25. CRAZY

401 Words
"WHAT'S THE matter?" untag ni Sonja kay Lucian. Ilang araw na silang naglalayag at pansin ni Sonja na madalas manahimik si Lucian. Noong una ay hindi muna siya nagtatanong. Mas nae-excite kasi siya sa nalalapit nilang paghaharap ng mga bampira. Oh, she wants to see Tanya and Silas. Kaunting oras na lang ay magagantihan niya ang mga walanghiya. Nakilala na ni Sonja si Malakai. Sa totoo lang ay hindi siya kumportable sa lalaki. Pailalim kung tumingin at nahuhuli pa niyang napapailing sa kanilang dalawa ni Lucian. Gusto niyang itanong iyon kay Lucian pero hindi niya magawa dahil sa pananahimik nito. Mabuti na lang ay wala si Malakai sa barkong magdadala sa kanila sa Japan. Nasa kabila ito. Kahit paano ay hindi siya naiilang. "Ano'ng iniisip mo?" usisa niya at niyakap ang braso ni Lucian. Hindi na niya iniiwas ang naglalakihang dibdib. Alam naman ni Sonja na gusto iyon ni Lucian. Ramdam niya na sa lahat ng parte ng kanyang katawan ay isa iyon sa mga pinakapaborito nito. "Hulaan ko na lang." ani Sonja ulit. Doon humarap si Lucian. There was amusement in his eyes. "Okay. Hulaan mo." "Iniisip mo ako?" biro ni Sonja. Natawa si Lucian at pinisil ang ilong niya. "Crazy." Nalukot ang ilong ni Sonja. But his gestures melted her. Now she knew that even he f****d like a beast, Lucian could also be a sweet person. "Okay. Let me rephrase that." nakangising saad ni Sonja at nilingon ang mga kasama. Nang makumpirmang hindi sila pinapansin ay binalingan ulit ni Sonja si Lucian. "Iniisip mo ang hubad kong katawan?" bulong ni Sonja. She nibbled his earlobe. Sanay na siya talagang walang inhibisyon pagdating kay Lucian. Ganoon na siya kakumportable rito. Sonja giggled when Lucian groaned. "Sonja..." angil nito. Nasa tono ang pagtitimpi. Nasa mga mata ang bumabangong init. Sumimangot kunwari si Sonja. "Fine. Hindi mo ako iniisip. Wala akong epekto sa'yo." "Sonja..." hindi makapaniwalang anas ni Lucian. Amazement was written in his eyes. Napakamot ito ng ulo. "Hindi ko alam kung paano mo nasasabi iyan. Hindi pa ba obvious? You—are—driving—me—really—crazy. Iyon ba ang walang epekto para sa'yo?" natatawang tanong ni Lucian. Parang biglang idinuyan sa saya si Sonja. "Talaga?" "You drove me wild." seryosong sagot ni Lucian at napatitig sa labi niya. Doon nanikip ang dibdib ni Sonja. Napatitig siya sa mga dilaw na mata ng lalaki. "Really? Ganoon katindi ang epekto ko sa'yo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD