"Pero, ayoko po! Hindi ko po kaya ang pinapagawa nyo." Napatayo ako sa kinatatayuan at malakas ang boses na sinagot ko ito. "Hoy! Para sabihin ko sa'yo wala kang karapatan tumanggi! Dahil sa'yo kaya nagkasakit ang nanay ko.Wala kang utang na loob! Pagkatapos ka niyang alagaan, palamunin at pag-aralin ay hindi mo man lang magawang suklian lahat ng sakripisyo niya para sa'yo! Akala ko ba mahal mo ang lola mo?" nakapameywang itong nakatayo sa harap ko. "Mahal ko po ang lola. Iisip ako ng ibang paraan para makalikom ng kailangan na halaga para sa operasyon niya," sagot ko. "Paano? Paano ka makakaipon ng isang milyon sa pagiging waitress mo? Kahit magtrabaho ka ng bente kwatro oras di ka makakaipon ng ganyang halaga. Kahit pa nga ikutin mo ang buong Cebu para kumanta sa mga bars at club dito

