TAKEOVER midnyt_princess CHAPTER 19 ______________ MARIETTA COLLEGE BONI POV Minsan pa ay sinulyapan ko ang malaking tarpaulin ni Aerie na nakalagay malapit sa entrance ng school. Doon naka post ang mga pagbati sa mga manlalaro na nanalo sa school meet nung nakaraang Linggo. Syempre bukod sa isa talaga sya sa star ng school ay kakaiba talaga kasi ang ganda nya kaya talagang mapapatingin ka sa tarpaulin nya. "Hindi ko na to naibigay,"bulong ko sa sarili ko habang hawak hawak ko yung box na birthday gift ko sana kay Aerie. Pano nga ay nagkagalit kami tapos after naman ng ilang araw after non ay hindi na sya pumasok sa klase. Sabi ng iba ay may sakit daw sya at ang sabi naman ng iba ay nagbakasyon muna. Nung pumunta nga ako sa kanila para dalawin sya bilang isang concern n

