"Are you sure kaya mo na, anak?" Ngumiti lang ako kay mommy at tumango. Kasalukuyan kong inaayos ang pagkaka-braid ng buhok ko, ngayon kasi ako papasok sa trabaho---sa Lorenzo empire. Mag-iisang linggo na rin mula ng ma-discharge ako sa hospital, that's why I decided to go back to my work. Although may pag aalinlangan parin sa isip ko, minabuti ko nalamang na ituloy ito, baka makatulong ang external environment sa akin upang maibalik lahat ang mga alaala na nawala sa akin. Mahigit tatlong taon din ang nawala sa akin, at alam kong sa loob ng mga panahon na iyon. May mga mahahalaga akong ala-alang nakalimutan. I need to gain it all back, baka iyon din kasi ang kasagutan sa emptiness na nararamdaman ko sa ngayon. "Anak, I'll ask your Dad if he can transfer you to his office" she added, h

