Chapter 13

1076 Words
Ngumisi lang ito at sa gulat nya ay bigla sya nitong binitawan ng umikot sya at dere-deretso sya sa buffet table kung saan napasungaba sya sa cake at dumausos sya sa sahig kasama ng ibang pagkain.   Nakinig na lamang niya ang tawanan ng mga tao sa paligid nya. Napatingin sya sa repleksyon nya sa salamin at nanlumo sya sa nakita.   Mukha syang basurahan. Halo-halo ang ulam sa gown nya at ang mukha nya ay puno ng icing ng cake. Pinilit nyang tumayo pero na-out balance sya at bumagsak sya sa estofado, una ang mukha.   Nagkalibumbungan ang mga kaklase nya sa pag-tulong sa kanya sa pagtayo. Ng naramdaman nyang makakalakad na sya ng matuwid ay mabilis syang tumakbo palabas ng dance hall habang hinahabol sya ng malalakas na kantyaw at panlilibak.   Dumeretso sya sa labas ng school building kung saan sobrang lakas ng artificial snow ng compound.   Pero ang naabutan nya doon ay ang kanyang kapatid na si Stellar na nakatitig sa kalangitang puno ng bituwin habang tinatangay ng malakas na hangin at snow ang buhok nito.   “Ate...”   Nagulat sya ng tumawa ito na parang nakakaloko, “Sana ay nabusog ka sa buffet Mystina. Masarap ba?” panginis nitong tanong.   Napuno sya dito at akmang sasampalin nya ito pero naunahan sya nito at isang malakas na sampiga ang nakuha nya, “Masarap bang mapahiya Mystina? Masarap bang pagtawanan at lokohin? Masarap bang maging tanga?” mapanguyam nitong tanong.   Sasampalin nya ulit ito pero muli sya nitong naunahan ng sampiga ulit sa pisngi, “Akala mo siguro sinasakal kita ano? Akala mo ayaw kitang sumaya? Hindi mo man lang naisip na higit sa kalahati ng utak ko ay ikaw ang inaalaala?” pabulong nitong tanong.   Nagulat si Mystina ng makita nya ang mga luha na pumapatak sa mga mata ng kapatid nya, “Hindi mo alam na dati ay gusto na kitang patayin kasi pakiramdam ko mas mahal ka nang sarili kong ama kaysa sa akin! Pero inisip ko na lang na mas kailangan mo ng tulong! Sabi ni daddy alagaan daw kita kasi nagiisa kitang kapatid, nagiisang pinsan. Tapos tatraydurin mo lang ako?!” sigaw nito sa kanya.   “Ate...”   “Nakinig ko lahat ng usapan nyo ni Volkner, Mystina! Sinumbong sa akin ni Ravinder, yung kaibigan ko na kabarkada niya.   Nakatago ako sa likod nyo! Hindi ako nag c.r dahil alam ko na tatawagin ka niya. Pinagplanuhan nilang magkakaklase kung paano ka ipapahiya! Pero mas pinaniwalaan mo siya!” sumbat nito sa kanya.   Tinitigan siya ni Stellar sa mata, “Sa tingin mo ano ang mas masakit? Ang mapahiya sa ibang tao? O ang ipagsawalang-bahala ng mahal mong kapatid ang ginagawa mo para sa kanya?! Sumagot ka Mystina! Kung talagang kaya mo nang mag-isa ng wala ako! SAGOT!” pasigaw na utos nito sa kanya.   Nanlumo siya sa nagawa nyang pagkakamali at napaluhod na lang sya sa nyebe.   Mas pinaniwalaan nya ang taong nanakit sa kanya kaysa sa kapatid nyang walang ibang inisip kung hindi ang ikakabuti nya. Ngayon ay binalikan na sya sa kanyang katangahan at kawalang-utang na loob.   Naramdaman na lamang nya na may yumakap sa kanya ng mahigpit.   “Paano kung ako naman ang mangailangan ng tulong Mystina? Kung ganyan ka kahina, sino ang tutulong sa akin? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay malakas ako at laging nasa tabi mo. Dapat matuto kang gumawa ng sariling desisyon ng tama at wag sarili mo lang ang isipin mo. Kailangan kang magpakatapang para hindi ka na maloko pa.”   Niyapos din niya ito at umiyak sya ng umiyak, “Ate, patawarin mo na ako. Promise. Hindi na ito mauulit. Mula ngayon ako na ang magpo-protekta sa’yo,” hagulhol nya dito.   Naramdaman na lamang ni Mystina na parang may kung anong nahatak sa kanyang gown.   “Gaga! Tela na yan Shivali!”   “Ay sorry Neila! Akala ko ube pa!”   Lumingon silang magkapatid at laking gulat nila ng makita nila sila Neil at Shiva na sarap na sarap sa pamamapak ng pagkaing nakapatong pa hanggang ngayon sa mahaba nyang gown.   “Diyos ko! Estofado ba ito! Bwekenengbetch! Kasarap! Try mo!” sabi nito sabay sinubuan si Shivali ng ulam, “Taray diba?”   “Waging wagi Neila!” sagot naman nito sa girlfriend.   Hinila ni Mystina bigla ang gown nya papalayo sa mga ito at nagtalbugan ang mga ulam sa puting snow.   “Ay syet! Nasayang yung food! Hindi pa naman namin natitikman yung steak! Kaimbyerna ka bruha!” reklamo ni Neil sabay tayo.   “Sumalangit nawa ang mga ulam...” sangat naman ni Shiva sabay tingala sa taas.   Inirapan nya ang mga ito, “Mga patay gutom!”   “Kasalanan mo naman kung bakit kami hindi na nakakain sa ball! Nag walk-out kami ng bonggang bongga! Late entrance, early exit ang eksena namin ni Shivali dahling!” tili ni Neil.   Lumapit si Stellar kay Neil nang nakakunot ang noo nito, “Bakit may dugo sa kamao mo Neil?” takang tanong nito sabay turo sa dugo.   Tumarak ang mata nito at parang naghyperventilate, “Dugesh! DUGESH?! Ohmigosh Shivali tanggalin mo! Galing iyan sa demonyo! May mikrobyo, germs, virus, SEBULOK!” panic na inarte nito.   Dali-dali namang pinampunas ng girlfriend nito ang sariling gown para matanggal ang dugo, “Sinuntok kasi ni Neila si Volkner. Dalawang ngipin ba naman ang tanggal! Kaya mahal na mahal ko itong girlfriend ko!” puri nito dito sabay halik sa labi.   Namula naman ang bakla at umiling, “Nabuhay ang latinong dugesh ng aking ama na nananalaytay sa ilalim ng aking berdeng dugesh. Sinigurado kong sa dreamland ang bagsak ng bwiset na kulugong yon! Hindi pwedeng hindi dadanak ang dugo pag ang mga dreamgirls ko na ang inaalipusta! Luz Valdez sya ngayon! Winnie the Pooh tayo! Pak pak Ganern” masaya nitong hiyaw.   Napaiyak na din si Shivali at sabay-sabay nilang niyapos ang damuhong nagbabakla-baklaan.   “r**e! Takte! Nire-r**e ako ng mga bakla! Gang r**e!” hiyaw nito sa lalaki nitong boses.   “Hay sira ka talaga Neila! Pero paano na yan? Wala na tayong party! Sila lang ang happy!” malungkot na tanong ni Shivali.   Tumayo naman si Neil at umiling-iling at winawag pa ang finger, “No, no, no sisters! Walang uuwing luhaan satin ngayon dahil rarampa tayo sa Versalia City Proper!” deklara nito sabay tawa.   “Tama! Tara na Mystina, doon tayo magpalit sa bahay ni Shivali,” akit sa kanya ng kanyang ate na parang wala syang nagawang malaking pagkakasala dito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD