Hindi niya kakayaning kasama si Ex sa silid. Mabilis niyang tinungo ang pinto pero naudlot ang paglabas niya nang magsalita ito. “Babalik ka sa tabi ko o susundan kita nang hubad ako, Yarra?” Tanong nito na nag-freeze sa kanya sa tapat ng pinto. Naalala niyang binuksan niya ang ilaw sa sala—bukas ang dalawa sa apat na bintana kaya hindi malayong may makakita rito na palakad-lakad ng hubad sa sala. Baka ma-eskandalo ang mga iyon sa hitsura nito. Parang robot na pumihit siya para harapin ito. “Magbihis ka muna kaya?” “Mainit,” balewalang tugon nito. “Isa pa, maghuhubad din naman ako mamaya—” “Ex!” tili ni Yarra. Napangisi ang lalaki. “Maghuhubad din ako mamaya bago ako matulog. Ano’ng iniisip mo?” Nag-iinit ang pisnging pinanin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


