032: MANGHANG pinanood ni Zira ang bawat lugar na madadaanan ng kanilang sasakyan. Dahil sa laking Maynila, ang makita ang mga naglalakihang puno sa bawat gilid ng kalsadang madaraanan nila ay talaga namang bagong-bago sa mga mata ni Zira. Natutuwa rin siyang makita ang mga bahay-bahay na hindi dikit-dikit. Ang mga batang naglalaro sa daan, at mga aleng nagwawalis ng mga natuyong dahon sa gilid. Everything was new in Zira’s eyes. And not only the scene is new, but also the environment and the feeling that she had just by watching those ordinary scenes. Para bang napunta si Zira sa ibang lugar dahil sa ibang-ibang environment ng syudad ng Maynila sa lugar. “Malayo pa ba tayo?” tanong ni Zira nang magsimula nang dumami nang dumami ang mga kabahayan na nadaraanan nila. “We’re actually in

