027: MALAKAS na hiyawan ang umalingawngaw sa buong lugar. Sinundan iyon ng malalakas na tawanan bago nagsipagkalansingan ang tunog ng mga bote sa ere. “Gan’yan nga Boss Archie! Inom-inom din naman kasi ’pag may time!” Marco said then take a chug on the beer in his hand. “Ano ba ’yan Marco! Nagsisimula pa lang tayo, para ka na agad lasing? First time?” sarkastikong tanong ni Vivian kay Marco na hindi naman pinansin ng huli. “Oo nga naman, Boss. Masyado ka kasing rigid. Loosen up din naman minsan. Kung hindi pa siguro dumating si Miss Z, baka hindi pa namin mararanasan ang mag-celebrate ng birthday mo, Boss.” Nakangising itinaas naman ni Gray ang hawak na bote ng beer sa direksyon ni Archiebal bago tinungga. Napailing na kinuha na lang din ni Archiebal ang bote ng beer na inilapag ni Zi

