``` Masayang naliligo sa swimming pool ang magkakaibigan, napuno ng tawanan at asaran ang swimming pool kung saan sila naliligo Hinila niya si Zandria palapit sa kanya at kiniss sa pisngi. Tumawa naman ang dalaga bago lumangoy palapit kay Jada. “Nakikita mo ba yung nakikita ko?” Tanong ni Zandria habang nakatingin kay Rhodes, may kausap itong babaeng seksi. “Malamang hindi naman ako bulag eh, kanina pa yan naiirita na kaya me rito!” Mataray niyang sagot habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa babaeng kausap ni Rhodes. Kung nakakamatay lang ang titig ay kanina pa nakahandusay sa sahig yung babae. “Dapat kasi umamin ka na sa nararamdaman mo.” Seryosong sabi ni Zandria sa kaibigan. “Tamo mukhang maharot yung babae, may papalo-palo pa sa braso close sila?” Dagdag na niyang tanon

