REESE NAPATAAS ang kilay niya nang maabutan si Marshall sa mansion, na prenteng nakaupo sa malaking salas kausap ang kanilang Nanay. Ano kaya masamang hangin ang nagdala kay Marshall pauwi ng Morroco? Napatingin naman sa kaniya ang kanilang Nanay, bahagya lang ito ngumiti at muli kinausap si Marshall. Umiling-iling na lamang siya at dumiretso sa silid niya. Balak pa naman niya tanungin ang Nanay kung paano nito nakilala si Keiko at anong klaseng tulong ang nais nito sa Nanay niya. Pabagsak na nahiga siya sa kama. Hindi pa rin mawala-wala ang inis niya. Wala na dapat siya pakialam pa kay Keiko dahil may sarili na ito buhay bilang asawa ni Mr. Saber. Ngunit may kung anong bagay ang gumugulo sa kaniya na hindi niya mawari. Inis na hinampas niya ang unan at nagmura nang mahina. Mayamaya pa

