Fall Two: Mall
“Oh my... Art may virus `yung desktop mo!” sigaw ni Ecka. Nagmadali akong lumapit sa kanya.
“What?! Ano ba’ng ginawa mo?” nag-aalalang tanong ko.
“I just open it, wala pa nga akong pinipindot, e. I'm sorry,” malungkot na sabi ni Ecka.
“Okay lang,” huminga ako nang malalim at saka tumingin sa ka-partner ko, “Sharmaine okay lang if sa laptop na tayo gumawa? Magsalitan na lang tayo,” suggestion ko. Agad naman siyang pumayag. Tumingin ako kay Ecka. “Ecka, don't worry hindi ako galit. I'll bring that na lang bukas sa Apple store,” nakangiting sabi ko.
Wala rin naman kasing mapapala kung magagalit ako. Buti na lang wala akong masyadong files do’n dahil halot lahat ng files ko nasa laptop ko na.
“Ako na lang, it's my fault naman, e. I'll just pick it up tomorrow morning,” malungkot pa rin na sabi niya.
“You sure?” tanong ko. Tumango si Ecka.
Tumango tango na lang din ako at pumasok na sa kuwarto para kuhanin `yung laptop ko. Pagbalik ko inabot ko na kay Sharmaine `yung laptop.
“You can use it first. Mag-order lang ako ng food natin,” sabi ko at binaba na niya `yung laptop sa center table. “Xel, veggies?” tanong ko sa pinsan ko. Tumango lang siya kaya dumiretso na ako sa kitchen para tumawag. Nando’n kasi `yung landline ko.
“Hey, Art. Don’t mind the food. Mag-mall na lang kami ni Ecka, dalin na din namin `yung desktop mo para ma-check up na,” sabi ni Xel.
Nilawit ko ang ulo ko sa bar ng kitchen. “Okay, if that’s what you want. Mag-ko-commute kayo?” tanong ko.
“Nah, may phobia ako sa pag-ko-commute, e. Can we just barrow your car? May license na naman si Ecka,” sabi niya.
Saglit na napa-isip ako bago ko kinuha `yung susi ng kotse ko at binato kay Xel.
“Take care, okay? Tawagan na lang namin kayo kapag tapos na kami dito,” paalala ko sa kanya.
Kinalas ko lang ang desktop ko at nagmamadali na silang umalis. Parang bigla silang nagkaroon ng allergy dito sa condo ko. Pinsan ko talaga. Gumawa na kami ni Sharmaine ng written report namin. Dahil sa laptop lang kami gumagawa wala kaming naging choice kung hindi ang magkatabing gumawa.
Nakaupo lang kami sa sahig dahil medyo malayo `yung center table ko sa mismong sofa. Masyado kasing mabigat para itulak. Kung minsan ay napapatingin ako kay Sharmaine. Seryoso siya sa ginagawa namin pero parang hindi siya masyadong mapakali.
“Are you okay?” tanong ko sa kanya. “Medyo na mumutla ka. Kanina ka pa mukhang uneasy simula nung umalis sila Xel and Ecka. Something wrong?” Umiling siya at sinenyasan ako na ipagpatuloy na lang namin ang ginagawa namin. Pero alam kong hindi siya okay. “Sure ka bang okay ka lang? Hindi ka naman nag-ko-concentrate, e,” tinitigan ko siya, “Aminin mo, naiinggit ka kila Xel kasi nag-mall sila, `no?”
“Hindi, `no! Hindi naman ako mahilig mag-mall, sila lang `yun. At saka hindi ko naman afford mag-mall, `yung katulad ng malling na ginagawa nung dalawa na `yun,” defensive na sabi niya.
“Let's have a break muna, pahinga ko lang `yung mata ko,” paalam ko. Pumasok ako sa comfort room ko na nasa kitchen para tanggalin `yung contacts ko. Medyo masakit na rin kasi ang mata ko. “Are you okay?” tanong ko pagbalik ko. Para kasi siyang laging natataranta.
“Ah... Oo, okay lang ako. Ang dami na pala nung nagawa natin,” sabi niya at tinignan na `yung mga nagawa namin.
“Past five na pala, gusto mo sumunod na tayo kila Xel? Kain na din tayo ng dinner? Puwede na naman natin ituloy `yan bukas, since madami na nga tayo nagawa and next week pa naman ang pasahan niyan,” suggestion ko.
