Kumalembang ang kampana ng simbahan, hudyat ng pagsisimula ng isang masayang pagtitipon. Narito halos lahat ng mga taong naging saksi sa kanilang pagmamahalan. Ang matalik na kaibigan niyang si Charlene na siyang tumayong maiden of honor niya na kasama ang asawa nitong si Zaldy na karga-karga ang kanilang isang taong gulang na anak. Ang kanyang Tita Astrid at ang nobyo nitong si Louie na siya namang bestman ni Grey ngayong araw. Si Don Sebastian na masayang-masaya dahil masasaksihan niya pa ang araw na ito. Ang kapatid niyang kambal at maging si Jenny na umuwi pa galing Amerika na nakatayo sa tabi ng kanyang ate Judith. At syempre, ang anak nilang si Mira na napakacute sa suot nitong bestida bilang isa sa mga flower girls. Narito silang lahat upang saksihan ang muli nilang pag-iisang dibdi

