Blag! ‘Di sinasadyang napalakas ang pagsara ko ng pinto pagdating sa bahay. Napasandal ako sa likod ng nito. Sinapo ang dibdib ko at mariin na napapikit. Shocks! Nakakahiya! Muntik na akong madapa at sa dibdib pa ng isang estranghero ako bumagsak. Hay buhay! ‘Di maalis sa isip ko ang mga mata niyang kulay abo. At ang labi niyang tila nag-aanyaya ng halik. Napadilat ako at napahawak sa kanang bahagi ng pisngi ko na hinawakan nito kanina. May kakaibang init ang dulot ng palad nito habang nakasapo iyon sa akin. Ewan ko ba pero bigla akong kinilig. Hay! Iiling-iling na bulong ko sa sarili. Agad akong nagtungo sa kusina. Mahuhuli ako lalo nito sa klase.
"Nay alis na po kami, Arjan!Arwan! Tara na! Anong petsa na!" Sabay mano kay nanay na kararating pa lang mula sa pamamalengke.
"Pababa na po!" Ganting sigaw ng kambal.
"Bye 'nay! Love you 'nay!" Paalam ng kambal sabay halik sa pisngi ni nanay.
"Mag-iingat kayo at pagbutihin ang pag-aaral." Bilin ni nanay.
"Opo". Sabay-sabay naming sagot na tatlo. Nag-uunahan kaming sumakay sa nag-aabang na traysikel ni tatay. Araw-araw ganito kami ng pamilya ko. Aalis ng madaling araw sila nanay at tatay. Habang kami ng mga kapatid ko ay naggagayak para pumasok sa eskwela. At pagbalik nila nanay ay ‘tsaka naman kami ihahatid ni tatay. Kung ako graduating, ang kambal naman ay nasa second year high school na. Biyernes ngayon at huling araw ng aming final exam kaya mamaya ay matutulungan ko si nanay sa pagtitinda. Hanggang alas dose lang ang klase ko at malamang pauwiin kami nito ng maaga dahil nga exam lang.
"Good morning Asther!” Masigla at matamis ang ngiting bati sa akin ni Zaldy. Mukhang inaabangan na talaga ako nito dahil sa malayo pa lang ay kitang-kita ko na kung paano nagliwanag ang mukha nito ng masilayan ako. Since first year kaklase na niya ito at madalas nakakasama sa mga group projects at school activities. Bestfriend ang turing niya dito kahit pa batid niya na higit pa dun ang gusto nito. Nginitian ko ito. "Maganda 'ata gising mo ngayon ah! Parang confident na confident na makakasagot sa exam." Pang-aasar ko dito.
"Syempre ikaw ba naman makikita ko sa umaga eh talagang gaganahan ako." Ganting biro nito.
"Sira!” sabay irap na sagot ko. "Pero seryoso ako Ash. Ilang linggo na lang at graduation na natin pero hanggang ngayon di mo pa rin ako sinasagot." Natigilan ako sa sinabi nito. Napabuntong-hininga at malalim na napaisip. Mabait si Zaldy,matalino at gwapo. Isa nga ito sa mga itinuturing na heartthrob sa kanilang paaralan. Bukod pa dun galing din ito sa may kayang pamilya. 'Di rin iilang beses na nakaranas siya ng pambubully mula sa mga tagahanga nito. Kung sana nga lang natuturuan ang puso sasagutin niya ito kaya lang hindi talaga pwede. Kaya lang pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay dito. Hindi niya prayoridad ang magkaboyfriend. Mas prayoridad niya nag matulungan ang pamilya. "Zaldy..." Napabuntong-hininga ako. "Alam mo naman kung ano priority ko sa ngayon at 'yon ay ang makapagtapos sa pag-aaral. Ang matulungan ang pamilya ko. Sorry pero kaibigan lang talaga tingin ko sayo."
"Tsk!grabe hanggang friendzone lang talaga pala ako?" Ani nito at mapait na ngumiti. "Basta sa graduation ball ako pa rin dapat escort mo kung hindi-".
“Kung hindi ano?!" Putol ko dito.
"Kung hindi di na ikaw pinakamaganda sa paningin ko." Natatawang biro nito.
"Naku! Ikaw talaga! Halika na nga at baka malate pa tayo dahil diyan sa kakornihan mo!" Tumatawang sabi ko sabay angkla ng braso ko dito.
-----------
“Hay salamat! Natapos din sa wakas!” eksaheradang palatak ni Charlene sa tabi ko.
“Grabe lalabas na utak ko sa kakasagot!” dagdag pa nito.
“Baliw! Mas nakakatanggal utak ang college life.” Tumatawang sagot.
