Nauna na siyang umakyat ng kanyang silid. Nagkakasiyahan pa ang mga tao sa baba. Nag-iinuman at nagkakantahan pa. Sa pangambang baka makantiyawan na naman ay di niya nilapitan si Grey mula hapon hanggang sa maggabi. Tumanggi din siya na uminom dahil baka malasing na naman siya. Nagpaalam na siya na magpapahinga na. 'Tsaka lang niya naramdaman ang pagod pagpasok ng silid. Ang malapad na kama ay nag-aanyaya na humiga na siya. Binuksan niya ang aircon matapos ay umupo sa gilid ng kama. Mula sa bag ay kumuha siya ng pamalit na pantulog. Nagpasya siyang maligo muna bago matulog. Malawak ang banyo. May bathtub at shower area. Sa kabilang silid ay ang kwarto ng Tita Asther niya kung kaya't meron itong connecting door mula sa banyo patungo sa silid nito. Tinimpla niya ang tubig sa bathtub at h

