Fall Four: I’m sorry

1678 Words
“Uhm... Ah... Excuse me...” Okay, lahat ba ng tao rito snob? Wala pang pumapansin sa `kin dito ah. Nasaan na ba kasi sila Xel and Ecka? Huhuhu. Umuwi na lang kaya ako? Mukhang wala naman `yung dalawa rito. Tinignan ko `yung text ni Xel, tama naman `yung address. “Uy, Isay!” Napatingin ako sa tumawag sa `kin, si Art. Feeling close siya, Isay tawag sa akin! Hahaha. “Nakita mo ba si Xel? Medyo nagkakagulo na kasi `yung mga staff kasi hindi pa dumadating si Xel,” nag-aalalang sabi niya. “E? Kanina ko pa nga din sila hinahanap ni Ecka, e,” sagot ko sa kanya. Nasaan kaya `yung loka loka na iyon? “Ecka? Hindi naman pupunta dito si Ecka, I called her earlier to check if kasama niya si Xel pero may group project daw sila kaya hindi niya kasama,” paliwanag niya. “Ha?!” gulat na tanong ko, “Hindi ko alam... Pinapunta lang nila ako dito,” mariing na papikit ako. Tsk! `Yung dalawa talaga na iyon! “Hayaan mo na nga.” Kinuha niya `yung cellphone niya sa bulsa niya, tapos nag dial ng number tapos may tinawagan. s**t! Parang nag slow motion `yung paligid ko. “Xel! Where are you?! What?! Are you okay? Paano na `tong photo shoot? Okay, okay. I'll try to fix this, get well soon.” “Ano daw?” tanong ko, para kasing biglang naging worried `yung expression ng mukha niya, e. “May sakit daw siya kaya hindi daw siya makakapunta. Now... I don't know how to settle this. Nandito na lahat ng crew. Xel talaga, she should have tell me earlier para na re-sched na lang itong shoot,” huminga siya ng malalim, “What should I do?” “Ah gano’n ba. Uhm. Sige mauna na ako. Puntahan ko na lang si Xel,” paalam ko. Tumango tango lang siya, pero halatang problemado siya. Kung may maitutulong lang ako, e. Hay. “Art... Sino itong magandang dilag na ito?” Napatingin ako sa babaeng nakaharang sa dinaraanan ko. “Kapalit ni Xel?” “Ah... Hindi po. Napadaan lang ako dito,” sabi ko tapos winave ko pa `yung kamay ko. “Ah... Yes siya nga `yung pinapunta dito ni Xel, para maging kapalit niya.” Napatingin ako kay Art, kinindatan niya ako kaya `yung puso ko nag rigidong na. “Ayun naman pala, bakit ngayon mo lang sinabi? Kanina pa tayo nag hihintay dito.” Hinatak ako nung babae, kaya parang natauhan ako. “E?” Napatingin ako kay Art. Nag mouth siya ng 'Sorry'. Ano ba `tong gulong na pasok ko? *** Nangangati na ang mukha ko dahil sa make-up. Feeling ko ang bigat bigat ng mukha ko. First time ko mag pamake up at mag suot ng six inches na heels, kamusta naman, `di ba? Six inches mga `te. Naging six footer na ko. 5’4 kasi ang height ko so plus six inches 6’ na, `di ba? Nung tumayo ako, tiningala na ako nung babae na humatak sa `kin kanina, hindi naman totally tingala na, as in banat na banat `yung leeg sa pag kakatingala. HAHAHA. Kasi kanina mag ka-height lang kami, e. “You look prettier pala pag may make-up, are you a model or something? Bagay `yung features ng mukha mo even your height sa ganitong work,” puri niya sa akin. Medyo pilit na ngumiti ako, kasi grabe makapuri `tong si ate. “Hindi po, e, actually first time ko nga lang po na mag momodel,” sagot ko. Hinawakan niya ako sa mukha, parang uhm, i-chi-cheer niya ako. “Trust me, everything will be fine basta ngumiti ka lang sa camera or susundin mo `yung sinasabi nung photographer, if maganda ang kalalabasan ng photo shoot na `to I’m sure, may next project ka na. Who knows baka maging katulad ka din ni Xel,” sabi niya sabay kindat. Grabe na talaga `tong si Ate, sure ako hindi na `to mauulit, kasi hindi na ako papayag sa susunod, napilitan nga lang ako ngayon, e. Tumango tango na lang ako sa mga sinabi niya, kunwari interesado ako. Naglakad na ko papunta dun sa pinakaset nung photo shoot, parang bar type siya, actually habang minemake-up-an ako kanina, pinapaliwanag nila `yung concept nung photo shoot, parang may pagkatame na may pag ka badgirl `yung image ko. Tapos si Art naman bad boy talaga ang image niya, pagtitrip-an niya raw ako. Hindi ko mapicture `yung mga gagawin namin, so, in the end wala pa rin ako idea how things will work. Ako na ang slow. “Wow, you look beautiful Sharmaine,” bati sa akin ni Art. Ngumiti ako as in totoong ngiti, feeling ko nga nag blush pa ako, at ang lakas din ng kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi ni Art. “Thank you. Medyo asiwa nga ako, kasi hindi talaga ako sanay nang ganito. Medyo masakit din sa paa `tong sapatos ang taas taas kasi, e,” sabi ko sabay tingin sa paanan ko. “Okay nga lang, e, magkasing