*Zandria’s Pov* — Maaga akong nagising dahil ngayon kami magkikita ng mga ka-grupo ko. Pagkatapos ay pupunta akong restaurant para pabanguhin ang schedule ko. Dahil naghihinala na sila sa akin, lalo na si papa baka mapagalitan niya ako ng wala sa oras. At mukhang mahihirapan ako lalo, siguradong lalong maghihigpit si Uncle Mariano sa akin. Pababa ako sa hagdan nang makita ko si papa, nababasa ito ng newspaper habang may kapeng barako sa gilid ng mesa. “Good morning papa, hindi po kayong pupunta sa karinderya?” Tanong ko bago umupo umupo sa tabi niya. “Mamaya pa ako pupunta, kompleto naman sila doon. Mag-breakfast ka na, nasa kusina pa si Mariano nagluluto. Aalis din ata yan mamaya dahil inaasikaso niya yung ipapatayong apartment.” Sabi niya sa akin bago humigop ng kape, ngumiti nama