"Speaking of college, alam mo na ba kung san ka mag-eenroll?" Kapagkuway seryosong tanong nito. Napabuntong-hininga ako. "Hindi pa nga e. Wala pa naman akong naiisip na university na papasukan." Malungkot na kwento ko. Dalawang buwan na din ang lumipas ng sabay-sabay silang nagtake ng entrance exam sa isang sikat na state university sa siyudad. At maaaring anumang araw ay lumabas na ang resulta.
"Naku friend! Dapat ngayon pa lang may option ka na para di ka mahurt masyado pag di ka nakapasok sa university na gusto mo." May pag-aalalang sagot nito. Sa totoo lang iniisip ko din ‘yon. Paano kung di ako makapasa doon sa state university. Doon pa naman ang pinakamurang tuition. Saklap! Pag nagkataon mukhang matitigil muna ako sa pag-aaral.
"Papasa ka Ash, think positive lang. Ikaw pa ba?" Singit ni Zaldyn sa usapan nila.
"What if nga eh?!” umiikot ang matang singhal ni Charlene dito.
"Kaya nga think positive. 'Wag ka ngang masyadong nega!" Ani Zaldy.
"Oops! Tumigil na kayong dalawa at baka mamaya kung s'an pa makarating!" Awat niya sa dalawa. Palaging ganito ang dalawang bestfriend niya. Kung 'di nga lang sa kanya nanliligaw si Zaldy iisipin niya na pwedeng magkatuluyan sila balang araw.
"Mano po 'nay." Nakangiting bati niya sa ina pagbungad sa sala ng bahay. Nakaupo ito at matiyagang tinutuhog sa stick panindang barbecue.
"Kaawaan ka ng diyos anak. Bakit di mo kasabay umuwi ang kambal?"
"Eh nagpaalam po sa akin kanina ng makita ko sila sa canteen. May praktis po sila ng basketball pagkatapos ng klase." Sagot ko at nilapag ang bag sa upuan at tumungo sa kusina. Kabilang sa basketball team ng eskwelahan ang kambal. Pag varsity player ka pwede kang makakuha ng scholarship kaya naman todo ensayo ang mga kapatid niya dahil alam nila na malaking oportunidad din iyon para makapagpatuloy sa pag-aaral.
“Ganun ba? Siya sige magpalit ka na ng uniporme mo ng makakain ka na. Naarkila ni Dra. Alejo ang tatay mo para magdala ng mga gamit para sa gagawing medical mission sa kabilang bayan. Baka gabihin na ‘yon kaya ikaw na lang muna tumulong sa akin sa pagtitinda."
"Wow! Kare-kare." Tuwang-tuwa ako pagkakita sa nakatakip na ulam sa lamesa.
"Dala-dala yan ng tatay mo kanina. Doon kasi siya nananghalian sa bahay nila Dra. Alejo. Ang pamangkin ni doktora ang nagluto niyan. Napakasarap sabi ng tatay mo at di niya napigilang ikwento na paborito mo 'yang ulam. Kaya ayan at pinabaunan pa ang tatay mo." Totoo yun. Sa lahat ng masasarap na pagkain sa mundo kare-kare ang pinakapaborito niya. Napapadami ang kain niya ng kanin pag ito ang nakahain lalo na pag sinabayan pa ng lutong bagoong alamang ng nanay niya.
"Pamangkin?" Tanong niya. "May pamangkin po si Doc Vivian?".
"Galing Maynila. Nagbabakasyon dito sa ating probinsiya at gusto daw makalanghap ng sariwang hangin. Nagsasawa na rin siguro sa polusyon sa siyudad. Higit dalawang linggo na din na tumutuloy sa bahay ni doktora." Mahabang kwento ng kanyang ina.
Ang bahay ng doktora ang isa sa pinakamalaki at pinakamaganda sa lugar nito. Minsan na siyang nakapasok dito. 'Yon ang bahay na nadadaan niya pag bumibili ng pansit sa tindahan ni Aling Nimfa. Wala naman siyang napansin na ibang tao dun maliban na lang kaninang umaga ng mabunggo niya ang estrangherong lalaki .
“Kung sino man po yang pamangkin ni doktora pakisabi po salamat. Ang sarap ng luto niyang kare-kare! Kung lalaki lang 'yon aasawahin ko na!" Biro niya sa ina.
"Nakuuuu!!! Ikaw talagang bata ka. Pag-aaral muna atupagin. Bilisan mo na at hahapunin tayo nito ng husto." Saway ng ina.
"Opo 'nay!” sagot ko habang nagliligpit ng pinagkainan. “Akyat na po ako,” paalam ko at umakyat na patungo sa kaniyang silid. Agad akong nagpalit ng damit. Isang simpleng t-shirt na may manggas ang pinili niya. Tinupi niya ang manggas nun hanggang sa kalagitnaan ng braso at tinernuhan iyon ng itim na leggings. Nagsuklay ng buhok at nagpulbo. Nang makuntento sa hitsura sa harap ng salamin ay bumaba na din.
