"Good morning po," masiglang bati ng nurse pagpasok ng silid. Gumanti ako ng ngiti dito. Pero mas lumaki ang punit sa aking labi ng makita ang sanggol na karga ng kasunod nitong doktor. " Nandito na po si Baby Miracle," Kinakabahan at pigil ang hiningang napatuwid ako ng upo. " Congratulations Ma'am! Magaling na si baby. Pwede na siyang itabi sa'yo. Nag-improve na ang timbang niya. At no more infections. I advice to continue breastfeeding her pag kaya 'nyo na at hangga't kaya. For discharge na kayo pareho. Your baby is a fighter. Mukhang nagmana sa kanyang mommy. " nakangiting wika ng doktor habang papalapit sa akin. " Thank you Doktora," Taos pusong pasalamat ko. Tinulungan ako nito para makarga ko ng maayos ang aking sanggol. Agad namang lumapit sa akin si Nanay para alalayan

