`` Maagang bumangon sina Mariano at Zandria, at ibinigay niya sa dalaga ang isusuot nito mamaya. "Baby, ito na ang isusuot mo mamaya, hah. Tutulungan ko lang si Bernard na magluto ng makakain para sa mga bisita mamaya." Binigay niya kay Zandria ang paper bag, agad niyang tiningnan ang laman. Puting dress, pilak na sandals. Napatingin siya kay Mariano, nakangiti lamang ito sa kanya. “Baby invite mo raw sila Rhodes, sabi ni Bernard,” patuloy ni Mariano bago lumabas ng kwarto. Pumili si Zandria ng hanger at inayos ang damit na isusuot niya para mamaya. Nang maayos na niya ay lumabas na rin siya ng kwarto. Patakbo na bumaba sa hagdan si Zandria, sumilip mo na siya sa kusina nandoon ang kanyang ama si Mariano at Attorney. “Pupunta na po ako kila Rhodes.” Paalam niya tumango naman sina Ma

