The best sleep of my life since goodness knows when! Not to mention the best bath since Versalia and the best food since Vasque pantry. Quarter to seven na at tapos na akong kumain, maligo at magbihis. Nakaupo ako ngayon sa gilid ng marangya kong cabinet habang inaayos ko ang aking mga maralitang mga damit at kagamitan. Hindi kaya matetano ung cabinet dahil sa kacheapan ng damit na shinoot ko sa loob nito? Natawa na lang ako ng makita kong wala pa sa one fourth ng cabinet ang na occupy ng aking mga gamit. Well, at least hindi sikip at madaling kuhanin. Meron din palang sariling laundry room ang unit ko at may sariling computer unit pa. Ingat ingat lang ako dahil hindi ko ata kayang bayaran ang mga bagay bagay dito pag nagkanda leche leche pa at sumabog ang m

