3: Meeting the Director
Natapos din ang nakakapagod na day-off kung tutuusin ni Janine. Ngayon lang niya namalayang ginabi siya sa pagtulong sa ospital. The cesarean delivery was a success. Datapwa’t may pangambang ma-infection ang pasyente dala ng kakulangan sa antiseptic kasama na ang unhygienic delivery room na isinagawa lamang sa metal top ng cafeteria ng ospital. Kahit papaano ay nagawan nila ng paraan maging maayos ang kalakaran ng ospital. For medical workers like her, these alternatives seemed to be the new normal.
Matapos maligo ni Janine sa shower room ng ospital, balak na niyang umuwi upang makapag-pahinga, ngunit bago pa siya makaalis ay may tumawag sa kaniya mula sa hindi kalayuan.
“Teka lang Janine!” Sigaw ni Maricris patakbo sa kaniya
“Ano to Maricris?” Tanong ni Janine nang iabot sa kaniya ang isang maliit na plastic pack.
“Pinapabigay ng chief,”
Pinagmasdan ni Janine ang laman neto. “Teka, eto ba yung prophylatic drug? Bakit ito binigay sa akin?”
“In case lang daw sabi ni chief. Bukas ka ba pupunta sa Wolff enterprise?”
Tumango si Janine. “Bukas sana, pinaparequest agad ang appearance ko doon. Kahapon ko rin natanggap ang manual at card nila.”
“Maraming tao sa metropolitan kaya mag-ingat ka. Isang tableta lang yan sabi ni chief. Nahirapan rin kasi siyang makakuha ng available tablet. Gamitin lang in case may stage 4 kang makasalamuha. Anyway magiingat ka Janine. Ma-mimiss kita dito” Ani ni Maricris bago siya lapitan at yakapin. Binalingan rin naman ito ni Janine.
“Ma-mimiss din kita Mar. Bibisita ako kapag may oras ako”
“Di ako makapaniwala ang bilis mo namang magtratrabaho don. Pero makakatulong talaga sa atin lahat ang pera nila kaya ‘wag mong isipin na hindi ka nakakatulong”
As if reading her thoughts, Janine was relieved to hear that she was a part of their hope. Hindi na rin siya nagtagal, dala ng pagod, agad na rin siyang nagpaalam sa kaibigan. Their goodbyes were fast but full of meaning. After working for big hospitals, ngayon lamang makakaranas si Janine ng panibagong work environment.
Tomorrow will be her first visit sa company. Bagama’t kinakabahan siya, ayaw niyang palampasin ang maaaring mangyari. Everyone said she should expect to work with a person with bad background. Wala silang sinasabing pangalan pero halata naman ang director ng kompanya ang kanilang tinutukoy.
Rafael Wolff who will be the heir of the conglomerate.
****
KINABUKASAN, bumungad sa kanya ang malaking skyscraper sa harapan. Janine scrutinized every inch of the building. From what she had heard, the building was the tallest among all skyscrapers in the heart of the urban city. Bagama't iilan na lang ang naturang mga buildings, isa ito sa stronghold ng mga mayayamang angkan sa Pilipinas kaya hindi basta-basta ang naging epekto ng inflation rate sa kompanya. Nananatili pa ring matayog ang takbo ng operation ng kompanya.
Napalunok sa sarili si Janine sapagkat sa nadaramang hiya. Bahagya siyang napasulyap sa damit at nakaramdam ng kaunting pag-aalinlangan nang masilayan ang tumpok ng mga employer na naka-corporate attire. Malayo pa lang ay tanaw mo na ang casual at elegante nilang tumpok habang naglalakad papasok ng building, samantalang ang kanilang kamay ay lulan ng mga papeles at mamahaling kape.
Sana pala nagsuot siya ng medyo formal, mukha siyang dayong nurse na magsasampa ng reklamo.
