Gabi na ng matapos ang aming pag-iinsayo para sa aming gaganaping activity sa susunod na linggo.Nakatayo ang bahay namin sa may pagkaliblib na lugar.Kailangan pang dumaan sa sukalan .Sa kasamaang palad wala akong kasabay. Naalala ko tuloy ang bilin ng inay na h'wag daw akong papadilim at delikado lalong lalo na doon sa may sukalan .Kaya minabuti ko ng magmadali upang huwag pa lalo ako abutan ng paglalim ng gabi.
Binilisan ko at nilakihan ko ang bawat paghakbang ko ng nasa sukalan na ako .Nais kong makalampas agad sa lugar na iyon .
"Pst." Napahinto ako sa paghakbang .Mistulan akong naging estatwa ng ilang segundo .Lumingon ako sa likod ko upang alamin kung sino iyon. Iniikot ko ang aking mga mata sa buong paligid .Ngunit wala akong nakita .Walang ibang tao dito? Maliban sa akin? Nagsimula uli akong humakbang ngayon ay mas binilisan ko pa ang paghakbang at mas nilakihan ko pa .Pero tila hindi ako makaalis sa aking kinatatayuan .
"Dito ka lang ,Prinsesa ko." Mahina .Ngunit malinaw ang pagkakabigkas ng isang napakalalim na boses . Malamig ang gabing iyon pero pinagpapawisan ako ng malagkit.Hindi ako huminto sa paglalakad.
Napahiyaw ako ng may naramdaman akong huminga sa batok ko. "Inay ko!" Takot akong nanakbo ng kaybilis .
Nagsign of the cross ako habang tumatakbo at mataimtim na nanalangin.
"Hmm." isang himig ang muli kong narinig .
Napapikit ako at tumakbo ng matulin .Walang tigil akong nagdasal .
"Oh anak anong nangyari sa'yo? ba't ngayon ka lang?"napatigil ako sa pagtakbo at napamulat ng marinig ko ang sunod-sunod na tanong ni Inay.
"Inay !"napayakap agad ako inay ng makita ko ito .
Sa wakas nakaalis na din ako sa lugar na iyon!
"anak anong nangyari?" tanong muli ni Inay sa akin .Ngunit tila wala ako sa sarili .Damang dama o parin ang takot .
"Halika anak doon tayo sa loob."Inalalayan ako ni Inay sa pagpasok . Dahil parang lantang gulay ako ngayon na isang hakbang lamang ay matutumba na .
sinalubong kami ni Itay ng Pagkapasok pasok namin sa loob .
"Anong nangyari d'yan?" Nagtatakang tanong ni Itay ng makita akong inaalalayan ni inay .
"Hindi ko din alam . Kanina'y nakita kong tumatakbo ng nakapikit."Pagkukuwento ni Inay kay Itay .
Pinaupo nila ako sa upuan .
"anong nangyari anak?" simulang tanong ni Itay.
"W-wala po." Pagsisinungaling ko . Ayaw ko sa kanilang ikuwento kasi baka mamaya guni-guni ko lamang iyon . Tsaka baka gawa lamang iyon ng takot ko ay kung ano ano na ang mga nabubuong imahinasyon sa utak ko . Ayaw ko silang mag-alala . "Okay lamang po ako." Dagdag ko.
"Sigurado ka ?" Tanong naman ni Nanay . Tumango lamang ako." Siguro Po'y pagod lamang ako . Sige po, Punta na po ako sa kwarto ko." Pagpapaalam ko .
Pinilit kong tumayo kahit nahihirapan ako , Nanginginig ang tuhod ko sa takot. Upang makapunta sa silid ko.
Nang makarating ako sa silid ko .Inayos ko ang mga gamit ko .
"Ang init." Pinaypayan ko ang sarili ko . Binuksan ko ang binta ko upang may pumasok na hangin.
"Ah, ginhawa." Nilasap ko ang sariwang hanging galing sa labas .
Nahiga ako sa kama ko ay isinaksak ko sa taenga ko ang earphone ko .Pinatugtog ko ang paborito kong kanta . Sinasabayan ko pa ito .
Napahinto ako sa pag kanta ng parang naging iba ang ihip ng hangin .
Napakibit balikat nalang ako at itinuloy ko muli ang pag-awit. Ilang sandali lamang ay napagpasyahan ko ng matulog. Ngunit bago pa man ako makapikit may nahagip ang gilid ng mga mata ko . Isang imahe ng isang lalaki ang nakatayo sa gilid ng aking bintana . Kinilabutan ako ng bahagya . Pinikit ko ng mariin ang mata ko at muli akong nagmulat.
Pinagsisihan ko na nagmulat muli ako .Pakiramdam ko ay naubusan ako ng dugo sa aking katawan sa nakita ko . Isang maputlang lalaki na may mapulang labi ,napakatangos ng ilong at walang emosyong mga mata. Tila animo'y isang adonis .
"Ahkk!" Hinawakan nito ang leeg ako . Hindi ako makagalaw kahit gusto kong gumalaw tila na estatwa ako .
nagulat ako ng inilapit nito ang bibig niya sa taenga ko ." Found ya ."Nakiliti ako sa pagbulong niya ngunit may kilabot akong naramdaman sa sinabi niya .
Found ya ? anong ibig nitong sabihin?
Nais kong sumigaw ngunit ayaw bumukas ng aking mga labi.Ngumiti ito bago pa ako makapikit muli at mataimtim na nagdasal .
Muli akong nagmulat . Napahawak ako sa dibdib ko .Hingal na hingal ako na tila ba tumakbo ako ng kay layo. Wala na s'ya iba na rin ang ihip ng hangin bumalik na sa dati .
Panaginip ko ba iyon ?
©®iKnoW_L