“E, `di ba may photoshoot kayo ni Xel? Kaya nga tayo gumawa ngayon, `di ba?”
“Bakit alam mo `yun?” tanong ko sa kanya. “Anyway, okay lang naman, hindi naman masyadong matagal `yun. Siguro mga 1-2 hours lang `yun.” Tumango tango lang siya kaya pinatay ko na `yung laptop at inayos.
“Pasok ko lang sa room ko ha?” paalam ko. Pagpasok ko sa kuwarto ko ay kinuha ko na rin ang salamin ko. Hindi rin kasi ako makakita nang maayos. Paglabas ko nakita ko siyang nakatayo lang sa sala. “Okay lang ba kung mag salamin ako?” tanong ko.
Napatingin siya sa akin. “E? Malabo mata mo?” tanong niya.
Ngumti ako saka sumagot ng, “Oo, nag susuot lang ako ng contacts pag nasa school. Sabi kasi ng manager namin ni Xel, e.”
“Bagay naman sa iyo kahit nakasalamin ka, e. Mas gwapo ka pa nga tigna—“ Bigla niyang tinakpan `yung bibig niya.
“Lagi kong naririnig sa iba `yan, pero bakit nung ikaw nagsabi parang ang sarap sa pakiramdam?” tanong ko. Hindi ko mapigilan ang pagngiti.
“Tara na nga! Mag-ko-commute pa tayo!” aya niya sa akin. Padabog
niyang sinukbit ang bagpack niya at nagmamadaling lumabas. Napangiti na lang ako habang umiling iling.
Kinuha ko sa kitchen `yung susi ng motor ko at saka ako lumabas. Naabutan ko siyang bubulong bulong kaya naisipan kong gulatin siya.
“Miss, hindi po ako marunong mag commute,” bulong ko malapit sa tenga niya. Bigla siyang nag-tiff sa kinatatayuan niya. Natawa ako. “Cute,” sabi ko. Nag-blush siya. “Lalo ka pang naging cute! Tara na nga, may motor ako sa baba,” aya ko sa kanya. Hinawakan ko na `yung kamay niya at hinila siya, hindi kasi siya kumikilos, e.
Pagdating namin sa parking lot kinuha ko kagad `yung spare helmet ko.
“Suot mo `to,” utos ko sabay abot sa helmet.
“Sigurado ka bang magmomotor tayo? Okay lang sa akin na mag-commute ako,” sabi niya.
“Hindi nga po ako marunong. Maliligaw ako,” ngumiti ako, “Don’t worry hindi pa naman ako nadidisgrasya.” Sumampa na ako sa motor at saka tinignan siya. “Sakay na, akong bahala sa iyo,” inalalayan ko siyang makasakay sa likuran ko, “Humawak ka nang mahigpit,” bilin ko. Humawak siya sa balikat ko. “Hindi d’yan,” hinawakan ko ang mga kamay niya at nilipat sa bewan ko, “Dito.”
“S-Sure ka?” tanong niya. Naramdaman ko na parang kinakabahan siya.
“Oo,” pagsisigurado ko. “Humawak kang maigi ha?”
Pinaharurot ko na kagad `yung motor. Iba pala ang feeling kapag may nakaangkas sa iyo. Kinakabahan ako. Nararamdaman ko ang mabilis na t***k ng puso ko. Tila may pangamba ako.
“We’re here,” sabi ko sa kanya. Inalalayan ko siyang bumaba.
“Salamat,” sabi niya.
Tinanggal ko na `yung helmet ko at sinabit sa manibela. “You’re welcome,” sagot ko sa kanya. Inalis na niya `yung helmet niya. “Nagulo `yung buhok mo,” sabi ko.
“Hayaan mo na siya,” sabi niya sabay kibit balikat.
Napangiti na lang ako. May babae pa palang walang paki sa itsura niya? Kaibigan ba talaga `to ni Xel? Kasi kung si Xel `to malamang kumuha na kagad ng face powder sa bag at tinignan kung maayos pa ang itsura niya.
This girl is different.