Akala niya nang una hindi sopistikada ang kalakaran ng kompanyang ito. Ngunit judgemental lang pala siya kung tutuusin. Aminin ni Janine nag-tila chismosang kapit-bahay siya. Masyado siyang nag-pokus sa mafia, mukhang malayo naman ata ang naturang fiction sa realidad. Baka nga marketing gimic lang ito para mapabagsak ang kompanya ng mga rival companies.
Inayos ni Janine ang kompustura at bahagyang inayos ang gusot niyang kasuotan. Malalim siyang huminga sa sarili at binagtas ang dako ng entrance door. Bumungad sa kanya ang security guard. Ilang segundo ay may binunot siya sa kanyang maliit na shoulder bag at kaagad na ipiniresenta ang kanyang Wolff enterprise identification card. Matapos itong suriin at i-scan ang kaniyang temperature ng matangkad na guwardiya agad na siyang pinapasok.
Upon entering she can't help but be mesmerized at the scene in front of her. An intricate chandelier was placed amidst the folds of an architectural momentum upfront. Malalaking pillars ang nakahilera sa bawat espasyo ng mga glass walls, maganda ang pagkaka-disensyo. Somehow she can't help but ogle at the modern but elegant design of its hallway.
Nahihiya niyang nilapitan ang receptionist. With a huge smile plastered on the receptionist's face, inabot niya ang card kung saan makikitang naka-burda ang katagang Wolff enterprise. Tila espesyal na card pala ang ibinigay sa kanya sapagkat isang tingin pa lamang ay kaagad rin siyang inasikaso ng ibang employees.
A liftman attendant accompanied her to the elevator doors. Kapansin-pansin siguro ang kanyang pagkailang kaya siya kinausap.
"First time mo mam?"
Nawindang siya sa bumasag ng katahimikan. Sa kanyang gilid nakangiti ang lift attendant.
"Paano mo naman nasabi?"
"Well mukhang kabado ka mam. Alam kong di maganda sa publiko reputasyon ng kompanya. Wala pong katotohanan yun. Maalaga ang kompanyang ito sa kanilang mga empleyado,"
"Paano mo naman nalaman na tungkol sa reputasyon niyo ang iniisip ko?"
"Mam marami naman talaga kasing nagsasabing nabuo ang kompanyang ito sa illegal na mga transaksyon. Embezzled money company nga daw. Pero trust me mam, matagal ng mayaman ang angkan ni Director Wolff."
"Pero totoo bang may involvement sa mafia iyon gaya ng sabi?"
Hindi kaagad nakasagot ang empleyado kay Janine dahilan para mapunan ng katahimikan ang namagitang uwang sa kanilang usapan.
"Hindi natin masasabi mam"
Mas lalo lamang namutla si Janine sa nadinig. Hindi ito tinanggi ng empleyado. Parang mali nga ata siya ng pasok. Kung hindi lang bagsak ang ekonomiya ng Pilipinas, baka matagal na niya itong tinanggihan.
Sa katunayan, katakot takot talagang magtrabaho sa kumpanyang may kaugnayan sa mga sindikato. Kung sakaling may marinig o malaman siyang hindi dapat, baka buhay niya ang maging kapalit. Lalong lalo na ngayon personal nurse siya ng nasabing tagapagmana ng Wolff Enterprise.
Kagabi nag-research siya tungkol sa Wolff enterprise mula sa mga lumang dyaryo. Ang director ng korporasyon na ito ay si Rafael Wolff, anak ng CEO na si Don Anastalgio Wolff, isang business tycoon na maraming shipment bases.
Ayon sa mga news article na kanyang nabasa, ang angkan ng pamilyang ito ay nagkaroon na ng maraming eskandalo. Isa na doon ang nabanggit ng attendant tungkol sa embezzlement funds at money laundering. Gayundin ang mga artikulo ukol sa mga illegal na organisasyong kinasasangkutan nila.