height na tayo,” natatawang sabi niya. Bigla niya akong tinitigan. “Pero seryoso, first time mo talaga? Sa ganda mong `yan hindi ka pa nagmomodel kahit minsan?” Tinignan ko siya na parang nagtataka. “Sa itsura ko pag wala akong make up mukha ba akong nag mo-model?” natatawa kong tanong, “Ang simple kong tao, sino makakapansin sa akin?” May sinabi siya pero hindi ko narinig kasi sabay `yung tawag sa `min nung photographer mag start na raw kami, gusto ko pa sana itanong kung ano `yung sinabi niya kaya lang nahiya na ako. Noong una, medyo kinakabahan ako pero nung nagtagal medyo nagamay ko na with help of Art syempre. “Place your right hand in her waist, Art. Give us something sexy,” sabi nung photographer. Sinunod naman ni Art `yung sinabi. Nilapit niya `yung mukha niya sa bandang leeg ko, parang bampira siya. “That’s good. Give me more!” Sunod sunod ang tunog ng shutter ng camera. Bawat baling ng katawan ko ay parang normal na lang. Sumusunod ako sa bawat galaw ni Art. Ngayon, hindi na ako nagtataka kung bakit sikat na model `tong si Art. Kahit ako na hindi model ay napapasunod niya. Feeling ko sikat na model din ako. Feeling ko hindi ko first time. “You’re doing well,” bulong sa akin ni Art. “T-thank you,” kinakabahang sagot ko. Bigla akong nawala sa concentration. Shocks! “Art, eye contact!” sigaw ng photographer. Pinagdikit ni Art ang mga noo namin. Nagkatitigan kami. Hindi ko na maalis `yung tingin ko sa mga mata niya. Ang ganda ng pagkabrown nito. Ngayon ko lang napansin dahil ngayon ko lang siya natitigan nang ganitong kalapit. Napalunok ako ng ilang sunod nang dumikit na ang tungki ng ilong niya sa ilong ko. Parang nag-slow motion na ang lahat. Dinig ko ang bawat pag hinga niya. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa bewang ko. “I’m sorry,” bulong niya. Hindi na ako nakasagot dahil bigla niya akong hinalikan sa mga labi ko. Nakailang kurap pa ako bago nagkahiwalay ang mga labi namin. “Okay! That’s good! Pack-up na tayo.” Napatitig ako kay Art na nasa harapan ko pa rin. Gusto kong magsalita, pero ayaw gumalaw ng mga muscles sa bibig ko. Gusto kong gumalaw at tumakbo palayo pero para akong napako sa kinatatayuan ko. Did he really… “Isay?” untag niya sa akin. Napaatras ako ng konti. “I’m sorry, nadala lang kasi ako.” Gusto kong sumagot, gusto kong magsalita pero hindi ko talaga magawa. Tumalikod na lang ako at dumiretso sa dressing room. Mabilis akong nagpalit ng damit. Aalis na sana ako kaya lang tinawag pa ako nung babaeng nag-make-up sa akin. “Are you sure na first time mo?” tanong niya sa akin. Alanganing ngumiti ako. “Oo,” matipid na sagot ko. “Here,” inabutan niya ako ng envelop, “Thank you for the hard work!” sabi niya sabay ngiti sa akin. Pagtalikod niya agad kong tinignan `yung laman ng envelop. Nalaglag `yung panga ko sa nakita ko. Ilang ulit ko pang binilang dahil baka nilamang lang ako nang tingin. Shocks. Ganito ba kalaki ang kinikita ng mga model? Suweldo na ito ni Papa sa loob ng isang buwan! “Isay.” Napahawak ako sa dibdib ko nang may tumawag sa akin. “A-Art!” nauutal na tawag ko sa kanya. Lumapit siya sa akin, pero lumayo ako. Bawat hakba niya papalapit ay siya namang hakbang ko palayo. “A-Ano,” lumunok ako ng ilang beses, “Uhm.” Shit! Hindi ko alam ang sasabihin ko! “Isay,” tawag niya ulit. “Sorry, Art!” mabilis na nilagay ko sa bag `yung envelop at tumakbo ako paalabas ng venue. Whew! Isay, walang nangyari sa loob. Guni-guni mo lang `yun. Sa sobrang pagpapantasya mo kay Art kaya na naginip ka nang gising. Gah! Sino ka naman para halikan nun? Ilang araw pa lang ba kayong magkakilala ng tao? Tss. “Hop in.” Napatingin ako sa bintana ng kotseng huminto sa tapat ko. s**t. “Art, hindi na okay na ako,” alanganing ngumit ako sa kanya, “Mamamasahe na lang ako.” “Walang dumaan na taxi dito, mahihirapan ka lang umuwi,” binuksan niya `yung pinto sa passenger seat, “Come on, ihahatid na kita.” “Hindi na, may dadaan naman siguro dito na kahit tricycle palabas,” sabi ko. “Alright!” nagulat ako ng bigla siyang bumaba sa kotse niya, “Hindi ako matatahimik kung hindi kita makikitang nakasakay na pauwi, sasamahan na lang kitang maghintay dito kung ayaw mong ihatid kita.” Tinitigan ko siya. Hindi siya nakatingin sa akin, nakatingin siya sa kalsada at naghahanap ng masasakyan ko. s**t naman, Art! Ano ba’ng gusto mong palabasin? Naguguluhan na ako. Baka ma-misinterpret ko ang mga ginagawa mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD