Di naman sobrang iksi ng pilik mata ko mahaba naman din pero mas maganda talaga ang kay Diego. Mas pumuti din sya at halata sa shoulder nya ang pag mature ng katawan nya. His body now is way too far from the Diego I was with 7 years ago. "How are you?" di parin nawawala ang ngiti sa mga labi nya. "I'm good, how are you?" "Good, it's been a while" "Yeah" "Amy, I've been attempting to contact you the whole past days pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob" Hanggang ngayon Amy parin ang tawag nya sa akin. High school palang kami nung huling may tumawag sa akin ng Amy at sya yun pero nung naghiwalay kami parang nawala din na parang hangin ang salitang Amy sa pandinig ko. After 7 years ngayon lang sya nagkaroon ng lakas ng loob na kontakin ako, sabagay, ako rin naman never di

