CHAPTER 11

1750 Words
Nahihilo si Ze dahil sa paraan ng paghalik ni Dwien sa kan'ya. Hindi n'ya makilala ang lalaki. Malayong-malayo ito sa beki niyang kababata. Kakaiba rin ang init ng mga palad nito na tumutupok sa natitira n'yang katinuan. Tinapik n'ya ang braso ni Dwien. Hindi kasi siya makahinga dahil sa tindi ng pagkakaselyo nito sa mga labi n'ya. Ang puso n'yang parang tinatambol dahil sa pananabik ay tila gusto nang lumabas sa kaniyang dibdib. Naramdaman ni Ze ang palad ni Dwien sa kan'yang tayong-tayo ng dibdib. Hindi n'ya napigilan ang mapaungol ng malakas. Pakiramdam niya ay mayroong mga paru-paro sa kan'yang tiyan. Noon n'ya lang din naranasan ang matinding paglawa ng kan'yang pagkababa*. Binuhat siya ni Dwien at iniupo sa papag na kawayan. Ang mga kamay nito ay patuloy na ginagalugad ang buo niyang katawan. Napapaliyad siya sa sobrang sarap at hindi n'ya napigilan na sambitin ang pangalan ni Dwien nang paulit-ulit. Ang mga kamay ni Ze ay nanginginig pero gumagapang sa dibdib ng binata pababa sa puson nito. Halos hindi n'ya na alam ang tamang iisipin o gagawin. Basta ang batid niya ay nais makarating ang mga kamay niya sa gusto nitong hawakan, ang nasa pagitan ng mga hita ng kan'yang kababata. Dama rin n'ya ang marahang paghaplos na mga palad ni Dwien sa ibabaw ng kan'yang hiyas. Kahit natatakpan pa iyon ang kan'yang suot na short ay halos mawalan ng lakas ang kan'yang tuhod dahil sa ginawa nito. Nababaliw siya sa kakaibang pakiramdam na noon n'ya lang naranasan. Ang reaksyon ng katawan niya sa sensasyon na dulot ng ginagawa ni Dwien ay hindi n'ya inasahan. Ang buong akala kasi niya ay wala nang sasarap pa sa nararamdaman niya sa tuwing nagbabasa siya ng libro ni Kisses. "Ze, sorry," mahinang sambit ni Dwien. Dahil sa narinig ay malakas na naitulak ni Ze ang kan'yang kababata. Iiling-iling siya habang inaayos ang sarili. "Hindi tama ito. Bakit ba tayo nakarating sa ganito? Ahhh! Bakit ako nawala sa aking sarili? Ang gusto ko lang naman ay mahalikan mo pero bakit sumobra ako sa limitasyon?" naitanong ni Ze sa kaharap. "Sorry. Hindi ko rin sinasadya. Subalit hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko. Matagal ko na kasing gustong gawin ito. Sorry kung nabigla kita." Nanatiling nakayuko si Dwien habang nagsasalita. Kapwa nawalan ng kibo ang magkaibigan. Ilang saglit pa ay lumabas si Dwien ng cottage at naiwan si Ze habang malalim ang kaniyang iniisip. Hindi niya akalain na magiging gano'n ang reaksyon niya sa mga halik ng kan'yang kababata. Habang nakahiga ay panay ang isip ni Ze sa kan'yang ginawa. Nag-aalala rin siya para kay Dwien lalo na at hindi niya alam kung saan ito pumunta pagkatapos lumabas ng cottage nila. Gusto niyang hanapin ang kababata ngunit natatakot siyang umalis ng cottage dahil takot siya sa dilim. Iniisip niya kasi na baka may mga aswang sa paligid na maaring pumatay sa kaniya. Simula bata pa kasi siya ay takot na siya sa aswang kaya napako siya sa loob ng cottage. "Paano kapag si Dwien ang patayin ng aswang?" tanong ng isip n'ya? Dahil sa pag-aalala ay pinilit ni Ze na labanan ang takot na nararamdaman niya. Dahan-dahan siyang bumangon, lumabas at tiningnan sa paligid kung nasaan ang kan'yang kababata. Nakatago na ang buwan kaya wala na siyang maaninag pa. Tanging ang munting ilaw na mula sa cottages ang nagbibigay sa kan'ya ng liwanag. "Ay! Nalaglag ang garapon!" Malakas na sigaw ni Ze nang matalisod siya. "Saan ka pupunta? tanong ni