang telang mapa. Nagsilabasan ang pangil ni Sonja nang makita ang sulat kamay ni Silas. Mukhang pagaari nito ang mapa. "S-Silas..." angil ni Sonja. Kumakabog ang dibdib niya sa sobrang galit. "Mapa ng Japan. Mukhang dito nila balak lumipat." malamig na saad ni Lucian. Nagtiim ang bagang ni Sonja. Tinitigan niya si Lucian. "Now what?" "We'll go. Sa La Union naman nakadaong ang mga barko natin. Dalawang oras ang magiging biyahe natin kung pupuntahan iyon. "Let's go!" sigaw ni Lucian. Agad na silang tumalima. Oras ang binilang nila pagdating sa daungan. Muntik nang mapamura si Lucian nang makitang sira ang mga barko. Patay din ang mga kasamahang lycans na nagbabantay doon. Umuusok ang mga barko at mukhang pinasabog. The scents of vampires were all over. Obviously ay sila ang salarin! Doon din dumating ang crow ni Sonja. Agad nitong ibinulong ang mga impormasyong mga bampira nga ang may gawa nang pagsira bago umalis. Nang i-relay niya iyon kay Lucian ay napamura ito sa sobrang gigil. "s**t! We're trapped!" angil nito at napahawak sa sentido. Mukhang nagisip nang paraan hanggang sa hinarap siya. "May kaya ka bang gamiting spell para makapag-communicate ako sa kapwa ko lycan sa ibang bansa? I need to ask reinforcement." Tumango si Sonja. "My summoning spell. Puwede nating gamitin ang crow. Magtali ka na lang ng message sa paa niya para iyon ang basahin ng lycan na pupuntahan niya." "Great!" bulalas ni Lucian. Agad na itong gumawa ng maigsing sulat. Nag-summon naman ng crow si Sonja at itinali na ang message. Hindi siya kinakabahan sa gagawin. Hindi naman ordinary na crow iyon dahil nabababalutan iyon ng itim na kapangyarihan mula sa kanya. Matapos ay inutusan na iyong maghanap ng lycan sa ibang bansa ni Sonja. Si Lucian naman ay hinarap ang mga kasamahan. "Let's stay here. Hintayin natin ang mga tulong." pinal na saad ni Lucian. Tumango si Sonja. Inutusan ni Lucian ang mga lycan na magtayo ng tent. Hindi nagtagal ay mayroon na silang sariling pahingahan. "Stay here." seryosong saad ni Lucian matapos siya nitong ipasok sa tent. "Saan ka pupunta?" tanong niya. "I'll check everything." anito. "Okay..." napapatangong sagot ni Sonja. "Why?" Napasinghap si Sonja nang haplusin ni Lucian ang pisngi niya hanggang sa dumapo ang palad nito sa baba niya. Iniangat nito iyon at nagtagpo ang mga mata nila. Parang binayo ang dibdib ni Sonja. "Disappointed?" seryosong tanong nito. Tumango si Sonja. "Gusto ko talagang makaganti kina Silas." mariin niyang saad. Tinitigan siya ni Lucian na halos ikailang na niya. "Did he broke your heart?" malamig nitong tanong. Hindi nakakibo si Sonja. Mariing nakakuyom ang mga palad niya. Pinigilan niyang huwag maiyak. It was still hard for her to say the truth. "I understand if you don't want to talk about it. I'll just be outside." malamig na saad ni Lucian at tumayo. Biglang nataranta si Sonja nang maglakad paalis si Lucian. Nasaktan ba niya ito sa pananahimik niya? Nainis? Nagtampo? Ah! Mas lalo yata siyang naguluhan ngayon! Hey! Bakit mahalaga yata sa'yo ang nararamdaman ni Lucian? Hindi ba't tama lang na hindi ka nagsalita? Malalaman niya ang totoo! Baka parusahan ka kapag nalaman ang totoong motibo mo! Kaya quiet ka lang! Napabuntonghininga na lang si Sonja sa naisip. Pinilit kumbinsihin ang sarili na tama langang ginawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD