Hinatid siya ni Grey sa trabaho bago ito tumulak patungong airport kinabukasan. Tatlong linggo din silang hindi magkikita kaya pinagbigyan na niya. They made love again and again last night. Madaling araw na nga ng tigilan siya nito. Pagdating sa hotel ay sa basement parking na lang siya nagpababa para na rin makaiwas sa ibang empleyado na maaaring makakita sa kanila. They shared a passionate kiss first before bidding each other goodbye. Mabuti na lamang ay magiging abala siya sa mga susunod na araw kung hindi ay baka lubos siyang mangulila dito. Nangako naman sa kanya si Grey na tatawag araw-araw. "Front Desk office. Good morning," masiglang sagot niya sa kabilang linya ng telepono na nasa lamesa niya ng magring iyon. Mag-isa lamang siya sa opisina at kasalukuyang may tinatapos na repor

