“Do it ten times, the faster the better,” utos sa akin ni Ecka.
Nakailang ulit na ako ng hand practice na sinasabi niya. Pa-ulit-ulit ang do, re, me, fa, sol, sol, fa, mi, re, do. Medyo nakakatanga pero mukhang enjoy naman matuto ng pagtugtog ng piano. Hindi ko alam kung normal lang ba na medyo sumakit `yung mga daliri ko o may mga nerves lang ako na sumusuko na dahil na sa mabilis na pagtipa ko.
“Gusto mo nang subukang magbasa ng notes?” tanong sa akin ni Xel.
“Hindi ba puwedeng kabisaduhin ko na lang `yung mga titipahin ko? Kailangan ko pa ba talagang matutong magbasa?” kunot noong tanong ko.
“Mas maganda kasi kung marunong ka ring magbasa, pero anyway kung ayaw mo. Ayos lang din naman. Magkabisa ka na lang ng isang piece,” suggestion naman ni Ecka.
“Tingin niyo ba eepekto na `to?” tanong ko sa kanila.
“Kaya nga susubukan natin para malaman, `di ba?” tinitigan ako ni Xel, “Ano ba kasi nangyari nung birthday ni Mommy at bigla kang nagkaganiyan?”
“Wala,” yumuko ako, “I just realized na hindi talaga kami bagay ni Art,” mahina kong sabi.
“Ano’ng naging basehan mo?” taas kilay na tanong ni Ecka.
“Basta. Hindi ba puwedeng basta ko na lang siyang na-realize?” sumimangot ako at pinaggigilan `yung piano.
“Mas matanda pa sa iyo `yan,” pigil sa akin ni Ecka. Nanlaki `yung mga mata ko.
“Sorry po,” sabi ko sa piano sabay himas dito, “Pasensya na po talaga.”
“Hindi kami susuko sa Opertion: Make Him Fall For You. Minsan kasi, pakipot lang talaga ang mga lalaki lalo na kung alam nilang may gusto sa kanila `yung tao.” Nanlaki `yung mga mata ko dahil sa sinabi ni Xel. “Wow, you think na hindi pa alam ni Art na may gusto ka sa kanya?” Sunod sunod na tumango ako. “Seryoso?”
“Seryoso rin? Alam na nga ni Art na gusto ko siya?!” halos pasigaw na tanong ko. “Masyado bang obvious ang pagsinta ko sa pinsan mo,
Xel?” nahihiyang tanong ko.
“Hindi naman,” napakamot siya ng ulo, “Sabihin na lang natin na may mga lalaki na malakas ang pakiramdam at isa si Art sa mga lalaki na iyon.”
“Nakakahiya!” natakip ko sa mukha ko ang mga palad ko, “All this time na magkasama kami nakakahalata na pala siyang may gusto ako sa kanya.”
“Base sa study pag daw nalaman ng isang tao na may gusto sa kanya ang isang tao nagkakaroon daw ng instances na nagkakaroon din ng gusto `yung taong pinagsabihan mo o nakaalam na may gusto ka sa kanya. Parang they’re liking you back?” lumapit siya sa akin at inakbayan ako, “Let’s say na totoo `yun, it gives you a hope na baka nagkakagusto na din sa iyo si Art.”
Tinitigan ko siya. “Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba iyan o ano,” naguguluhang sagot ko.
“Always think kasi sa positive side, Isay. Ang negative mo kasi, e,” sermon naman ni Xel.
“Let’s continue this, pag hindi pa rin `to umepekto then hahayaan ka na naming sa gusto mong gawin,” suggestion ni Ecka.
“E, Ecka paano `yung isa pa? `Yung sinabi mo na the way to man’s heart is through his stomach?” tanong ni Xel.
“A, oo nga pala,” tinignan niya ako, “Second to the last pala ito, bebelabs.”
“Fine fine. After nito at nang pagluluto, tigil na natin ha?” Sabay silang tumango. “Ano na? Paano na ito?”
***
Huminga ako nang malalim at tinitigan ang pianong nasa harapan ko. Kakayanin ko ba? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko lalabas `yung puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. Saglit na tumingin ako sa paligid ng café. Ngayon lang ako gagawa ng isang bagay na may mangilan-ngilan na taong manonood sa akin. Sa mangilan-ngilan na iyon ay kasama pa si Art.
