---"Hindi naging madali sa akin na patawarin nya dahil nasaktan ko sya ng sobra pero di ako sumuko. Lumuhod pa nga ako eh, pinahiya ko ang sarili ko sa loob ng Mall ng mga propose ako sa kanya kahit na alam ko na ang sagot. He turn his back. Iniwan nya ako sa gitna ng dagat ng tao ng walang kahit among sinabi----" ----"Wala sa sarili akong naglalakad palabas nun kaya hindi ko namalayan ang malakas na takbo ng sasakyan na kakalabas lang ng parking lot at nahapid ako nun. Paggising ko ay nasa hospital bed na ako at nakita ko syang nakapalumbaba sa kama ko, hawak ang kamay ko. Kung alam ko lang na kailangan ko pa palang masagasaan sana matagal ko nang ginawa. Pinahiya ko pa ang sarili ko sa gitna ng mall, naimagine mo ba? " natatawa nyang sabi kaya napangiti ako. She's a strong woman, she

