TAKEOVER midnyt_princess CHAPTER 29 _____________ SARI POV "Malaki ang sugat mo, napano ba ito hija?" Narinig kong tanong sa akin nung doktor sa emergency room. Unang bagay na ginawa ko kasi nung napatulog na namin si Aerie at nagpahinga na si Boni ay nagpunta nga ako sa hospital para patignan ang sugat ko sa ulo. "Nalaglag po kasi yung flower base sa ulo ko nung yumuko ako sa terrace namin," pagsisinungaling ko. Hindi naman maikwento ni Boni kung sino ang may gawa nito sa kanya dahil hindi daw nya talaga alam. Dahil nga stress na sya at halata ko na ang pagod nya, hindi na rin ako nagpumilit na magpa kwento pa. "Kailangan itong tahiin at magre-request din ako ng ilang test pa para masiguro na walang damage ang ulo mo ha," sabi pa ulit nung doctor. Tumango nalang ako para w