Bumilang ako ng tatlo at muling huminga nang malalim mga ilang beses ko itong pinaulit ulit hanggang sa maramdaman ko na medyo humupa na ang tension sa dibdib ko.
Kaya mo `yan, Isay!
Sinimulan ko na ang pagtipa. Nagawa ko nang maluwalhati ang unang stanza. Nakahinga na ako nang maluwag. Tingin ko kakayanin ko na `to. Nagpatuloy lang ako sa pagtugtog. Hindi na nga ako tumitingin sa score na nasa harapan ko dahil hindi naman ako marunong magbasa, kinabisado ko lang talaga `yung tinuro ni Ecka.
Napangiti ako nang matapos ko ang buong piece. Nakahinga na rin
ako nang maayos.
“More! More!” Napatingin ako sa mga taong sumisigaw. “Isa pa!”
“H-huh?” kinakabahang sagot ko.
“Isa pa, Miss!” sigaw pa nila.
“A-Ano…” napalunok ako ng ilang sunod. Hinanap nang tingin ko si Ecka. Sinenyasan ko kagad siya at humingi ako nang tulong.
“Free water for everybody!” sigaw ni Ecka, napunta sa kanya ang atensyon ng mga tao.
“Boo! Libre naman talaga `yung tubig niyo dito, e,” sabi ng isa sa mga customer.
Sinenyasan ako ni Ecka na umalis na sa stage kaya tumakbo na kagad ako papunta sa kitchen. Sumilip ako sa salaming bahagi ng pinto. Hinanap ng mga mata ko si Art. Wala na siya. Pinanood niya kaya? O baka naman nag-effort na naman ako para sa wala?
Pumasok si Xel sa pinagtataguan ko. Tinitigan niya ako at niyakap.
“I’m sorry, bebelabs,” bulong niya sa akin, “Hindi ko alam na aalis si Art.”
Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Sabi ko na, e. Nag-effort na naman ako para sa wala. Tinapik ko siya sa likuran.
“Okay lang, bebelabs. Nag-enjoy naman ako, e,” sagot ko sa kanya.
“May isa pa naman tayo, e. Promise `yun sisiguraduhin naming na matitikman ni Art `yung iluluto mo,” sabi ni Ecka.
“Guys, tama na kaya?” tanong ko sa kanila.
“`Di ba last na nga? Try na lang natin, please?” sabi ni Xel.
“This will be the last part ng Make Him Fall operation namin, if hindi mag-wo-work out `to, hahayaan ka na namin,” dagdag naman ni Ecka.
Huminga ako nang malalim. “Okay okay,” ngumit ako ng konti, “Last na ha?” Ngumiti sila at sabay na tumango. “Sige na, magtatrabaho na ako.” Nagpaalam na lang sila sa akin at lumabas na.
Sabi ng utak ko sumuko na ako. Pero sabi ng puso ko `wag daw. Minsan ang gulo gulo nila. Hindi kasi sila magkasundo. Sana kahit one time lang, magkaroon sila ng unity sa isang bagay. `Yung tipong susuportahan ni Utak si Puso o kaya si Puso kay Utak, kung mangyayari siguro `yun hindi na masyadong mahihirapan ang mga tao sa pag-iisip ng mga bagay na mahirap pag-isipan lalo na kung parehong involve ang utak at puso.
Pero syempre sa bandang huli nitong iniisip ko, imposible pa rin ang iniisip ko. Hay.
***
“Are you sure na dapat gan’yan karami ang sugar na ilalagay d’yan?” tanong sa akin ni Ecka.
“Uhm. Sabi sa cookbook, e,” tinignan ko` yung recipe ng choco cake na i-be-bake naming, “Oh ¾ cups of sugar,” sabi ko sabay turo.
“3/4 cups?” tinignan niya `yung ginamit kong measuring tool, “E, tatlong cups ang nilagay mo, e!” inabot niya sa akin `yung measuring cup.
“Hala! Akala ko ¼ cup lang `yan, e!” sabi ko.
Naningkit ang mata niya sa akin. “Buti na lang pala hindi ikaw ang gumagawa ng cake dito sa café, malamang may diabetes na lahat ng bumibili dito,” sermon niya sa akin.
