Hinampas ko nang malakas ang pagmumukha ko at napasinghap naman sa gulat si Melinda at Mark na kasama ko ngayon sa café. Nag-uusap kami about sa biglaan kong paglipat bilang secretary ni Mr. Giovani, pero wala naman akong maisagot dahil ano naman ang sasabihin ko? Kaya naniwala na lang sila na baka nakita ni Mr. Giovani na maganda ang performance ko kaya agad agad tumaas ang position ko. "Hayop ka, te!" Hinampas naman ako ni Melinda kahit kakahampas ko lang nang mukha ko. "Ang lakas mo rin, ah? Alam mo ba na lahat kami nagulantang dahil sa balitang iyon?" Uminom siya ng Starbucks niya at medyo tumalsik pa ang mga laman nito sa akin dahil nagsasalita siya. "Te, 'wag mo naman ako bigyan ng shower." Natatawa kong sabi sa kan'ya, pero ang gaga ay mas sinabuyan pa ako ng laway niya with cof