Dwien. "Hahanapin kita. Nag-aalala kasi ako sa 'yo, bakla." Hinampas ni Ze ang balikat ni Dwien. "Pumasok na nga tayo. Inaantok na ako. Baka may aswang din dito, dagitin pa tayo." Mahinang tumawa si Dwien dahil sa tinuran ni Ze. Inalalayan ito ang kababata hanggang sa makapasok na sila ulit ng cottage. Sa loob ay nahiga ang dalawa ng magkalayo sa isa't isa. Nagbanta kaagad si Ze na masasaktan sa kan'ya si Dwien kapag nilapitan siya nito. Hanggang sa halos isang oras na ang lumipas na kapwa sila tahimik. "Ze, tulog ka na ba?" tanong ni Dwien sa kababata niya. Narinig iyon ni Ze ngunit hindi siya sumagot. Nagkunwari siyang tulog para manahimik na rin ang lalaki na nasa dulo ng higaan "Good night, Ze. Mahal kita," mahinang sabi ni Dwien sa babaeng akala niya ay tulong na. "Woahh!" sigaw ng isip ni Ze. "Kisses, mahal n'ya raw ako," sabi pa ng utak ng dalaga. Hindi niya alam kung bakit labis ang saya na kan'yang nararamdaman. Nawala ang kan'yang antok at gusto n'yang pupugin ng halik ang kababata n'ya ngunit nanahimik lang siya. Buong magdamag na hindi nakatulog si Ze. Ang bilis kasi ng t***k ng kan'yang puso kaya hindi siya dinalaw na ng antok. Abala rin ang kan'yang utak sa pagproseso ng bagay na kaniyang narinig. Maliwanag na nang ipikit niya ang kan'yang mga mata. Samantala, sa labas ng cottage ay naghihiyawan ang lahat. Ang ingay na iyon ang dahilan para magising kaagad si Dwien. Pupungas-pungas na bumangon siya at hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Ngunit nang makita niya sina Simon at Stephanie ay parang ayaw na niyang lumabas ng cottage. Nanghihina na napaupo na lamang siya sa may pintuan kung saan tanaw niya ang mga miyembro ng kanilang samahan habang nagkakasiyahan ang mga ito dahil sa mga dalang pagkain ni Simon. "Dwien, halika na!" sigaw ni Luz. "Gisingin mo na si Ze at sabay-sabay na tayong mag-almusal." Kahit malayo ay nakita ni Dwien ang biglang pagbabago ng itsura ng mukha ni Simon. Hindi man ito nagsalita ay kita naman sa mukha nito ang matinding galit. Gustohin man na iwasan ni Dwien ang mga bagong dating ay hindi niya magawa. Parang hari na lumakad si Simon palapit kay Dwien. "Baka may ginawa kang masama kay Ze, pare," mariin na sabi ni Simon. Tiningnan lang ni Dwien ang dati niyang kaklase. Ngunit dahil likas kay Simon ang pagiging mayabang kaya arogante itong pumasok sa loob ng cottage. "Bakit ka natutulog kasama si Ze?" Galit na tanong ni Stephanie. Nakalapit na ito sa kan'ya nang hindi niya namalayan. Tumaas ang kilay ni Dwien. Kahit kasi bakas ang inis sa mukha ni Stephanie ay wala siyang pakialam. Subalit mabilis itong umupo sa tabi niya at inihilig ang ulo sa balikat niya. "Bakit naman hindi mo ako ininvite sa swimming na ito?" Himig nagtatampo na tanong ni Stephanie. Napayuko si Dwien at pilit na pinakakalma ang sarili n'ya. Hindi siya natutuwa sa nakikita niyang panghihimasok nina Simon at Stephanie sa kanila ni Ze. Masyadong halata ang mga kilos ng mga ito. "Excuse me. Kami ni Ze ang gumagamit ng cottage na ito. Baka pwedeng lumabas na muna kayo?" Kinokontrol ni Dwien ang sarili n'ya na maging bastos sa dalawang bagong dating. "Oh, okay. Pero kapag nalaman ng mga nanang ni Ze na magkasama kayo ngayon ng pamangkin nila sa iisang silid, tiyak na hindi magugustuhan ito ng mga iyon." May halong pagbabanta sa boses ni Simon. Dahil sa ingay kaya nagising ang katutulog pa lang na si Ze. Ang saya sa puso niya ay biglang napalitan ng pagka-disgusto