" Anong problema mo?" salubong ang kilay na tanong ko. Hindi ito sumagot sa halip ay ipinatong ang isang braso nito sa kanyang mata. " Ano ba Grey?" angil ko sabay hila ng braso nito. Bumangon ako at umupo sa ibabaw niya. Now I'm in a straddling position on top of him. " Nothing,"maikling sagot nito. "Tss...Wala daw eh! Halata ka po mister. Sabihin mo na kasi!" pangungulit ko pa. Nagtaas ito ng likod at sumandal sa headboard ng kama habang ako ay nananatiling nasa ibabaw niya. " I'm jealous!" masungit na sagot nito. Ano raw? Jealous? Saan? Kanino? " Nagseselos ka? Kanino?" kunot noong tanong ko. " Kay Zaldy! You two are very sweet while dancing and hugging each other earlier. I don't like it!" para itong batang nagtatantrums at nakahalukipkip pa habang nagsasalita. Napamaang ako

