CHAPTER 29

1601 Words

Isang mabining kaway ang ibinigay ni Ze kay Dwien nang maghiwalay sila sa niyugan. Inihatid ng binata ang kasintahan niya ngunit hanggang doon lamang. Hindi pa rin kasi payag si Ze na ihatid siya ng nobyo sa bahay nila dahil sa takot niya sa kan'yang mga nanang. Kahit payag na ang mga ito na makipag-usap siya sa kababata pero iniiwasan pa rin niyang makita ito ng kan'yang mga nanang. Pagdating sa bahay, ang Nanang Clara lamang niya ang nadatnan ni Ze. Hinanap nito sa kan'ya ang Nanang Joan n'ya ngunit hindi ni Ze masabi kung nasaan ito sapagkat hindi naman sila nagkita. "Zeikera, saan ka ba naglaba?" tanong ng Nanang Joan niya nang dumating ito. "Doon po sa ilog sa may tapat nina Dwien. Ayaw ko po kasi ng istorbo habang naglalaba ako. Umiiwas din po ako sa mga chismis na wala namang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD