Isang bahay na punong-puno ng dekorasyon ang naabutan ni Ze nang dumating siya mula sa tindahan. Agad niyang hinanap si Dwien at natagpuan niya ito sa kusina na abala sa pag-aasikaso ng pagkain. Nagkagulatan pa silang dalawa nang magkaharap sila. "Mukhang abala ka yata, Kisses. Kaya ba walang update ay dahil wala ka ng oras?" tanong ni Ze kay Dwien. "Anong sinabi mo?" nagtataka na tanong ni Dwien. "Huwag ka ng mag-maang-maangan pa! Bakit mo ako niloko? Bakit ka naglihim? Bakit mo ako pinaikot-ikot?" "Ze, ano bang sinasabi mo?" Lalong uminit ang ulo ni Ze nang paulit-ulit lang sila ni Dwien na nagtatanungan sa isa't isa. Ang nadampot niyang garapon ay naibato niya sa binata. Mabilis naman na nakailag ito. Natataranta si Dwien sa nakikita at naririnig niya. Hinala niya ay alam na n

