Napalingon ako sa pinto ng makarinig ng tatlong sunod-sunod na marahang katok. " Senyorita, pinapatawag po kayo ni Senyorito. Manananghalian na po," boses iyon ni Emily. Ibinaba ko ang hawak na suklay at blower. Ipinatong ko ito sa ibabaw ng dresser. Hindi ko alam kung gaano ako katagal namalagi sa loob ng banyo. Paglabas ko ay wala na kahit isang bakas ni Grey sa silid. Nahihiya akong harapin ito pagkatapos ng nangyari kanina. Ngunit ngayon ay mukhang hindi na ako makakaiwas. Kailangan ko ng lumabas ng silid na ito. Baka hinahanap na rin ako ng anak ko. Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinawalan ko bago pinihit ang seradura ng pinto. Ang nakangiting mukha ni Emily ang bumungad sa akin. " Kakain na po Senyorita," nakangiting bigkas niya sa akin. I smiled back before I answer

