Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Bahagya pa akong nasilaw sa liwanag kaya muli kong ipinikit ang mga mata. Nang masanay sa liwanag ay muli akong dumilat. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng silid. Pinagmasdan ko din ang aking kamay na may linya ng dextrose. Bahagya pa akong nagulat ng makita si Grey na nakaupo sa tabi ko. Ang kanyang mukha ay punong-puno ng pag-aalala ngunit umaliwalas din ng makitang gising na ako. "Hi..." he whispered huskily. Tangan niya ang isa kong kamay at marahang pinipisil iyon. I try to speak but my throat is so dry. Mukhang nakuha naman ni Grey iyon. He immediately handed me a bottled water. Tinulungan niya pa akong makainom. Nakalahati ko kaagad ang laman noon. Muli akong sumandal pahiga. "Where are we?" Namamaos ang tinig na tanong ko haba