Tumunog ang elevator doors. Sa lalim ng kanyang iniisip, hindi naalintana ni Janine ang kanilang pagdating sa pinakataas na floor ng building. She looked around and noticed no one. Walang katao-tao.
"Bakit parang wala ata akong napansin na taong gumagamit ng elevators?"
"Ahh yun po ba mam, this is a private elevator only for the directors as well as the vice president and CEO"
Napaawang ang kanyang bibig. Kung gayon, itong malaking espasyo ng elevator ay para lamang sa mahahalagang panauhin. Napahilot siya sa kanyang sentido. Hindi naman lumaking mayaman si Janine kaya nakakabigla ang pinagkaiba ng nakasanayang estado.
Naglakad silang dalawa sa bahagyang makulimlim na hallway. Ayaw niya sanang sabihing tinitipid ang kuryente kaya't nakapatay ang sindi ng mga ilaw, ngunit sa pagkakataong ito, mukhang sinasadya iyon.
Nilingon niya ang kasamang attendant. Nakataop na ito ngayon ng face mask sa mukha. Ilang hakbang lamang ang kanilang layo ngunit hindi na muling umabante ang kasama.
"Hindi mo ako sasamahan?"
"Ah mam kasi, hanggang dito lang ako sa linyang ito. Ikaw lang mam at ang iibang personnel ang authorize makapasok sa president's room,"
Napakunot ang noo ni Janine sa nadinig. Mula sa kanyang kinatatayuan, kapansin-pansin nga ang yellow line na tinutukoy ng attendant. Maybe because of her unusual card, kaya siya nabigyan access
Nais pa sana niyang magtanong sapagkat nakaramdam ng kakaibang takot si Janine sa isiping mag-isa lamang siyang papasok. Ngunit bago niya pa usisain ang kasamang attendant, nagmamadali rin itong lumayas sa floor.
Hanggang sa naiwan siyang mag-isa.
Nakaramdam ng kakaibang lamig si Janine sa lugar na ito. Hindi niya mawari kung dahil ba mag-isa na lamang siya o sadyang nakakatakot ang taong haharapin niya mula sa malalaking mauve doors na sumisilay sa kaniya sa dulo ng palapag na ito.
With one heavy breath, she reluctantly knocked on the wooden door. Malalim na tunog ang sumalubong sa kanyang pandinig. Nang lumapat ang kaniyang kamay upang kumatok sa pintuan, kagyat niyang naramdaman ang marangyang klase ng tablang ginamit sa pintuan.
Sumagot naman ang taong nasa kabila ng pintuan na may nauubong boses. Pasok, sabi nito sa matigas at malalim na tono. Sa iilang pagkakataon, napapikit siya at walang pagaalinlangang binuksan ang malalaking pintuan. Aaminin niyang mabigat ito kaya kinailangan pa ng bahagyang enerhiya sa kanyang parte.
Akala niya masisilayan na niya ang kanyang employer. Sa halip, ang nakatalikod na swivel chair nito ang bumungad sa kanya, sa kanyang pagkakaalam ay si Director Rafael ito.
This time, it feels as if Mr. Rafael was not his usual self. Nakakalungkot ang kanyang opisina. Sarado lahat ng bintana at ilaw dahilan sa makulimlim nitong kapaligiran. Tanging table lamp lang ang nagbibigay tanglaw sa madilim na silid. Kung tutuusin nakakasakal ang lamig at presensya ng taong nasabi, bagama't ganoon ang senaryo, hindi maintindihan ni Janine kung bakit naaantig ang kanyang puso sa sinapit ng opisina, o kaya naman ay sa maaaring sinapit ng lalaking kasama.
Mula sa drape curtains hanggang sa gloomy atmosphere, everything screamed lonely and blue.
Sa isang iglap, nakumpirma ang kanyang hinala nang salubungin ni Mr. Wolff ang mala-tsokolate niyang mata.
Rafael Wolff was infected.
