Nalalipas na ang mga araw simula ng pangyayaring iyon . Ngayon na rin ang presentasyon ng kantata namin .Kinakabahan ako dahil ito ang kauna unahan kong sinalihan na activity dito sa school namin .
Natapos na kaming magtanghal . Pati na rin ang ibang kalahok Ngunit hindi ako mapakali dahil sa nakita ko kanina habang kami ay nagtatanghal .
Nakita ko na naman ang lalaki . Guni guni ko lang ba 'yon? Pero hindi eh . Nakailang kurap na ako kanina pero nandun parin sya at tila may binibigkas .
"Uy mae una na kami." Bumalik ako sa wisyo ko nang hawakan ni Jane ang balikat ko .
"A-ah sige bye ." Paalam ko sa kanila .
Kailangan ko ng mag madali . Papadilim na ayaw ko ng mangyari 'yong nakaraan maski na iyon ay hindi man totoo o totoo man .
Naglalakad na naman ako dito sa may sukalan . Parang may sumusunod sa akin. Minsan nga ay napapatigil ako at napapalingon kung mayroon nga bang ? Pero wala akong nakikita . Siguro'y guni guni ko lamang iyon ngunit bakit parang napapadalas naman yata .
Nagsimula na uli akong mag lakad .
" Prinsesa ko ," Napatigil ako at nanigas sa narinig kong boses ng lalaki na tila bumulong sa akin .
Napalunok ako ng ilang beses bago ako muling humakbang . Ngunit hindi na ito naging kagaya ng dati sapagkat ang bawat paghakbang ko ngayon ay mabibigat at para bang may pumipigil sa akin na umalis .
" Don't leave me , Princess ."Kinilabutan na ako sa mga nangyayari . Sa palagay ko ay hindi ko na ito guni guni. At sa Palagay ko ay iba na ang naging deriksyon ng pinupuntahan ko .
Ano bang nangyayari ?
Nabigla na lang ako nang makita kong nasa harap na ako ng isang napakalaking mansyon .
"You're here , my princess." Nakangiting wika ng lalaki .
Siya!
Siya ang lalaki na nakita ko sa kwarti ko at nung nagtatanghal kami .
Halos maubusan ako ng dugo sa mukha ng bigla siyang maglabas ng pangil habang nakangiti .
"Ah!" Bigla kong naramdaman ang hapdi sa aking leeg . Ng hina ang mga bente ko kaya nawalan ako ng balanse . Buti na lamang at nahawakan niya agad ang bewang ko .
Ito na ba ang katapusan ko
Nagising ako sa ingay na ng gagaling sa salas .
"Nay , Ba't ang ingay? " Malumanay kong tanong habang dahan dahan kong minumulat ang aking mga mata .
Lumabas ako sa ingay para tignan kung bakit nga ba sila nag iingay .
Namilog ang mga mata ko sa aking nasisilayan sa mga oras na ito .
Nandito s'ya !
Nandito nanaman s'ya !!
Nandito s'ya at masayang nakikipag usapa sa mga magulang ko .
"Prinsesa ko ," Nagitla ako ng makitang nasa harap ko na siya ngayon. Binigyan niya ako ng isang halik sa noo , Na mas ikinagulat ko .
"Eherm." Bumalik ako sa aking uliray ng marinig ang tikhim ni tatay . Napaatras ako ng kaunti pata makalayo sa lalaki .
" Nay? Tay? Sino siya ? " Tanong ko na kunware ay hindi ko pa ito nakikita .
" Anak Patawarin mo na iyang si Ram .Mukha namang nagsisisi siya . Tsaka kawawa naman ang mga anak ninyo ." Nawindang ako sa mga pinagsasabi ni nanay .
Binigyan ko sila ng may pagtatanong na tingin .
mga anak?
Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Tila ayaw pumasok ng kahit anong impormasyon sa utak ko . Lubha na akong naguguluhan .
" Mommi , Daddi !!"Sigaw ng dalawang maliit na bata . Niyakap nila ang bente ko .
"Mommi , Carry me please ,"Sabi ng batang babae . Hawig niya ang mga mata ko at labi .
Wala sa sarili kong binuhat ang bata .
"Yey!"Tuwang tuwa nitong utas ng mabuhat ko na siya .
Parang may humaplos sa puso ko ng makita ko ang bawat ngiti ng batang babae .
Binaling ko ang tingin ko kina nanay at tatay . " Nay ,Tay ano ba ito ? Hindi ko maintindihan ?" Naguguluhan kong tanobg . Ngunit hindi nila ako sinagot .
"Let's go home, prinsesa ko." Parang may humukay sa tiyan ko ng bumulong siya sa akin.
Pinadausdos niya ang kamay niya sa bewang ko . Sinubukan ko itong tanggalin ngunit mas hinihigpitan pa niya lalo ang paghawak niya sa akin .
Tinignan ko sila nanay . Nakangiti lamang ang mga ito habang kami ay papaalis ng bahay .
Pumikit ako ng mariin .Sana magising na ako kung isa man itong panaginip .