“Grabe ka naman, bebelabs,” mahinang sabi ko, “Paano na `to?”
“Dagdagan na lang natin `yung ibang ingredients. Gawin na lang nating malaki `yung i-be-bake natin,” suggestion niya. Tumango tango lang ako at sinimulan na naman ang pagdagdag sa mga ingredients na nauna na naming ilagay.
After ng ilang oras na pakikipagtuos sa paggawa ng cake, natapos din namin siya. Nilagyan ko lang ng simple design `yung cake at hindi na nilagyan ng kung ano-ano pang anek-anek. Hindi ko rin naman alam kung magugustuhan ito ni Art o ano.
“Paano ko ito ibibigay? Paano kung tanungin niya ako kung para saan ito? Paano kung—“
“Hep! Isa isang tanong lang, mahina kalaban,” pigil sa akin ni Ecka. “Kalma, bebelabs. Gagawan natin ng solusyon isa isa, okay?”
“So, paano ko nga ba ito ibibigay?” ulit ko sa una kong tanong ko.
“Sabi ni Xel, puwede raw natin dalin `yan sa photoshoot nila, kunwari ibibigay natin sa staffs,” tumikim siya sa natirang icing na ginawa naming, “Ang sarap ha! Anyway, nasagot na rin `yung pangalawang tanong mo.” Kinuha niya `yung car key niya sa gilid ng bag niya. “Tara na, gayumahin na natin si Art sa pamamagitan niyang cake mo,” kinikilig na sabi niya.
“As if,” walang kompiyansang sabi ko.
“Negativity will lead you to nothing,” nakasimangot na sagot niya.
Umiling-iling na lang ako at sinundan siya palabas. Magtatalo lang kaming dalawa, e. Wala na naman akong magagawa kung masyado akong pessimistic. Medyo mahirap na yata alisin `yun sa pagkatao ko.
Pagdating namin sa venue ng photoshoot nila Xel ay binaba muna ako ni Ecka sa entrance, susunod na lang daw siya dahil maghahanap pa raw siya ng puwedeng pag-park-an. Sinunod ko naman siya. Nauna na akong bumaba. Pagpasok ko sa loob ng studio narindi kagad ang tainga ko sa sobrang lakas ng sounds nila. Grabe, ganito ba talaga kailangan kalakas ang sounds nila? Nakakabingi. Buti nagkakarinigan pa sila?
Naglakad lakad ako sa paligid, hinahanap ko si Xel. Medyo madami kasi silang model ngayon dito. Halos magkakamukha rin sila dahil sa pare-pareho sila ng concept ng make up. Huhuhu. Nasaan na kaya si Xel? Nakakapanliit ang mga tao dito.
“Tignan mo kung sino ang nandito.” Napatingin ako sa babaeng nagsalita. “Ikaw `yung babaeng kasama ni Art sa birthday ng mommy ni Rexel, `di ba?”
Pilit na ngumiti ako sa kanya. “Oo,” matipid na sagot ko. Nakita ko na naman `tong babae na `to. Nakakainis.
Tinitigan niya `yung hawak kong box. “Para kanino `yan? Don’t tell me ibibigay mo `yan kay Art?” tanong niya. Umiwas na lang ako nang tingin sa kanya. Kailangan ko ba talagang kausapin `to? “Pag kinakausap ka tumingin ka!” inis na sabi niya sa akin. Hinatak niya sa kamay ko `yung hawak kong box. Binuksan niya ito at tinignan `yung laman. “Seriously? You’re so cheap! Ano ba itong balak mong ibigay kay Art? Basura!” Napanganga ako sa sumunod na ginawa niya. Tinapon niya na lang basta `yung cake na pinaghirapan kong gawin. “Palinis mo `yan sa janitor,” maarteng utos niya at iniwanan na ako.
“`Yung cake ko,” halos mangiyak ngiyak na sabi ko.
“Isay!” Tinignan ko lang si Ecka. “Ano’ng nangyari?”
“Nagsayang na naman ako ng power at effort,” mahinang sabi ko. Pinunasan ko `yung luhang kumawala sa mata ko. “Mauna na ako, pakisabi na lang kay Xel na pasensya na sa gulong ginawa ko.”