“SA UMAGA nasa taas kayo. Sa sunset, `andito naman sa baba.” Nag-angat ng tingin si Yarra kay Ex. Pagkababa ng araw, dinala niya sandali sa labas si baby Elle. Masarap ang hangin sa Corazo, naisip niyang mas maganda na may masagap namang fresh air ang baby. “Para sa fresh air,” sabi ni Yarra kay Ex. “Gusto rin ni baby Elle ang view sa labas, eh.” Humila na naman ng upuan si Ex, sa harap ng upuan nila inilagay—at doon umupo na hindi inaalis kay Elle ang titig. “Gustong gumala,” ang sinabi nito. “Ano’ng gusto mong dinner, Yarra?” “Vegies?” “Gusto ni Dolf ng chapsuey. Gusto mo rin?” “Oo naman. Seafood chapsuey ang favorite kong mixed vegies.” “Kulang tayo ng seafoods,” at ngumiti. “Pero promise, masa

