Dali-dali siyang napatakbo sa banyo paggising kinabukasan. Halos yakapin na niya ang toilet bowl sa kakaduwal. Siguro nga ay napasobra ang kain niya ng balut ng nagdaang gabi. Bahagyang nahihilo at umiikot din ang kanyang pakiramdam. Nanghihinang napasandal siya sa tiles na dingding. Nang bahagyang nahimasmasan ay tumayo na siya at naghilamos. Nagpupunas na siya ng mukha ng marinig niyang tumunog ang cellphone na nasa ibabaw ng kanyang bedside table. Lumakad siya palapit soon at pinulot ang kanyang cellphone ' I've scheduled a check up for you at 10 am today. Go to Dr. Calleja's clinic. She's also my OB. Text message galing kay Charlene. Kagabi, bago sila maghiwalay ay pinilit siya nito na magpregnancy test. Bumili siya ng tatlong pregnancy kit sa katabing botika ng convenience store na

