``` Dahil sa pagod ay nakaramdam na ng antok ang dalaga, nagsasaya pa rin sila Mariano at mga kaibigan nito. Hinayaan na lang niya dahil ilang buwan din silang hindi nagkita-kita. Nag-half bath na siya at nakapan-tulog na rin, binagsak niya ang kanyang katawan sa kama. Nahihilo na rin siya dahil uminom sila ni Jada kanina, dalawang beer lang naman pero tinamaan pa rin. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata, unti-unti ng nilalaman ng antok si Zandria. Habang sina Mariano ay maingay na dahil nakakarami na rin sila ng nainom. Simula kanina at ngayon nakapitong alfonso na sila at nag-beer. Kinokontrol pa rin niya dahil baka naghihintay na sa kanya si Zandria. "Saan niyo balak mag-honeymoon ni misis?" Tanong ni Yamir sa kaibigan. "Secret ko na yun, baka mamaya may sumunod na Bernard maudl