"'Nay mamaya po palang alas singko pupunta po ako kina Doc Vivian. Pinapabalik po kasi ako ni Jenny at nagpapaturo mag gitara". Isa 'yun sa hilig niya, ang tumugtog ng gitara. Talentong namana niya sa ama. Sumasideline din siya sa pagtuturo. Dagdag ipon na din.
"Sige anak."
Pagpatak ng alas singko ay nagpaalam na ako sa ina. Naglakad patungo sa bahay ng doktora. 'Di niya tuloy mapigilang isipin yung estranghero kaninang umaga. Sino nga kaya yun? Nagdoorbell siya. Maya-maya pa ay tuluyan ng bumukas ang gate sa harap niya.
"Ash! Finally your here. I'm so excited pa naman today kasi I'm gonna show kuya Grey that I can also play guitar." Masiglang kwento nito habang ginigiya siya papasok sa bahay. Magkasing edad sila ni Jenny. Nag-iisang anak ni Doc Vivian. Sa isang sikat na pribadong paaralan sa lugar nila ito pumapasok.
"Kuya Grey?"tanong niya.
"Yeah! His my cousin from Manila. His taking his vacation here. Mahilig din mag-gitara like you."
"Ah,ok. Pwede bang makihugas muna ng kamay?" Paalam niya dito. Medyo nagmamantika kasi ang kamay niya gawa na din ng pagtulong niya sa ina kanina sa pagtitinda. Nakakahiya naman humawak ng gitara kung may konting uling pa ito.
"Kay, sunod ka sakin sa taas."
"Sige. Salamat"
--------
Third Person's POV
Dahan-dahang akong napamulat ng mata ng makarinig ng tugtog ng gitara. Bumangon ako sa pagkakahiga. Sinuot ang maong na pantalon at lumabas na ng kwarto. Mukhang galing sa veranda. Di pa man nakakalapit ng husto ay nagsimulang sumabay ang napakagandang tinig sa bawat pagtipa sa gitara. Napatigil siya sa may pintuan ng makita kung sino ang kumakanta. Tila ito isang anghel sa ganda ng tinig. Napahalukipkip siya ng braso at napasandal sa hamba ng pinto. Di niya napigilang mapangiti ng mapagmasdan itong maige. Nakaupo ito sa pasimano ng veranda. Bahagya itong nakayuko at kalong kalong sa kandungan ang gitara. Nakangiti habang kumakanta. Ang mahabang buhok nito na nakalugay ay bahagyang nililipad ng mabining hangin. It's the girl she bumped into earlier.
-----------
Asther's POV...
"Ano ba gusto mo pag-aralang chords ng kanta?” tanong ni Asther sabay abot ng gitara mula kay Jenny. Umupo siya sa pasimano ng veranda at marahang tinipa-tipa ang instrumento.
"Gusto ko I'll Be There. Kabisado mo ba yun?"
Napangiti siya. Isa yun sa paborito niyang kanta. Matagal na niyang inaral ang chords nun at palagiang tinutugtog pag may pagkakataon. Hindi siya sumagot,pagkakuway nagsimula ng tumipa sa gitara. Di niya mapigilang mapangiti habang kumakanta at napapapikit pa. Ewan ba niya pero sa bawat letra ay ang mukha ng estrangherong lalaki ang pumapasok sa isip niya. Napangiti siya ng pagkatamis tamis matapos ng kanta.
"Ang galing mo talaga Ash! Feeling ko nga radyo pinakikinggan ko. How I wish I could play the guitar like you? My gosh! You really have a sweet voice too."
Napangiti siya lalo sa sinabi nito at lilingunin niya sana ito ng mahagip ng mga mata niya ang pigura ng isang tao sa may pinto. Nanlalaki ang matang natigilan siya. A man wearing a v neck white shirt and ripped jeans is standing in the doorway. Mukhang bagong gising ito dahil magulo ang makapal at wavy nitong buhok. Nakahalukipkip ito ng mga braso at nakasandal sa hamba ng pinto. Tila ito isang modelo ng isang sikat na magazine. Sunod sunod siyang napalunok. Her heart started to rapidly. Nang mapansin ni Jenny ang reaksyon niya ay nilingon nito ang tinitignan niya.
" Kuya Grey! ‘Anjan ka pala? Nagising ka ba namin?" Nilapitan ito ni Jenny at hinila sa kamay. Iginiya niya ito palapit sa kinauupuan niya.
"No. Nagandahan kasi ako sa narinig kong boses kaya lumabas na ako ng kwarto." Tumigil ito sa harap nya at sumandal sa pasimanong kinauupuan niya.
Napasinghap siya ng mapagtanto kung gaano ito kalapit sa kanya. Napaangat siya ng tingin dito. Nag init ang pisngi niya ng makasalubong ang matamang titig nito sa kanya.
