Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko at lumabas sa terrace. I missed this. I missed here. ZR village. Mula dito ay kitang-kita ang malaki at malawak na sakop nito. Iilan lang naman ang mga nakatira dito. Mostly, ay ang mga kaibigan nila mom at dad. No, hindi mostly dahil sila lang naman talaga. Pagtingin ko sa baba ay nakita ko si Andrea na hinihimas ang tyan nya habang nakangiting nakaharap sa mga bulaklak. Nahiligan nyang tumambay sa garden ni mommy. Pumasok ako sa kwarto at naglakad pababa. Wala namang masama kung pupuntahan ko sya. "Hey" tawag pansin ko sa kanya. Mabilis naman itong lumingon at nanlaki ang mga matang nakatingin sa akin. "Ha-hi, napadalaw ka. Nasa kusina ang mommy mo nag bi-bake." medyo nahihiya nyang sabi. Bakit nga kaya hindi ko gaanong winelcome ang pagpaso