Pagpasok namin ng mall ay pinagtinginan na kami ng mga tao. Maaring nakilala nila ako kahit na nakasalamin ako. Nginingitian ko na lang ang iba dahil baka kung ano ang isipin nila sa akin. Negative publicity is still publicity. Though, I don’t give much damn with my modelling career dahil part time ko lang naman `yun para malibang libang lang ako. Pero, syempre iba pa rin kapag maganda ang image mo.
“Si Art Sanchez `yan, `di ba?” bulong nung isang babae. Ngitian ko `yung babae. “Sino `yung kasama niya? Girlfriend niya ba?”
“Gaga, mukha bang girlfriend? Baka katulong?” Napakunot ang noo ko sa usapan nila. “Sure akong katulong `yan.”
“Baka nga, tignan mo naman ang itsura oh.”
Tinignan ko si Sharmaine. Nagtaka ako dahil ang layo na niya sa akin. Masyado ba akong mabilis maglakad?
“Uy, bakit ang layo mo?” tanong ko. “Kasama mo ako, baka nakakalimutan mo,” natatawang sabi ko sa kanya.
“Keep distance, please,” sabi ko at sinenyasan ako ng stop sign.
Napahinto ako. Hindi ko na rin alam kung ano ang itsura ako. “Why should I keep my distance?” inis na tanong ko.
“E, kasi… Ano…” hindi mapakaling sagot niya.
“Don’t mind them, okay? Hindi naman totoo `yung sinasabi nila. Inggit lang `yan dahil kasama mo ako,” inabot ko sa kanya `yung kamay ko, “Tara nasa P. Fashion daw sila Xel, sabay sabay na tayong mag-dinner.”
“Hahawakan ko ba `yung kamay mo?” tanong niya.
Tinignan ko `yung kamay ko. Saka ko lang na-realized kung ano `yung ginawa ko. Kaagad ko itong binawi. “No,” sabi ko at saka nagdiretso na nang lakad.
Ano `yung ginawa ko? I know I did offer my hands, but why? This is not right.
***
“Good morning, Tita,” bati ko kay Tita Liz, Mommy ni Xel, pagdating ko sa bahay nila. “Am I too early for my check up?” tanong ko. Nag-aayos pa kasi siya ng mga halaman niya.
“No, you’re just in time. Medyo na late lang ako ng tapos dito dahil dumating `yung mga kaibigan ni Xel,” sagot niya. Tumayo siya at tinignan ako. “Why don’t you go up stairs muna then tawagin kita pag nakapag-ayos na ako?” Tumango tango lang ako at umakyat sa kuwarto ni Xel.
Nasa labas pa lang ako naririnig ko na ang mga tawanan nila. Typical girl converstation. Pero hindi yata sila normal dahil sobrang lakas ng mga tawa nila.
“Xel,” tawag ko. Sabay sabay silang napatingin sa akin. “Nandito daw si Sharmaine, ayain ko na siya gumawa ng project,” palusot ko. Baka kasi magtanong sila kung ano’ng ginagawa ko rito, e.
“Uy Art! Sakto,” tumayo siya at may inabot sa akin na papel, “Here.” Tinignan ko. Picture pala.
Para akong binuhusan nang malalig na tubig dahil sa nakita ko. Nakita ko na naman ang mukha niya. Nakita ko na naman kung gaano kami kasaya noon.
Hindi ko na pinansin sila Xel at kaagad na akong lumabas. Sakto naman nakita ko si Tita.
“Art, are you okay?” tanong niya sa akin.
“I don’t know, maybe not,” sagot ko.
Inaya na n’ya ako sa clinic n’ya. I’ve been doing this for three years na. Yes, three years.
Then the process begun.
“Art, magpapaalam sana ako,” tinignan ko si Zarah, “Baka mawala ako ng matagal, pero promise naman babalik ako.”
“Pati ba naman ikaw iiwanan na din ako? Si Daddy aalis, tapos ikaw rin?” tanong ko.
“Babalik naman ako, e. Kailangan ko lang pumunta sa malayo pansamantala,” mahinang sabi niya.
“Ayaw mo na rin ba sa akin?” tinitignan ko siya, “Zarah, katulad ka rin ba ni Daddy na ayaw na rin sa akin?”
“No, Art. Mahal kita, sasagutin ba kita kung hindi kita gusto?” nakangiting tanong niya.