Siya nga! 'Yung estrangherong lalaki na nabunggo niya kanina!Sigaw ng utak niya.
"Akala ko nga anghel ang kumakanta." Bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito habang sinasabi iyon. Lalong nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito. Nakakahiya! Sambit niya sa sarili. Wala sa loob na muli siyang napayuko.
"Haha! See? Hindi lang ako ang nagagandahan sa boses mo Ash” aniya Jenny. "By the way, this is kuya Grey. Pinsan kong tinutukoy ko kanina." Pakilala nito sa kanya habang ang isang kamay ay nakahawak sa balikat ng huli. "Grey" sabay lahad ng palad nito sa kanya. Nagdadalawang-isip na inabot niya ang kanang palad dito. "Ashther" tipid na sagot niya.
"Asther" ulit nito sa pangalan niya at naramdaman niya ang bahagyang pagpisil nito sa kamay niya. Ramdam na ramdam ang kung anong kuryente na lumukob sa pagkatao niya sa ginawa nito. Dugdug!dugdug! Mabilis at tila nagwawalang t***k ng puso niya. "Such a lovely name, it fits you." Tangan pa rin nito ang kanyang kamay. Nalilitong nahila niya ang kamay mula dito.
"Do you want coffee kuya? Kukuha na din kasi ako ng snacks namin ni Ash sa baba." tanong nito kay Grey. Tinanguan lang nito si Jenny. Napaayos siya ng upo. Nakaramdam ng paninigas ng marealize na naiwan na silang dalawa. Napayuko siya at bahagyang tumipa tipa sa gitara. Tumikhim ito sa gilid niya kaya napalingon siya dito.
"Are you really into music?" tanong nito sa kanya.
"Ahmm..nakahiligan ko lang. Natutunan ko kay t-tatay." Nauutal na sagot niya.
"I see. May I?" tanong nito at umakmang abutin ang gitara mula sa kanya. Inabot niya ito at bahagyang pang nagtama ang mga daliri nila. Umayos ito ng pagkakaupo paharap sa kanya. Nang simulan nitong tumipa sa gitara ewan niya ba kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso. Natigilan siya at napatitig sa mga mata nito. Pag-angat niya ng kanyang paningin ay natigilan pa siya ng masalubong din ang mga mata nitong may pagkalambing na nakatutok sa kanya. Patuloy ito sa pagtitig sa kanya habang patuloy sa pag-awit at pagtugtog ng gitara. Napakasarap sa pandinig ng boses nito. Para siyang hinehele ng boses nito. Di niya tuloy napigilang mapapikit at mapangiti. Napamulat siya ng mata at muling tumingin dito. Hindi niya maalis ang ngiti sa labi. Napakabilis ng t***k ng puso niya. Naghuhurumentado sa sobrang bilis ng t***k. Parang gustong kumawala at magtatatalon sa kilig. Teka kilig?Kinikilig ako? Isang kanta lang pero ganun agad ang naging epekto nito sa kanya. Matapos ang kanta ay nilapag nito ang gitara sa upuan lapit dito. Muli siya nitong sinulyapan at kitang kita niya ang pagkagat nito ng labi na parang nagpipigil ng ngiti. Napayuko siya upang maitago ang pamumula ng pisngi dahil sa naiisip. Sakto namang umihip ang hangin at bahagyang sumabog ang buhok niya sa mukha. Hindi niya inakala ang sunod nitong ginawa. Dahan-dahan nitong hinawi ang buhok niya at inipit iyon sa likod ng tenga niya. Biglang uminit ang pisngi niya.
"Ang cute mo," ani nito sa kanya.
"H-ha?" maang na sagot niya.
"Namumula pisngi mo," ulit nito.
Hiyang-hiya na bigla siyang napatayo sa kinauupuan. Di niya tuloy natantiya ang kanyang panimbang at bahagyang nawala sa balanse. Ngunit maagap din itong napatayo at pinulupot ang dalawang braso nito sa beywang niya at hinigit siya palapit sa katawan nito. Ramdam na ramdam niya ang mainit na buga ng hininga nito sa gilid ng tenga niya. Nang mapagtanto ang kanilang posisyon ay bahagya niya itong naitulak. Bahagya din niyang pinagpag ang mga braso nito na parang bakal na nakapulupot sa kanya. "Ahmm.. c-cr m-muna ako" nauutal na paalam ko. Humakbang na siya patungo sa pinto at nakasalubong si Jenny na may dala ang tray ng merienda.
"Saan punta mo Ash?"
"C.R. lang ako" paalam ko at tinanguhan siya nito. Mabilis na tinungo niya ang banyo sa unang palapag ng bahay na malapit sa kusina. Agad kong pinihit ang seradura nito, pumasok sa loob at nilock ang pinto.