“MY STARS! VERNA! NANDITO KA PARA KAUSAPIN ANG CUSTOMER HINDI PARA MAG YOGA!” malakas na sigaw sa akin ni Winter sabay hampas sa desk nya. Napapikit naman ako at napailing sa aking sarili. Validation na today at last day na ng training. Validation meaning titingnan kung pasado o hindi ako sa training. Pag hindi, uwi ako na may dalang kahihiyan hindi lang sa aking sarili kundi lalo’t higit sa Pilipinas. Nag mock call kami ni Winter at sa pangalwang beses ay wala halos ako naimik kundi “Ahmmm, ahhhmm”, sa kanya. Na bablangko at at nanginging ang puso kop ag nagsisimula na ang practice call namin ng trainer ko. Nanginginig pati kamay ko at sa halip na mouse ay nagiging frog na ang mouse ko sa pagmamadaling i-click ang tools o ang program na ginagamit ko para iassist ang cu

