"Sonja."
Napaangat ng mukha si Sonja mula sa pagkakayukyok sa mesa. Lasing na lasing na siya. Idinaan niya sa paglalasing ang sobrang sama ng loob sa kaibigan. Habang tumatagal, lalo siyang nagagalit at nasasaktan.
Kung nag-sorry lang si Tanya, malamang ay nabawasan pa ang bigat ng dibdib ni Sonja. But no. The b***h looked even mad at her. Nakakabuwisit. Pa-victim ito pati na rin si Silas. Well, lahat nang bampira ay ganoon. Iniisip nilang nagtraydor siya sa mga ito!
Sa galit niya ay muli niyang hinawakan ang bote at doon tumungga. Napamaang na lang siya nang mayroong umagaw noon.
"That's enough. You're drunk."
Boses ni Lucian. Hindi na niya ito halos maaninag dahil sa kalasingan. Tamado na talaga siya sa dami ng nainom.
"Come here, baby boy... Let's fuck... alisin mo ang nararamdaman kong lungkot..." langong tawag ni Sonja. Kumumpas-kumpas pa sa ere ang mga kamay niya.
Tama. Si Lucian ang kailangan niya. This man has the capacity to make her forget everything. Ang suwerte nga niya rito. Sa dinami-rami ng mga lycans ay natapat siya kay Lucian. Mabuti. Mabait. Masarap...
Napasinghap siya nang hawakan nito ang kamay niya at ibinaba. She suddenly felt his warm presence beside her. Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang mainit na palad nitong humaplos sa ulo niya.
Her eyes watered. That simple gesture made her realize that there was still someone who cared for her. Natagpuan ni Sonja iyon sa hindi pa kalahi. What a shame.
"Where's Tanya?" tanong niya at pinunasan ang mga luha.
"She's dead. She tried to escape. Vladimir killed her." ani Lucian.
Napabuntong hininga si Sonja. Hindi na siya nakaramdam ng lungkot pero hindi rin siya natuwa sa mga narinig.
Pumatlang ang katahimikan sa pagitan ni Lucian at Sonja. Minuto ang binilang bago ito ulit nagsalita.
"Hanggang mamatay si Tanya ay ipinaggigiitan niyang nag-traydor ka sa grupo. She's persistent." ani Lucian.
"Hah! Dahil isang araw, bumalik ako na amoy-lycan daw ako..." ani Sonja. Dahil lango ay nagawa niyang sabihin ang buong katotohanan. Pati na rin ang dahilan kung bakit siya nandoon ay nasabi rin niya.
"I want to be a queen... Oras na maging reyna ako, bubuwagin ko ang sistemang alipin... lahat, pantay-pantay. And I will stop the war... you will help me, right? We'll be together? Hmmm..." madulas na saad ni Sonja at tuluyang sumubsob sa mesa.
Hilong-hilo si Sonja sa dami nang nainom. Hindi naman siya nakatulog pero sobrang lasing. Naramdaman na lang niyang gumaan ang katawan. Binuhat na siya ni Lucian at inihiga sa bagong gawang kama.
Doon na siya nagpahinga. Paiyak-iyak siya sa tuwing naalala ang mga kabiguan at pagkamatay ng ina. Lucian didn't leave her. He just stayed there and touched her hair. Panay ang buntong hininga nito. May mga pagkakataon niyayakap siya nito at hinahalikan. He did everything to make her feel alright.
Iniwanan siya ni Lucian nang tawagin ito ni Vladimir. Nagpahupa na lang nang tama si Sonja. Makalipas ang ilang oras ay bumaba na iyon. Nahihilo na lang siya nang bahagya.
Doon bumalik si Lucian. Napabangon siya nang maghanda ito.
"Where are you going?" paungol na tanong ni Sonja.
"Aatake. May namataang bampira paakyat nang bundok. Nauna na sina Malakai." anito.
"Okay." ani Sonja at tumayo. Pinigilan siya ni Lucian. Maang siyang napatingala sa guwapong lalaki.
"Stay here. You need to rest." bilin nito.
"Pero—"
He kissed her torridly. She was suddenly lost. She felt hot when his tongue made a circular motion inside her mouth and played her tongue. Napaungol siya sa sarap.
"I'll be back. Be ready then." makahulugang anas ni Lucian at marahang kinagat ang ibabang labi niya.
Marahang ipinilig ni Sonja ang ulo. Natutukso na naman siya pero inisip niya ang paghihiganti. Gusto niyang sumama at makita si Silas!
"Sasama na lang ako." determinado niyang saad.
Tinitigan siya ni Lucian. Sinalubong ni Sonja iyon at kahit naiilang ay pinakita niya ang determinasyon. Sa huli ay napabuntong hininga ito.
"Fine. Huwag kang lalayo. Okay?" bilin nito.
"Okay." ani Sonja at agad nang magayos kesehodang nahihilo pa. Hindi nagtagal ay lumabas na sila at umatake.
Doon ibinuhos ni Sonja ang galit. She killed every vampire using her spells. Lahat nang makita niyang invisible vampire ay itinuturo niya hanggang sa maubos ang mga iyon.
Inisa-isa nila ang mga napatay na bampira. Nainis siya nang hindi makita si Silas.
"We'll find him." malamig na saad ni Lucian. Mukhang nababasa naiisip niya.
Naikuyom lang ni Sonja ang mga kamao. Sana nga ay mahanap nila at magantihan.