Nangingitim na ugat ang bumakat sa makisig na mukha ng director. Namumula ang isang bahagi ng kanyang mata. Isa ito sa mga indikasyon na matindi na ang sinapit ng infection, sa kaniyang pakiwari ay nasa late stage na ito. Chronic stage kung tawagin.
Mabilis na naging malinaw sa kaniya ang lahat. The reason why she was here. It was for him, his sickness.
Wala pang gamot ang naturang virus. Wala pang pag asa kundi ang supportive therapy lamang.
Bilang parte ng kaniyang protocol kahit siya pa ay may suot na mask at face shield. Uminom kaagad siya ng antiviral na tableta, ang chemical prophylaxis na lamang ang tanging inirerekomenda sa mga healthcare professionals. Ibang klaseng antiviral ito kaya hindi ito basta-basta makukuha sa mga local pharmacy. Bukod pa sa naturang chemical prophylaxis ay wala ng iba pang opsyon. Miski vaccines na kasalukuyan pa ring pinag aaralan ay hindi pa rin epektibo.
Kinuha niya mula sa pitaka ang dalawang maliit na bottle spray. Isang solution ng detergent at zonrox samantalang ang isang bote naman ay ethyl alcohol. Una ay inisprayan niya ang sarili ng alcohol. Ikalawa ay inisprayan niya ng bleach solution ang uupuan na sofa.
Dala ng mga tilamsik mula sa kanyang mga disinfectant spray bottles, naubo si Mr. Wolff.
Ayaw niyang magmukhang paranoid sa virus at hindi niya rin nais makaramdam ng diskriminasyon ang employer kaya agad-agad siyang nagbigay pahayag.
"I am very sorry sir sa inconvenience ng disinfectant. But this is for the safety and prevention of disease transmission. By the way sir, I am Janine, the private nurse the company has hired?" Pagpapakilala niya.
Nagmistulang patanong ang huli niyang sinabi. Bagama’t siya ay nahire na bilang private nurse, wala pa ring confirmation kung siya nga ba ay katanggap tanggap at sapat na base sa kanilang qualifications at evaluation.
Nauubo pa rin si Mr. Wolff. Bahagyang nahiya si Janine sapagkat ang disinfectant ang naging dahilan sa pag-ubo ni Mr. Wolff. Ilang minuto ang lumipas bago siya maka-rekober sa pag ubo. May dinukot ito mula sa ilalim ng desk. Isa itong file with contract. Ang kopya ng contract. That solidified that she was indeed accepted and is now an official employee of the company.
“Paano ako magsisimula?”
He looked at Janine with coldness. Bakit kahit may sakit na ang director bumubungad pa rin sa kanya ang gandang lalaki nito? Besides his devilish looks, he seems to be dangerous in a way.
“You…” Nanginig si Janine sa malalim nitong boses.
“-will be my personal nurse 24/7” Aniya ng walang bahid na pag-aalinlangan.
It was not an unusual request pero bakit 24 hours. Tinalo pa ang night shift ni Janine dati. Bukod pa doon, papaano naman niya iyon gagawin? Where was she supposed to stay? Lagi ba siyang on-call and kailan ang magiging pahinga niya? Samu’t saring katanungan ang umiikot sa kanyang isipan ngunit dagli rin itong napuksa nang masagot ni Mr. Wolff ang kanyang mga nasa isip.
“You will be staying in my penthouse..." Ani nito dahilan para mamutla ang dalaga. “Your foods, shelter, clothes, anything will be provided. Including your pay” Sandali pa itong nahinto sa pagsasalita.
“You will have your breaks during lunch and dinner. The rest you accommodate me whenever I want to”
Nais pa sanang umapela ni Janine sa pahayag ng director ngunit nang salabungin niya ang nangungusap na mata nito ay mabilis rin naatras ang kanyang dila sa pagrereklamo. Magandang wag na lang magsalita, lalong lalo na kapag nakakatakot ang presensya ng kanyang boss.