“Pero bakit kailangan mong umalis?” inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at saka tumayo. “Bakit kailangan niyong umalis?”
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran. “Babalik ako, Art. Babalik ako para sa iyo, `di ba forever ang Zart?”
It’s been fvcking three years since she left me, us, for good.
Why you keep coming back, Zarah? Bakit ka bumabalik sa mga panahong iniisip ko na handa na akong mag-move on? You’re always remind me our promise of forever, but where are you? How can be it be our when the only one left is me?
“Art.” Naramdaman ko ang banayad na haplos sa pisngi ko. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko. “We’re done, are you okay?”
Marahang tumango ako kay Tita. “Did I say something weird again?”
“No, you’re quiet this time. Are you having nightmares again?” balik na tanong niya sa akin. Umiling ako. “So, ang huli ay `yung nakaraan pa?” Tumango lang ako. “You’re doing well, Art. In time, makaka-move on ka rin. We’re gonna do it one step at a time,” p-in-at niya ako sa balikat, “You’re fine, Art. You’re normal, wala kang pinagkaiba sa ibang mga teenager sa ngayon.”
“Tita, may mental disorder po ba ako?” seryosong tanong ko. “We’ve been doing this for three years pero everytime na naiisip ko na okay na ako, parang hindi pa rin.”
“You’re having a dysthymic disorder, Art. Nawawala `yan in time. Hindi minamadali. May process and you need to be sincere with it,” paliwanag niya.
Tumango tango ako at nagpaalam na. Didiretso na sana ako ng labas kaya lang nakita ko si Xel at Ecka na nag-uusap pa sa pinto.
“Hindi ba magagalit si Isay kung pipilitin mo siyang pa-make up-an do’n bukas?” nag-aalalang tanong ni Ecka.
“Hindi naman siguro, subukan lang naman natin, e. Malay mo mapansin na siya ng pinsan kong tuod, `di ba?”
Ako? Tuod? Seriously?
Kaagad akong nagtago sa isang gilid nang makita kong tuluyan nang umalis si Ecka at paakyat na si Xel sa kuwarto niya.
So, plano pala nila na pagandahin si Isay para mapansin ko? Maganda naman si Isay kahit walang kolorete sa mukha. `To talagang pinsan ko. Mukhang inaakala kong ako ang baliw pero ang totoo si Xel `yun.
Umakyat ako sa kuwarto niya. I think I have a better plan in my head.
“Xel,” tawag ko sa kanya. “I heard you and Ecka talking kanina sa baba,” sabi ko kaagad sa kanya.
“You heard what?” painosenteng tanong niya.
“You’re plan na papuntahin si Isay sa photo shoot and let the make-up artist dress her up and everything para mapansin ko,” diretsong sabiko.
“Oh. Hindi naman kasi talaga… Ano eh…” hindi mapakaling sabi niya. Nginisian ko siya. “I don’t like your smile, Art. Please don’t tell Isay.” Lumuhod siya sa kama niya at parang nagpapaawa sa akin.
“Don’t worry, I won’t tell her. In fact, I have a better plan,” nakangiting sabi ko. Napatitig siya sa akin. “What? Don’t you want to hear it first before you give me that look?”
“Art, don’t tell me you’re going to play prank on my friend? Hindi kita papayagan!” Kinuha niya `yung suklay na nasa night stand ng kama niya tapos tinapat sa `kin parang sword.
“Kailangan ko na ba matakot?” biro ko. “Kidding aside, Xel. I won’t play prank on your friend. I just have a better plan para mapansin ko siya. Hindi naman kasi bebenta sa `kin `yung naisip mo, e. Lumang style na.” Binaba niya `yung suklay, tapos bigla niya ulit tinaas.
“Don’t tell me you like Isay na?” tanong niya. Parang biglang nagkaroon ng sparks sa mga mata niya.
“It’s for me to know and for you to find out. Ano na? Wanna hear my
plan?” Tinignan niya ako ng parang naghihinala siya na ewan, pero in the end pinakinggan din naman niya `yung plano ko.
Do I like her already? Pangalawang araw ko pa lang siyang nakikilala, well, pangatlo bukas but is that enough para masabi kong I like her already? She gave me a warm feeling just watching her. Is that enough reason para masabi kong I like her?
***