nang makita niya sina Simon at Stephanie. Lalo na ng halos kulang na lang ay yakapin ni Stephanie si Dwien na noon ay bakas na rin ang inis sa gwapong mukha nito. "Mayor, magandang mag-double date dito," malakas na sabi ni Stephanie. "Yes, you are correct, Stephanie. The location is very romantic , and you know… a lover's paradise. Let's make some memories here," sagot ni Simon. Namilog ang mga mata ni Ze. Inis na tumayo siya sa papag na hinigaan n'ya. Kung hindi lang mayor ng lugar nila si Simon ay baka sinupalpal n'ya na pero dahil may posisyon ito kaya nagtitimpi siya. "Ze, magkatabi ba kayong natulog ni Dwien ko?" tanong ni Stephanie sa maarteng tinig. Gustong-gusto ni Ze na inggitin si Stephanie at sabihin dito na hindi n'ya lang nakatabi ang kababata nila dahil nahalikan at nahaplos n'ya pa ito, ngunit hindi na siya nagsalita pa. Tiyak niya kasing isusumbong siya nito sa mga nanang niya. "Sa palagay mo ba tatabi sa akin matulog si Ze?" tuwid na tanong ni Dwien kay Stephanie. Bahagya rin nitong sinulyapan si Ze. Humaba ang nguso ni Stephanie at maarteng hinaplos ang braso ni Dwien. "Yuck! Nakakakilabot ka," sabi ni Dwien. Maarteng tinabig nito ang kamay ni Stephanie. Nagpapapadyak naman dahil sa pagkaphiya ang babaeng patay na patay kay Dwien. Si Ze na nanonood lang sa dalawa ay bahagyang napangiti. Lumambot kasi bigla ang kilos ni Dwien. Malayong-malayo sa ikinilos nito kagabi kung saan ay kita n'ya ang pagiging lalaking-lalaki nito habang mainit silang naghahalikan. "Mukhang masaya yata ang gising mo," untag ni Simon kay Ze. Tumaas lang ang kilay ni Ze at saka inayos ang sarili. Walang masamang enerhiya ang kayang burahin ang sayang nararamdaman n'ya lalo at naalala n'ya ang sinabi ni Dwien sa kan'ya na mahal siya nito. Nang matapos ayusin ang sarili ay lumabas ng cottage si Ze. Walang pakialam na iniwan n'ya sina Simon, Dwien at Stephanie. Pagkatapos pa ng tanghalian sila uuwi kaya magpapakasaya siyang mag-isa. Bahala na kung magmukhang tanga si Simon tutal galit pa siya rito dahil sa mga ginagawa nito kay Dwien. "Ze, kausapin mo naman si mayor. Mukha kasi siyang tanga," sabi ni Luz. "Aba! Kung sino ang nag-invite sa kan'ya, siyang kumausap sa kan'ya," mariin na sagot ni Ze. Wala kasing pupansin kay Simon at nakaupo lang ito sa natumbang puno. "Wala namang nag-invite sa kan'ya. Kusa lang silang dumating dito ni Stephanie," bulong ni Luz. "Pwes, kusa n'ya rin kausapin ng sarili n'ya." Nakangiting sabi ni Ze sabay sulyap kay Dwien na maarteng inalis ang pagkakayakap dito ni Stephanie. "Bagay sina Dwien at Stephanie, no? Sayang lang dahil bakla si Dwien. Ikaw, Ze, hindi mo ba nagugustuhan man lang si Dwien?" tanong ni Luz. Hindi sumagot si Ze at tiningnan lang niya si Luz. Makahulugan ang ngiti sa mga labi n'ya pero hindi iyon nahalata ng kausap n'ya. Dahil sa biglaang presensya nina Simon at Stephanie ay hindi naging masaya ang paliligo sa dagat ng grupo nina Dwien at Stephanie. Nagmistulang kasing tanod ang mayor. Wala rin halos kumakausap sa kan'ya dahil sa estado niya sa buhay. Si Dwien na dating ka-close n'ya ay iniiwasan na siya dahil sa gusot nilang dalawa na sila lang ang nakakaalam. Nang magkaroon ng pagkakataon na magkalapit sina Dwien at Ze ay siniko ng huli sa tagiliran niya ang binata. "Bakit?" pabulong na tanong ni Dwien sa kan'ya. "Mahal kita," sagot ni Ze dahilan para pamulahan ng mukha niya si Dwien.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD