Yves' Magdadalawang linggo na mula ng maratay si Quinn sa ICU, she's still in coma. Mula noon ay halos sa hospital na ako tumira, pagkatapos ng trabaho ay dito na ako dumidiretso, oras oras ko siyang kinakausap, minuminuto ko rin pinapaalala kung gaano ko siya kamahal. "Babe, do you still remember when you said you're not going to leave me? You didn't promise but you told me you don't want us to be apart. Hindi ako bibitaw. Mananatili akong matatag para sa iyo. So please gumising ka na, let me take care of you, hindi pa sapat iyong naipapakita ko sa iyo, kulang pa...." Muli ay bumagsak ang mga luha ko mula sa aking mga mata, I can't even fight my tears from falling. My heart's been devastated since the day of her accident. Ang sabi ng Doctor ay malakas ang impact ng pagkakabagok ng ulo

