" No! Ayoko! Baby please...iba na lang," mariing tutol ni Grey. " Pumayag ka na! Sandali lang naman eh," pangungulit ko. Pero hindi natinag si Grey. Natatawang tinapik ko ito sa braso. " Ang killjoy mo! Make up lang naman! Pwede mo naman burahin pagkatapos," Halos tatlong linggo na rin kaming nananatili dito sa resthouse. Lumilipas ang mga araw na kami lamang dalawa ni Grey ang magkasama. Kung hindi nakayakap ay lagi itong nakabuntot sa akin. Lagi rin itong nagpapaalala na inumin ko ang mga vitamins ko. At bago matulog sa gabi ay ipinagtitimpla niya pa ako ng gatas. His been extra sweet and caring like any good husband will do. Husband. Tss! Para na kaming nagbabahay-bahayan. Ayoko namang tanungin siya kung ano nga ba ang estado ng relasyon naming dalawa. Mahal ko siya at mahal niya r

