*Zandria’s Pov* — Maaga akong nagising, pero wala na sa tabi ko si Uncle Mariano. Agad akong nagtungo sa banyo para maligo, alas-otso kasi yung usapan namin ng aking mga ka-grupo. Mag-aayos pa ako dito sa kwarto ko, maglalagay ako ng mesa para doon kaming lahat. Nang matapos na akong maligo at magpalit, lumabas na ako ng kwarto para kunin sa bodega yung lamesa at ibang upuan. Pagbaba ko ng hagdan ay nakarinig ako ng tawanan mula sa kusina, si papa iyon nag aasaran na naman ata sila ni Uncle Mariano. Pagpasok ko sa kusina ay madilim ang mukha ni Uncle Mariano habang si papa halos sumakit na yung tiyan kakatawa. Oh ano meron? “Papa, kailangan ko po yung mesa at ibang upuan sa bodega at ilagay sa kwarto. Doon kami mamaya ng mga ka-grupo ko.” Pareho silang napatingin sa akin, agad nama

